Author's note:
From this chapter, it will be a flash back starting from how they really met. :) Baka kasi may malito sa inyo ♡ Happy Reading!
Posession 3 - Where it all started
1st year college
Nagpagulong gulong ako sa kama dahil mag aalauna na ng madaling araw di pa rin ako maka-tulog! Pinikit ko ng mariin ang mata ko at nag umpisang magbilang ng tupa pero mabilis din akong bumangon mula sa pagkakahiga nang may maisip ako.
Pag-ganitong di talaga ako makatulog, alam kong may tumatawag sa akin sa labas ng bahay eh.
Mabilis akong nag make up at nagbihis ng black tiffany and co na body con black tube dress tsaka nag boots ng dior na knee length para makatakas at mabilis akong makatakbo, I didn't bother to wear heels.
Dahan dahan akong naglalakad sa hallway habang dala dala ang pouch ko na phone, wallet at lipstick lang ang laman. Inabot ko at susi ko na nakalagay pa sa tabi ng pinto kung saan sinasabit lahat ng susi ng sasakyan. Papunta na sana akong garahe ng mahuli ako ni ate Lara na kasambahay namin na naka kuba habang naglalakad.
"Hoy! Janice-"
Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinakpan ang bibig niya.
"Ate Lara sigi na, ngayon lang promise!" Halos bulong ko sa kaniya pero bulong talaga yon.
Marahas niyang tinanggal ang kamay ko na nakatakit sa bibig niya saka nagsalita.
"Pag ikaw talaga nahuli papalayasin na ako sa bahay na 'to."
"Papabalikin naman kita hehe."
"Osya, ngayon lang ha-"
Di ko na siya pinatapos mag salita dahil alam ko na ang susunod niyang sasabihin, 'Papayagan kita pero paano ka makakatakas sa mga gwardya mo? Ate Lara matagal ko nang ginagawa 'to di ka pa ba nasanay.
Sumakay ako sa BMW ko at mabilis na pinaandar ang makina nito saka pinaharurot papuntang gate.
"Ma'am di ka po pwedeng lumabas ng ganitong oras! "
"Bubuksan nyo yan o ibabangga ko ang sasakyan! "
"Pero wala po kayong kasamang gwardya-"
"Isa! Dalawa! Tat-"
Bago pa man ako makapag accelerate ay nabuksan na nila ang gate. They better do, the last time I remember I really did bump the car into the gate which cause me to go to the hospital. Im a spoiled brat but my dads loves me anyway!
"ADIOS!"
Sigaw ko habang winawagay-way ang panyo ko sa labas ng ng bintana.
Galing ko diba? May pa dahan dahan at takip bibig ni ate Lara pa akong nalalaman pero malalaman din naman pala ng lahat sa huli. Eh bakit ba feeling ko napaka-bad girl ko kapag ginawa ko iyon eh.
Di na ako nagtaka nang may dalawang itim na sasakyan ang sumunod sa akin. Dumiretso ako sa isang kilalang bar na ang costumers ay para sa mga artista at politiko. Halos lahat ng rich kid sa school ko dito pumupunta. Bukod sa maganda at maayos talaga ang pagpapatakbo sa bar mahigpit talaga ang security dito.
Hininto ko ang sasakyan ko sa gitna ng kalsada at hinayaang naka harang iyon doon. Nang makita ko si kuya Dy ang body guard ko na bumaba ng sasakyan ay binato ko sa kaniya ang susi. Pero mabilis na iyong binato sa isa pang man in black na kasama niya at lumapit sa akin.
"Sasama ako sa loob."
"Kuya Dy naman!"
"Baka mapahamak ka-"
BINABASA MO ANG
I am: His Posession (I Am Series #1) |Trilogy|
General FictionHe came to me like a Hurricane Dangerous Disaster He's so hard to avoid. It's so hard to believe that with just his words He already owned me. Now, I am: His Possession