PROLOGUE

21 4 0
                                    


Naranasan mo na bang ma-inlove sa taong hindi mo pa lubos na nakikilala pero nahulog na agad ang loob mo sakanya?

Kase ako, oo.

Minsan nang sinabi sa'kin ng kaibigan ko, na kapag may gusto akong hilingin, e, sa bulalakaw ako tumingin habang sinasabi ang mga bagay na gusto kong mapa-sa'kin.

At mukhang totoo nga naman, isang beses kong sinubukang humiling sa isang bulalakaw nang minsan ko itong ma-tyempuhan.

Na sana, balang araw, dumating yung lalaking magliligtas sa'kin sa lahat.

Isang lalaking gugustuhin ang lahat ng meron saakin at isang lalaking mamahalin ako hanggang dulo.

Iyong bang lalaki na hinihiling ko lang noon, na nasa harap ko na ngayon.

Napaka mistiso't mayamang tao na hindi ko inakalang mahuhulong ang loob sa isang taong tulad ko.

Anyways, sabi nga nila. Di naman sa yaman o sa panlabas na anyo mo dapat o basta basta nalang gustuhin ang isang tao.

May itsura din naman ako, matangkad, may kakapalan ang kilay, makinis ang balat, may katamtamang hugis ang katawan, mapula ang di kakapalang labi, at matangos ang ilong. Hindi nga lang kasing yaman nitong taong 'to.

Pero bahala na. Ang mahalaga, hawak na namin ang isa't isa ngayon, na sa tingin ko ay shooting star ang dahilan kung bakit siya. Siyang taong halos perpekto na sa paningin ko. At syempre ang taong pinangarap ko mismo.


. . . . . . . .

MY DAYTIME SHOOTING STARWhere stories live. Discover now