Juliana's POVPapasok na dapat kami ni Yana nang maramdaman kong hindi ko dala ang mga materyales na kakailanganin ko sa presentation.
Naisipan kong balikan muna iyon at mag paalam nalang kay Yana, para 'di na niya kailangang hintayin pa ako.
"Ay, Yanaaa? Bwahaha. May nakalimutan ako sa sasakyan ko, mauna kana. Babalikan ko lang yung kailangan ko for presentation. Ghad!" saka ako dire-diretsong lumayo pabalik kung saan kami nanggaling.
Nag madali akong kunin 'yon, kasabay ng pag tingin ko sa orasan kong nakasabit sa braso ko. Napansin kong malelate na ako sa first class ko.
Gustuhin ko mang balikan si Yana, talagang malelate ako kapag dinaanan ko pa siya sa hallway papunta sa room nila kung saan kami dumaan kanina.
Kaya mas inisip kong dumiretso nalang sa building ko at mamaya nalang ipapaliwanag sakanya kung bakit hindi ko siya nabalikan.
Lagi kaming ganon. Hinahatid ko muna siya sa building niya na para bang mag-on kami para ganoon ang maging sitwasyon namin araw-araw.
Magkaiba kami ng building ni Yana dahil mag kaiba ring course ang kinuha namin. Nursing siya, at MedTech ako. Sa laki ng eskwelahang pinapasukan namin, hindi na 'ko magtataka kung bakit mag kaiba pa iyon ng building, samantalang mag kalapit lang naman ang mga ginagawa noon.
Kahit na naandito sa kabilang gilid ang building ko, inuuna namin puntahan ni Yana ang building niya sa bandang dulo. Dahil nga sa mahiyain siya, lagi ko siyang hinahatid hanggang sa makapasok siya sa mismong room niya at makaupo sa inuupuan niya. Ngayong araw ko lang talaga siya hindi naihatid.
Aminado akong nakokonsensya ako na hindi ko siya naihatid ngayon ng makarating ako sa room.
"Wala daw si Professor Eks, guys!" sabi ng isa sa mga assistant assistant ni Sir nang makarating ito sa unahan para ianunsyo ito. Kaklase din naman namin siya, pero siya yung laging inuupdate ni Sir.
Kung masyadong makitid ang utak ng mga tao dito, mapag kakamalang mag jowa na sila. Pero hindi. Gwapo si Professor Eks at maganda si Cara, pero hindi sila mag-on. Dzuh!
Pinaka paborito halos nang lahat itong si Professor Eks, hindi lang dahil sa gwapo at bata pa sya,kundi masyado ding mabait. Hindi siya naging strikto sa'min kahit na minsan nag kakaragulo kami. Pag oras naman ng tawanan, nakiki halubilo siya sa'min kaya sakanya masaya halos lahat. "Eks Camilo Gabinete" ang buong pangalan niya, kaya weird kapag tinawag mo lang siya sa pangalan niya. Dahil kapag hindi siya kilala ng ibang tao at narinig ito na tinawag, mapag kakamalang nagkaroon kayo ng past dahil sa "Eks" nga ang pangalan niya.
Balak ko pa sanang bumaba ulit at balikan si Yana pero bigla kong naisip na baka nasa classroom na niya siya, ayaw ko naman nang ma-distract ko pa siya, kaya mas pinili ko nang maupo nalang rin dito at mag prepare para sa last subject mamaya after recess.
Dumaan nga ang hinihintay ng lahat na on the spot presentation na sinasabi ni Sir Lim kahapon.
At nang mag break time para sa lunch, naisip kong puntahan si Yana sa building niya.
Papalakad na ako paakyat ng building ng may mabangga ako.
"Aray! Potek!" pikon kong angil, kahit na alam kong kasalanan ko rin na nagka banggaan kami dahil sa nag ce-cellphone lang ako at wala sa daan ang tingin, sabayan pa ng malakas na tugtog na nanggagaling sa earphones ko. Ako parin ang nagreklamo.
Unti-unti kong inangat ang tingin sa nabangga ko para sana siringan ito ng mata. Pero hindi ko nagawa iyon ng makita ko kung gaano kapungay ang mga mata nito, matangos ang ilong, maputi, mapula pula ang labi, inshort pogi!
'Shet ka boi...'
"A–ahh.. Sorry po kuya" wala sa wisyong nasabi ko iyon habang nakatitig lang sa mata niya.
Tinignan niya lang ako sa walang reaksyon niyang mukha, at syempre.....
Inalisan niya ako.
'Kanggala. Porket gwapo, feel na feel na.'
Hindi ko na siya sinundan pa ng tingin kung saan man siya pupunta, dahil mas kailangan kong puntahan si Yana, sa daan ko na itinuon muna ang tingin ko para hindi na ulit makabangga.
Ang Yanatootsie, mag isang nakaupo sa sariling upuan, naka pandekwatro sa mga paa, ang isang kamay ay nasa arm chair at ang isa naman at naka patong ang siko sa isa pang kamay at ang palad non ang nag sisilbing tukod ng baba niya.
Gets niyo? Hehe.
"Yanaaa!!" tinawag ko siya sa ganoong paraan ng makita ko siya, bahala na kung malakas para sakanya. Normal lang saakin 'yon.
"Ay punyawa ka! Taena, Juliana! Kahit kailan,sarap mong guramusing chararat ka! Pisgatan!" gusto kong matawa ng sobra ng makita ko kung paanong tumalbog ang pwet niya sa inuupuan habang sinasabi 'yon dahil sa gulat. HAHA. Siniringan niya tuloy ako dahil sa lakas ng boses ko para sakanya.
(Ikaw kase. Char)
"Hahaha. Na-miss lang naman kita. Hihi. Grabe naman sa chararat 'to, suntukin kita diyan eh!" parang nag tatampo ko nang sabi.
"Gago mo, sagad! Pag ikaw sinapak ko diyan, bantay kalang!" animong magwawala na siya sa sobrang init ng mukha niya pag tinignan.
"Wahahaha! Halika na, mag recess na tayo!!!" pang uurat ko.
"Punyeta, hinaan mo nga yang boses mo! Mag pasalamat ka ng sampung libo, dahil wala akong sakit sa puso! Kundi ikaw magbubuhat saakin pag nawalan ako ng malay. Yawa kaw!" wala na sa mood na sagot niya.
'Hahahahahahaha...'
"Oh, ito na po miss. Halina po kayo sa canteen, kumain na po tayo ng tanghalian dahil kanina pa po umiiyak ang tiyan ko sa gutom." sinabi ko iyon sa pabulong na paraan na maririnig niya parin naman pero hindi na talaga malakas. Hehe
"Mamamo! Mauna kana doon!"
Ok badtrip na siya. Haha
"Asus! Yana baby ko, halika na dali po." yaya ko sa mapang asar na paraan sabay lapit sakanya habang nag aayos siya ng mga gamit.
"Baby amp. Tuktukan kaya kita?! Gagang 'to. Landian! Halika na!"
Tumawa nalang ako chaka kami sabay na lumabas pababa ng building nila.
Nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan hanggang sa marating namin ang canteen.
Nag order lang kami ng mga makakapag pabusog sa'min atsaka dumiretso sa pinupwestuhan namin mula nung unang araw pa lamang namin dito.
Ngunit sabay kaming napahinto ng may makitang nakaupo roon...
. . . . . . .
YOU ARE READING
MY DAYTIME SHOOTING STAR
RomanceIsang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mag-aral ng mag-aral at humiling sa isang bulalakaw for the better future.