CHAPTER 6

5 1 0
                                    


Yana's POV

Nang huminto si Kheyl para harapin ako, agad naman akong nailang ng makalapit ng tuluyan sakanya.

Pero nilaksan ko ang loob ko para gantihan ang tingin niya, nag pasalamat na lamang ako tsaka diretsong umakyat sa ikalawang palapag.

Lumipas pa ang tatlong linggo na tutok lamang ako sa mga pinag aaralan, ganoon din naman si Juliana. Araw araw parin kaming sabay sa pag recess, at tanghalian,hindi parin naman maiwasan ang bangayan, syempre.

Kasalukuyan kaming papasok ngayon ni Juliana galing sa parking lot nang pareho naming mapansin na pasalubong samin si Kheyl.

Nang sulyapan ko si Juliana titig na titig lamang siya sa lalake habang may konteng awang ang bibig.

Nilampasan lang kami ni K.A na para bang mga hangin lang kami, ngunit si Juliana ay sinundan parin ito ng tingin.

"Hoy! Tama na'ng kakatitig veh, baka matunaw yung tao." pagpuputol ko sa pagpapantasya ni Manok my friend.

"Ihhh.. Papansin ka naman, eh! Ang gwapo niya kaya. Hays. Alam mo, may sasabihin ako sayo..." pinutol niya pa ang sasabihin kasabay ng pag tapik niya sa braso ko.

"Ano naman?" tanong ko.

"Sa'tin lang to ha? Crush ko kase 'yong si Kheyl, eh. Yiee, mayghad kinikilig ako. Pa'no kaya kung siya si future baby ko? Alam mo tingin ko siya nga talaga yung para sa'kin. Kasi nung oras na may dumaang bulalakaw doon sa kinakainan natin, nag wish din ako na sana makasalubong ko' yong The One na para lang talaga sa'kin. Kaya ayon, tingin ko talaga siya na. Ikaw ba? Ano sa tingin mo? Paninigurado niya sa'kin habang nakangiti pa, animong pinapatuloy ang pagpapantasya. Aish.

"Sa tingin ko? Pumasok na tayo. Kanina pa tayo nakatayo dito, e. Ngalay na ngalay na kasi ako. Hehe. Baka lang naman may balak kang pumasok? Baka lang naman." sarkastiko kong tugon sa tanong niya. Ewan ko ba kung bakit hindi ako interesado sa mga ganiyang klaseng tanong sa'kin ni Juls, pero mas hindi ako nagiging interesado kapag patungkol kay Kheyl yung binabanggit niya. Para kasing may ibang kirot na bumabalot sa'kin kapag si Kheyl yung kinakikiligan niya. Ayaw ko namang masamain kung ano 'tong nararamdaman ko, kaya' di ko nalang pinapansin.

"Kahit kailan, panira ka talaga ng moment! Palibhasa kasi hindi ka pa nag kagusto sa kahit na kanino, eh!" hindi ko alam kung bakit parang bigla ko nanamang naisip si Kheyl, bigla nalang siyang pumasok sa utak ko ng sabihin ni Juliana ang mga nahuling linya. Kung ano mang rason nito ay hindi ko alam at ayaw ko nang alamin pa.

"Nako! Tara na. Dami mong dada." nagpatuloy na kami sa paglalakad namin nang walang umiimik. Kaya nang makarating ako sa room ko, imbes na malungkot ako dahil hindi man lang umimik si Juls, may sumaya pa 'ko dahil hindi ako narindi sa kanyang f*cking chicken voice.

Nang maupo naman ako, matik na napasulyap ako sa puwesto ni Kheyl nang maalalang umalis nga pala siya, kung saan man 'yong lupalop ng mundo nakarating, ay 'di ko alam. Pero unti unti na akong nakaramdam ng lungkot ng malapit nang mag simula ang unang klase pero wala parin siya.

'Ano ba 'tong  nararamdaman mo, Sathyanara?! Para kang tanga.'

Imbes na mag pakalulong ako sa sariling isipin, habang naghihintay kay Sir Chief, kumuha na lamang ako ng libro para sa first class.

Pero natigil ako sa ginagawa ng tumunog yung katabi kong upuan, nakuskos ito sa sahig kaya nilingon ko ito.

Natigil ako ulit noong makita kong nandoon na si K.A. 'di ko alam kung bakit parang bigla akong nasayahan, yung loob ko, biglang nabuhayan at nagkasigla noong makita ko siyang nakaupo habang kumakain ng Kitkat na Matcha ang flavor,gosh. Isa sa mga paborito kong chocolate.

MY DAYTIME SHOOTING STARWhere stories live. Discover now