Nang makita kitang masaya
Nabuo ule saken ang mga alaala
Ganyan na ganyan ka nung simula
Sa kung papaano ka ngumiti at tumawa
Tumatak yan ngiti mo sa utak ko
Namiss ko bigla ang mga yakap mo
Namiss ko kung papaano mo hagkan ang labi ko
Namiss ko yung mga hawak kamay na hindi pa bumibitaw ito
Namiss ko ang lahat sayo
Hanggang doon nalang siguro ako
Kasi alam ko hindi naging ako
Hindi sya umalis dyan sa puso mo
Kaya't masaya ako sa pagbabalik nya sayo
Wag ka mag alala okay na ako
Okay lang mag isa basta sumaya ka
Basta makita ko ule yan ngitimo kahit hindi na ako ang dahilan nito
![](https://img.wattpad.com/cover/232688257-288-k512284.jpg)