Yana's POVNang makauwi ako sa boarding house ay dumiretso na ako ng kwarto para mag bihis at naisipang lumabas ulit para mag sipilyo.
Nang makabalik ako sa higaan, patuloy kong iniisip kung totoo bang tinutupad ng shooting star lahat ng wish. Ni hindi ako dinalaw ng antok habang nakatitig sa kisame kakaisip.
Hanggang sa namalayan ko nalang na, mag hahating gabi na ng umilaw ang screen ng cp ko.
Message from: Juliana
"Hoy! Baka hindi pala tayo makapag sabay sa break bukas, may on the spot presentation daw kaming gagawin bukas, di sinabi ni Sir kung anong topic, kaya baka matagalan ako. Shinare ko lang para astig. Hehe dats ol.Good night. Muah."
Hindi ko malaman kung paano akong mag bebreak bukas ng walang kasama, sa pagka-mahiyain kong ito, hindi ko alam kung paano ko magagawa mag isa 'yon.
' Aish. bahala na... '
Alas-dose na ng madaling araw ng matignan ko ang oras, sa gulat ko ay pinilit ko ng pumikit hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan.
Kinabukasan...
"Eyow! Zup Yanatootsie. " bati ni Juls ng makalabas siya ng sasakyan, laking pasalamat ko ng hindi niya iyon dinaan sa speaker voice nya. 'Nakakamangha'.
"Good morning!" normal na bati ko atsaka sumakay ng font seat.
"Luh? Maldita ka girl?" animong hindi kinatuwa ang pag lampas ko sakanya matapos niyang bumaba sa sasakyan. Tinirikan niya lang ako ng mata chaka bumalik ulit sa loob ng sasakyan upang simulan ang pag mamaneho.
"Nabasa mo ba yung text ko kagabi?"tanong na niya sa malditang itsura ng mukha niya.
" Yes. "
" So pano ka mag rerecess? Shy type ka diba? Hahaha. Korni mo, ang laki laki mo na, para ka pang bata sa pagiging mahiyain mong 'yan. Di bagay sa itsura mo, Yana. " panlalait niya pa.
" Magrerecess ako, wag kang papansin dyan." sagot ko naman habang ang tingin ay nasa harap lang.
Nang muli naming marating ang parking lot ay wala na kaming imik na dumiretso sa loob.
" Ay, Yanaaa? Bwahaha. May nakalimutan ako sa sasakyan ko, mauna kana. Babalikan ko lang yung kailangan ko for presentation. Ghad!" saka siya dire-diretsong lumayo pabalik kung saan kami nanggaling.
'Hanep rin talaga. Recess lang daw ako' di sasabayan, pero dito palang nang iwan n-. Aray!'
Natigil ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng sakit sa bandang likod ko, para akong binato sa likod.
Sa bwisit ko, humarap ako sa likod ko para malaman kung anong nakatama sa'kin. Ngunit laking gulat ko nang makitang may apat na babaeng nakangisi saakin habang nakapatong ang tig iisang siko sa isang braso nilang nagsisilbing patungan na nakapantay sa bandang tiyan.
"Good morning Loser!!" sabay sabay nilang sabi saakin habang tatawa tawa na ikinagulat ko naman.
"Anong kailangan ninyo saakin?" kabadong tanong ko pero hindi ko ipinahalata.
"Well, we just want to ask you kung bakit dito ka nag aaral?" Mataray na ani nang isa. "Bakit hindi nalang sa Probinsya? Tutal doon ka naman lumaki, di'ba?" tanong naman ng isa na para bang nakakaawa ako sa parteng 'yon.
' Punyawa! Saan na ba si Juliana?! '
"Hey, loser! Ano? Bakit hindi ka makasagot? Kasi wala kang mga magulang? At sa Probinsya ka lang nanggaling? Hmm? Ugh!" ani' to na parang maluluha kunyare sa awa saakin.
YOU ARE READING
MY DAYTIME SHOOTING STAR
RomanceIsang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mag-aral ng mag-aral at humiling sa isang bulalakaw for the better future.