Chapter 7

7 1 0
                                    


Nang matapos ang klase namin sa buong isang araw, palabas palang sana ako ng makitang nandoon na si Juliana sa labas.

Hindi ko malaman kung ako ba talaga ang pinunta nito dito o si Kheyl. Psh. Bakit ba 'ko nangingialam? Ano naman kung si K.A yung hinihinty niya? Hahaha. Bitter ko ah.

"Hoy. Tara na." sinadya kong mag madaling lumabas bago makalabas si Kheyl, para malaman kung ako pa ba yung pinunta ni Juls dito o iyong isa na.

"A-hh. Ha? O, tara. Ay wait... Yung sintas mo." nang uuto pa, akala niya siguro yuyuko rin ako para tignan iyong black shoes kong wala namang sintas. Boplaks! Korni ng joke! Pahalatang pinapatagal niya lang para mahintay naming makalabas si Kheyl.

Hindi ako yumuko o kahit ano noong mang uto siya. 'Tss.'Kala mo ah' tinitigan ko lang siya habang seryoso ang mukha.

"Charot lang girl, 'kaw naman. Hehehe. Tara na nga. May hinihintay lang naman eh." pahina ng pahina niyang sinabi yong mga nahuli niyang binanggit. Para namang hindi ko narinig. Tanga talaga eh.

"Oh, edi hintayin mo. Mag isa ka, mauna na'ko." tinotoo naming pareho ang sinabi ko nang maramdaman kong mag isa lang akong pababa ng campus.

Pero bago ako makarating ng parking lot para sana doon antayin iyong manok kong kaibigan. May humintong sasakyan sa harap ko. Unti unting bumaba ang bintana nito sa driver's seat at natigil ako ng makita kung sino ang may ari nito. Si Dexter.

Syet! Bakit ba ang gwapo niya? At bakit ba ramdam na ramdam ko na 'yong baho ng kalandian ko sa katawan dahil lang sa lalaking ito? Huhu. Hindi kaya.... Siya na yung bigay ng bulalakaw sa'kin? Waaahh!! Ang swerte ko naman kung ganoon.

"Sabay kana sa'kin." alam kong nagtanong siya pero parang hindi ko maibuka ang bibig ko para maka sagot. Seryoso ba siya? Inaaya niya ako? Halaa! Lord, thank you po ng so much.. Ay? Tama ba? Hehe.

"Hey."

"Ah-hh..h-ha? A-ako ba?" utal utal ko pang tanong kung ako ba talaga.

'Para kang tanga, Yana. Ayusin mo yang baho mo sa katawan mo.'

"Hindi. siya." mukhang napahiya ako doon ah, pero sinubukan kong lingunin kung may tao ba sa likod ko, napag tanto kong wala. Muli kong binalik sakanya 'yong tingin ko ng makitang tumatawa na siya. Aish. "Hahaha.Yes, you, baby!" para bang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko mula ulo mukha kang paa, charot. Hanggang paa.

' Ano daw? Baby? Baby niya ba ako? hahaha. Pereng tenge nemen eh.'

Unti unti akong napangiti sa sinabi niya at sa iniisip ko pero bigla ko namang nakita yung isa sa mga nangbubully sa'kin, kaya kinabahan ako kasabay ng pag kawala ng ngiti sa mga labi ko. Nakatitig siya sa'kin ng masama.

'Inaano ko ba' kasi tong mga tubol na'to?!'

Iyon yung pinaka maganda sa kanilang apat. Maganda nga, ang pangit naman ng ugali. Pwe!

"Hey, Sath. C'mon." nabalik ang atensyon ko kay Dexter ng muli siyang mag salita. Agad naman akong napapunta sa kabilang bahagi ng sasakyan niya para sumakay.

Wala din ako sa sariling sumakay na agad na para bang kilalang kilala ko na 'tong may ari. Pakahiya nalang, bayaan mo na. Nag aya siya eh. Hehe.

"Saan pala yung house ninyo?" tanong niya ng makapasok ako.

"Ahh. Boarding house ang meron ako. Diyan lang 'yon sa unahan, tas liko mo sa kaliwa." ayun nga't sinunod niya naman.

"Hayaan mo na kung ganoon kasama tumingin sina Kendra sa'yo." natigil ako at agad napalingon sakanya ng bitawan niya ang mga salitang iyon. Sinong Kendra? Iyon kayang isa sa mga bully? Pero.. Bakit, kilala niya? Bago lang naman siya dito? Hala na..

"Iyon bang mga nambubully sa'kin ang tinutukoy mo?" tanong ko sakanya.

"Yep. Si Kendra iyong nasa Parking area kanina. Yung tatlong kasama niya, si Eyshen, Fira, and Kaye." mas lalo akong nagulat ng sabihin niya ang mga pangalan niyon. Baguhan siya dito pero bakit kilala niya ang mga iyon? Hindi ko na napigilang magtanong.

