Yana's POV
*Ring... Ring... Ring... *
Nagulantang ako at dali-daling napa-bangon sa ringtone ng phone ko ng may tumawag.Hindi ko na tinignan pa kung sino iyon, at basta ko na lamang sinagot.
"Hello?" panimula ko.
"Yanaaaaa!!" animong masayang masaya na kulang nalang mabasag ang buong tenga ko sa lakas ng sigaw nya.
"Oh? Juliana, Mukhang masyado ka yatang masaya?" irita man dahil sa pambubulabog ng tulog, ay dinaan ko iyon sa mahinhin na tono.
"You didn't tell me na lilipat kana dito sa City ha?" para bang nalungkot niyang sabi na ipinagtaka ko rin naman kung sinong nagsabi sa kanya na lilipat ako.
"S-sinong nag sabi sayo?" nauutal ko pang tanong.
"Syempre, sino pa ba? Edi si Lola Nuts" sagot nya naman sa maarteng tono. Bakit nga ba, hindi ko naisip na maaaring ang Lola ko ang nagsabi sakanya noon?Aishh.
Sa totoo lang, balak ko rin naman talagang sabihin sakanya iyon, ngunit bukod sa ayaw ko siyang maabala para lang doon, e, lagi ko rin namang nakakalimutan na tawagan sya.
Napag usapan pa namin kung saan ako titira doon pag kalipat ko sa susunod na linggo, at sinabing mag boboard ako kung saan may pinaka malapit na boarding house sa bandang University na papasukan ko na sya rin namang papasukan nya. Humaba pa ng konte ang usapan namin hanggang sa magising nalang din ang buong diwa ko galing sa pagkakatulog,pero maya maya ay ako rin ang nagtapos ng linya.
Siya si Juliana Ferrer, ang nag iisa kong kaibigan mula pagkabata hanggang ngayon. Di-hamak na mas madaldal siya kung ikukumpara sa ingay ko minsan, kaya mas madalas din akong rinde sakanya, maputi, matangkad pero medyo malaman. Hehe. Mabait siya atsaka matalino, ingay lang talaga yung pag sasawaan mo sakanya. Para na kaming mag kapatid, kung tutuusin. Ang sabi kasi ng lola Nuts ko, magkaibigan din daw sila ng lola ni Juls, ganoon na rin daw ang pareho naming mga magulang. Yung nga lang, laking lolo at lola ako, kaya sakanila ko nalaman halos lahat ng mga bagay bagay.
Nang maputol na ang usapan namin ay agad na akong bumangon para sa pag ligpit ng hinigaan ko, at nang matapos, ay dumiretso ako sa banyo upang mag hilamos atsaka bumaba para kumain ng agahan.
"Magandang umaga po, Lolo Tatay, Lola Nanay" nakangiting bati ko kasabay ng pagkuha ng kanilang mga kamay para makapag mano.
"Magandang Umaga rin, saiyo, Apo ko" pagbabalik bati ni Lola Nanay na sinabayan din naman ng napakagandang ngiti ni Lolo Tatay.
"Kumain na ho ba kayo?" tanong ko ng makitang nakahanda na lahat sa hapag kainan at mukhang may bawas na ang ulam maging ang kanin.
"Ah, oo. Pasensya na kung hindi ka na namin nahintay, dahil itong Lolo Tatay mo ay kumukulo na kamo ang tiyan. Kumain ka diyan ng marami apo, unahin ang pag dasal bago simulan ang pag kain." mahabang tugon ni lola. Nag pasalamat na lamang ako sa pang aalok niya at pagkatapos ay panandalian kong ipinag dasal ang pagkaing nasa harap ko chaka sinimulang kumain.
Nang makaramdam ako ng kabusugan ay iniligpit ko na rin ang sariling pinag kainan atsaka nag paalam kina Lolo't Lola na babalik muna ng kwarto para makapag basa ng mga alam kong aaralin sa Unang taon ko sa Kolehiyo.
Sinisikap kong laging mauna sa pagbabasa't pag-aaral ng mga alam kong aaralin din naman namin, para pag nagkataon ay mayroon akong isasagot.
Natigil ako sa pag babasa ko ng may kumatok sa pinto ng mismong kwarto ko...
"Apo? Mamaya mo na ipag-patuloy iyan at kumain kana muna dito sa ibaba" pag yayaya ni lola sa pananghalian.
"Opo, Lola. Susunod po ako, ililigpit ko lang po ang mga gamit ko" tugon ko. Nang maramdaman kong palayo na ng palayo ang yapak ng kanyang paa ay dali-dali ko ring niligpit ang mga nakalat kong gamit, chaka bumaba para sa pananghalian.
YOU ARE READING
MY DAYTIME SHOOTING STAR
RomanceIsang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mag-aral ng mag-aral at humiling sa isang bulalakaw for the better future.