CHAPTER 5

3 1 0
                                    


Yana's POV

Kagagaling lang namin ni Juliana sa counter para sa orders namin for lunch. Papunta na sana kami sa nakasanayan na naming pwesto nang makitang may nakaupo roon, ngunit napahinto ako nang makita kung sino 'yon, maging ang paghinto ni Juliana ay naramdaman ko pero hindi ko iyon pinansin.

' Si K.A...'

Bakit sa dinami daming bakanteng pwesto, dito pa talaga niya naisipang maupo? Pero ok lang. Gwapo naman siya e. Hehe

"Stop staring at me." nagulat nalang ako nang bitawan niya ang mga salitang iyon, at  hindi ko namalayang mas malapit na kami sakanya. Maging ang pagtitig ko, hindi ko namalayan.

"A-ay.. So-sorry, K.A." sa paraang nahihiya ko nabanggit iyon, at habang tumatagal mas lalo akong nakakaramdam ng hiya at kaba dahil nakatingin din siya sa'kin. "Pupwede ba kaming makisalo sa table? A-ahmm.. Dito kase namin nakasanaya—" hindi ko naituloy ito ng sumabat si Juliana.

"Teka! K.A? Magkakilala kayo?" nagugulat niya pang tanong.

Ohh.. Ang manok ko, walang alam, kawawa naman.

"A-ahh.. Oo. New classmate ko 'to e. " panandaliang sulyap ko pa kay Juliana chaka ito pasimpleng pinandilatan ng mata para malaman niyang napalakas nanaman ang speaker na dala niya sa bunganga nya. Sabay lipat ng tingin kay K.A na may nakangiting labi, ngunit natigilan nanaman ako ng makitang nakatingin parin siya sa'kin.

'Jusko namang mga titig 'yan! Pamatay buhay, siz'

"Hindi mo sinabi sa'kin!" para bang nainis siya na hindi ko nasabi sakanya iyon. Pero nag pasalamat muna ako sa loob loob ko dahil hindi malakas ang pag kakasabi niya niyon.

"Tanga rin ng utak mo, e. 'Di ba, ngayon lang tayo nagkita? Kanina ko lang rin naging kaklase 'yan! Wag mo 'kong inaano! Suntukan nalang tayo para masaya. Hehe. Char."

"Char char, akala mo naman nakakatuwa siya!" bwisit niya ng tugon.

"Oh? First time mo yata ma-beast mode?miracle' yan, Ineng!" pang aasar ko.

"Yana, it's not funny na, pinapahiya mo 'ko sakanya ha!" bulong niya sa paparaang kami lang ang makakarinig na dalawa.

"Pahiya agad? Chaka ano ngayon kung ganon? Gusto mo siya,'no?" pang asar ko ngunit bulong lamang iyon.

"Tse! Manahimik kana, pag ikaw narinig niyan, itutuloy ko yung pang hahamon mo ng suntukan."animong handa talagang makipag laban. Burit burit lang naman.

" Osige, sasabihin ko. Wrestling tayo pagtapos." burit ko din kunyare.

Nasisiguro ko namang hindi kami naririnig nito, dahil bukod sa tutok ito sa pag kain. Naka headset ito.

"Yana, bakit ba ganyan ka ngayon? Ang korni mo ba!" halata na ang pagka pikon sa pananalita niya. Nakakatawa.

"Siyempre, 'di naman ako mabubully kanina kung hindi mo'ko iniwan." panunumbat ko sa nangyari kanina. Although, totoo namang ganoon. Pero hindi ko talaga siya sinisisi doon. Iniinis ko lang. Bakit ba? Hehe.

"Ano-... Nabully ka?!" gulat niyang tanong.

"Hindi. Ikaw"

"Bwisit talaga. Yana kase! Umayos ka nga ng pakikipag usap mo! Kanggala!"

Gusto ko na sanang matawa dahil pikon na pikon na siya ngunit naramdaman ko nanamang ang tingin samin ni Kheyl.

"You're so noisy, babae!" natawa ako ng tumingin siya kay Juliana noong sabihin niya ito.

MY DAYTIME SHOOTING STARWhere stories live. Discover now