Nakakatuwa dahil sa tuwing kasama moko abot langit ang ngiti mo
Para bang tinatakasan naten ang mundo
Mga titig na makakatunaw sayoo
Ako ang magsisilbing sandalan mo
Kapag pagod ka sa mundong ito
Ako ang magsisilbing panyo
Kapag lumuluha ka na ng todo
Ako ako na handang mahalin ka totoo
Pero ako na kaibigan lang ang turing mo
Sa panahon na iniiwan ka nya
Narito ako handang samahan ka
Sa panahon na sinasaktan ka nya
Handa akong hilumin nyan sa pagpapatawa
Sa panahon na niloloko ka nya
Narito ako handang saluhin ang mga bigat na dinadala
Pero pag bumabalik sya
Naiiwan ako mag isa
Nakakalimutan ako nag aabang ng mga tawag mo
Sapat na yung salamat sa sakit na naratamdaman ko
Naniwala ako na baka mahalin mo rin ako
Maramdaman ko yung pinaparamdam ko sayo
Pero nakakalimutan moko kapag nandyam sya sa tabi mo
Bakit ngayon hindi mo nanaman ako kilala
Parang hindi tayo minsan ngumiti dahil sa isat isa
