Yana's POVDumaan ang ilang araw na nandidito ako sa boarding house na tinutuluyan ko. Hanggang sa dumating din ang unang araw ko bilang isang ganap na estudyanteng Kolehiyo.
Ala sais pa lamang ng simulan kong kumilos bilang pag hahanda sa pag pasok, sinimulan ko ang pagluluto para sa sarili ko ding agahan. Isang itlog at isang hotdog lang ang niluto ko sa ulam atsaka ininit ang natirang kanin na sinaing ko pa kagabi.
Nang matapos ko ang pag luluto ay nag madali akong kumain atsaka dumiretso ng banyo upang maligo.
Dadaanan ako ni Juliana ng ala syete para daw sabay kami sa pag pasok. Sa sobrang excited ko naman sa pag pasok, eh, hindi ko na alam kung anong klaseng pagligo ang nagawa ko sa sarili ko. Namalayan ko nalang na nagpupunas na ako ng katawan.
Sinunod ko ang pag suot ng uniporme ko at saka sinuklay ang 'di gaanong kahabaan na buhok ko.
Saktong matapos ako sa pag aayos, ay ang pagdating ng pamilyar na sasakyan sa labas.
"Gowd mowrneyng, Yanaaa!!" hindi malaman kung maarte ba o sadyang hyper lang na bati sakin ni Juliana, at syempre sa malakas na boses nya yun dinaan na para bang ilang bundok nanaman ang layo ng tenga ko sakanya.
Kung gaano kaganda ang gising ko, ganon nya din ako nirinde ng maaga sa tining ng boses nya.
' Kagigil amp.'
"Morning." bati ko nalang na mahahalatang bigla akong nawala sa magandang modo.
"Oh? Aren't you excited on our first daaaay?!" tanong niya sa paraang para bang biglang nag alala.
'Hindi agad excited? Hindi pwedeng nabwisit lang sa tining ng mala-manok mong boses?'
"Excited naman." yun nalang ang tanging isinagot ko para di na sya mag salita pa.
Hindi na kami nag tagal pa, agad siyang umikot pasakay sa driver's seat, ganoon din naman ako na agad binuksan ang pintuan ng front seat.
Di rin naman nagtagal ang byahe namin sa kadahilanang malapit lang sa tinutuluyan ko. Nang marating namin ang parking lot ng eskwelahan namin, ay 'di na ako nagulat kung gaano kaganda ang loob noon.
Anyway, bago pala ako pumasok ng tuluyan. Mag papakilala muna ako. I'm Sathyanara Isabelle Morales, "Yana" for short. Isang babaeng medyo kalog, and No Boyfriend Since Birth nor crushes. Matalino, mabait, pero depende sa mood. Mabilis din mapikon lalo na pag ang putak manok kong kaibigan ang nagsasalita. Heartthrob din. Char. Pero, oo, simula elementary ako, walang araw na hindi nag papapansin sa harap ko ang mga lalaking umamin na may gusto sila sa akin. Sa totoo lang, nakakapagod na maging maganda. Char lang ulit. Hehe. So, isa akong laking lolo't lola, kung ano at nasaan man ang totoo kong mga magulang, ay hindi ko na alam. Ang mahalaga ay buhay ako. Hindi ko pa kailanman natanong kina lolo tatay o lola nanay man lang kung nasaan ang mga magulang ko,hindi rin nila minsan mang nasabi o nai-kwento saakin kung saan ang mga ito.
Sa panahong ito, hinihiling ko, na sana ay may mahangaan man lang ako sa paaralang papasukan ko ngayon.
Papasok na kami ng campus nang biglang pumasok sa isip ko ang tanong na "Paano ba magka crush, Juls?" di ko namalayang natanong na iyon sa kasama ko.
"Humiling ka sa shooting star" sagot niya na hindi ko naman naintindihan kung saan ang konek noon sa tanong ko.
"Anong humiling sa shooting star?" pag babalik tanong ko naman na may kasamang pagtataka.
"Hay nako, Yanatootsie, simple lang. Siguro naman alam mo ang shooting star diba?" may paarte niyang banggit sa dinugtong niya sa mismong palayaw ko at pinutol nya ang dapat talagang sasabihin atsaka itinanong kung may nalalaman nga ba ako tungkol sa shooting star na iyon.
YOU ARE READING
MY DAYTIME SHOOTING STAR
Roman d'amourIsang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mag-aral ng mag-aral at humiling sa isang bulalakaw for the better future.