"Ba-bakit... Kilala mo si— Ayy! Kalabaw ka!" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang tapakan ng madiin iyong brake ng sasakyan.

'Kanggala tong tao na'to, nagfefeeling mabangis! Paano kung naaksidente kami? Saksakin ko 'to, eh.'

"Ito ba yung boarding house mo?" napalingon ako sa labas ng bintana ko ng makitang nasa tapat na pala kami ng boarding house ko. Nawala sa isip kong malapit nga lang pala ang tinutuluyan ko. Pero, punyawa. Legit yung kaba ko doon ah!

"Ahh. Oo. Salamat pala." chaka ako nag madaling bumaba.

Pero bago ko buksan iyong gate, binaba niya yung bintana.

"Hindi ako kalabaw, okay? Babye. Ingat." napasiring ako ng mata ng sirit na tumakbo iyong sasakyan niya. Hindi naman talaga siya kalabaw, hindi ba pwedeng ekspresyon lang? Ikaw kaya magulat ng sobra!buti nga hindi ano yung nasabi ko, eh. Char.

Tuluyan na akong pumasok sa gate, atsaka kinuha ang susi sa bag ko para sa mismong room ko. Nang makita ko ang phone ko, naisip kong tawagan si Juliana para sabihing nasa bahay na ako.

Dialing Juliana....

"Hello, Yana. Asan kana ba? Kanina ka pa namin inaantay dito sa parking lot, bakit wala ka dito, ok kalang ba? Anong nangyari sayo, Nasaan ka, huhu. Tell meee, Yanaaa!!"

As I've said, lumabas nanaman ang pagka O.A niya kung saan sarap na sarap akong tapuyungin 'yong bibig niya para lang manahimik.

" Hoy Ineng, ang boses mo. Dahan dahan lang! Tingin mo ba makakatawag ako kung nawawala ako? Andito na ako sa bahay kaya hindi mo kailangang mag alala, para kang tanga." hininaan ko na ng hininaan ang pagkakasabi ko sa mga nahuli kong binanggit.

Totoo naman kasing para siyang tanga, eh. Lagi nalang. Putak dito, putak doon. Putakte!

" Hoy, narinig ko 'yon ha, ano' yon?" naiinis ako pero parang gusto kong matawa ng iyon ang isagot niya sa'kin. Tanga tanga talaga. Alam daw tas nagtatanong kung ano. Gaga beh.

"Wala, sabi ko mas maganda ako sa'yo. Dumiretso kana sa bahay mo, at kung may kasama ka man paalisin mo na ya—." hindi ko natapos ang sinasabi ko ng ibaba niya ang linya. Aba! Parang hindi 'yon yung Juliana na tumatawag sa'kin palagi, ah? Anyare doon? Nagalit sa 'Tanga'? Eh, totoo naman. Hehe joke lang.

Hindi ko na siya inulitan pa ng tawag dahil baka hindi niya narin naman sagutin. Agad akong nag bihis ng pambahay atsaka dumiretso sa kusina para mag handa ng makakain.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng maisip ko' yong sinabi ni Dexter kanina.

'Yes you, baby!'

Hays. Buhay nga naman, hindi nawawalan ng kalandian. Hehe. Ever since ngayon lang ako naging ganito. Hindi ako 'yong sabing nerd, pero hilig ko lang talaga dati ang magbasa ng mga libro for advance learning atsaka lagi akong dedma sa mga nagkakagusto sa'kin since Elementary.

Pero noong dumating si K.A, doon ako unang nakaramdam ng pagtigil ng oras na sinasabi ng iba na nararamdaman kapag na love at first sight ka. Pero mas naramdaman ko ang pagtigil ng oras, mundo, maging ang paglabas ng baho ko noong makilala ko si Dexter Izrael.

'Yes you, baby!'

Muli nanamang bumalik sa alaala ko iyong sinabi niya kanina, lalong lalo na kung paano niya ako tinawag na baby. Huhu, mukha ba akong baby? Baby face? Ano ba ang meaning noon? May meaning ba 'yong ganon? E, sorry naman. Hindi ko pa naranasang tawagin ng ganoon ng lalaking hindi ko naman lubos na kilala, eh. Mag mukha ng igno pero wala talaga akong alam pag dating sa ganitong klaseng bagay, especially sa love. Dzuh.

I smell something. Bat parang.... Luh! Yung piniprito kong manok, sunog na!!

'Yana! Sobra ka pa sa sabog, ano bang ginagawa mo sa sarili mo, self!'

Pero hindi, bakit hindi matanggal sa labi ko 'yong ngiti ko, kahit na tarantang taranta na ako sa niluluto ko, hindi ko matanggal 'yung ngiting naka ukit sa labi ko ngayon.

Mukhang nag kamali ako sa isiping, si Kheyl ang para sa'kin ah.. Hmmm..

'Dexter! Dexter! Dexter!'

. . . . . . .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY DAYTIME SHOOTING STARWhere stories live. Discover now