Panimula

2.4K 34 1
                                    

Nagising ako sa sakit ng sinag ng araw dahil hindi pala sarado ang aking teresa, dahan dahan akong bumangon at sumakit ang ulo.

"What the fuck!" Sigaw ko

Dahan dahan akong tumayo at kumuha ng tubig sa study table ko, nung mahimasmasan na ako ay lumabas na ako ng kwarto.

"Good morning uncle." Bati ko kay uncle Tristan.

"Lasing ka nanaman kagabi Trina.." bungad niya saakin sa gitna ng malamig na umaga dito sa baguio.

"Yeah, Sorry."

"Osya umupo kana at naghanda si manang ng kakainin natin."

Uminom naman ako ng kape at tiningnan ang matanda kong ancle na walang asawa o walang anak dahil baliw na baliw daw ito kay mommy nuon pero mas nagustuhan daw ni mommy si daddy dahil daw pangit si daddy.

"Uuwi tayo ng manila bukas, pack your things trina."

Tumango lang ako, ganun kasi ang routine namin ni uncle pagkatapak namin sa bahay namin dito sa baguio ay ilang araw ay uuwi din dahil ayaw ni uncle ng malamig.

"And please, gayahin mo naman ang mom mong magaling--"

"Magaling na doctor, isang tinaguriang heart surgent na Magna Cum Laude."

Tumawa naman si uncle.

"Magkaiba talaga kayo ng mom mo Trina, nung nabubuhay pa si kuya at Celestine. napaka sweet niyang mom mo alam mo bang alam na alam ang paborito namin ni Trevor? mula sa tinola. Isang araw nga ginulo ko yan at sinuot ko ang mga polo ni kuya para magmukha akong si kuya pero nakilala padin niya ako."

Kununot naman ang noo ko.

"Ganun si mom?"

"Yes, kabisado niya ang dad mo mula sa pangangatawan at amoy." Tumawa naman si uncle matanda na ito ngunit may ipagmamayabang pa na itsura.

"Naalala ko nung nasa laguna kami, pinakain niya kami ng iba't ibang isda."

Ito ang unang beses na magkwento si uncle tungkol kay mom at dad bukod sa sinasabi niyang magaling talaga ang mom ko mula sa pagluluto hanggang sa trabaho.

"Napakabait ni Celestine, Trina. Hindi sya mapapantayan."

Ngumiti ng malungkot ang uncle ko.

"Bakit? Ano ba talaga ang ikinamatay nila uncle? Sinasabi parati saakin ni lolo Troy na sayo ko nalang itanong."

Huminga sya ng malalim.

"Umaga kaming pumunta sa italy nun para sa civil weeding ng mom at dad mo. Habang ikaw nauna kana sa italy kasama ang lolo troy mo. Gabi nung umalis ang dalawa pero sa hindi inaasahan.."

Muling pumatak ang luha ng aking uncle.

"Sa hindi inaasahan Trina, naaksidente sila ng sabay at nung maaksidente na sila natawagan pa ako ng mom mo na ingatan kita. Na ingatan ko ang tanging alaala niya saakin."

Tumayo ako at niyakap si uncle.

"Ngunit, nadala agad sila sa hospital pero hindi na umabot ang dad mo...Pero ang mom mo nagising siya after 2 years sa pagkacomatose. Pero mas masakit pala ang susunod na mangyayari."

Hinihipo hipo ko lang ang likod ng matanda dahil hindi na kaya ni uncle ang lahat.

"Nabaliw ang mom mo dahil sa pagkawala ng dad mo.."

Napahinto at napatulala ako sakanya.

"Na-nabaliw?"

Tumango si uncle.

"Nabaliw si Celestine noon, kaya dinala sya agad sa mental hospital. Iyak ng iyak ang lolo troy mo noong araw at tanging binabanggit lang saakin ni celestine ay ikaw at ang dad mo. Tulala lang sya lagi at umiiyak. Wala ni isang nakalunas sakanya. Kahit sya na doctor ng mga puso ay hindi niya natahi ang sugat ng kahapon. Isang doctor na hindi kayang gamutin ang sarili"

Pumatak muli ang kanyang luha.

"Tanging ang dad mo lang ang lunas nun Trina.."

Napaupo naman ako nawawalan ako ng lakas, parang ang sikip sa dibdib.

"Hanggang isang araw bumisita ako ng hospital na iyon at ang naabutan ko lamang sa isang matalinong doctor na si Maria Celestina Huarez ay isa nang malamig na bangkay."

At tuluyan ng bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Back in the arms of mayor. BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon