Sakit ng kahapon
TULALA lang ako kay daddy habang nagkukwento.
"Nauna ka sa italy kasama ang lolo at lola mo pati ang mga pinsan mo na pamilya ng Mom mo, habang ako pasunod palang dahil may shoot ako nung araw at nang makatapak na ako sa italy ay agad kitang binuhat isang 2 weeks baby na sobrang ganda manang mana sa mommy."
Ngumiti naman kami.
"Habang kinagabihan na at wala padin ang parents mo, pero isang tawag ang natanggap ko mula sa mommy mo."
Napatahimik muna si dad, at muli na siyang nagsalita
"Yun ay ingatan kita, mahalin, at ibibigay ang lahat. Wag na wag kitang pababayaan dahil iiwan ka niya sa pangangalaga ko."
Pumatak ang luha galing sa mga mata namin ni Daddy.
"Isang tawag ang sumira sa kasiyahan namin, sa kasiyahan nilang dalawa. Kaya agad agad kaming nagpa book ng flight pabalik habang ikaw ay kasama muna ang lola mo at kami lang ng lolo mo ang umuwi ng pilipinas noon."
Nagpunas ako ng luha.
"Nang makauwi kami ay agad agad kaming dumeretso sa hospital habang hindi kami mapakali ni troy noon, nangingisay ang aking mga tuhod ngunit nung buksan ko ang isang berdeng kurtina ay tumambad saakin ang nakahigang si kuya na may takip ng puting tela."
Halos bagsakan ako ng langit at lupa sa narinig kong iyon mula kay Daddy dahil kahit na kailan ay hindi ko naramdaman ito.
"Halos mabaliw ako dahil sa pagkamatay ni kuya halos sira ang mukha niya dahil sa madaming sugat ang natamo niya, tinawagan ko ang pamilya namin Anak at duon na humina ang puso ni mommy."
"Halos hindi namin matanggap lahat ang nangyare at nung mahismasmasan ako ay hinanap ko ang Mommy mo."
Pero kahit namatayan ang daddy hindi niya padin nakalimutan ang mommy, why im so blessed na magkaroon ako ng ganitong daddy?
"Pero nung pumasok kami ng lolo mo sa kwarto niya puno sya ng sugat puro sa mukha lang dahil sa katawan wala siyang sugat at duon namin naisip na kahit sa huling hininga ng kanilang buhay ay iniligtas padin ni kuya ang asawa niya ang ina ng anak niya. Ang babaeng pinakamamahal niya."
Bumuhos ang lahat ng luha ko sa narinig kong iyon.
"Mukhang lantang gulay na ang mom mo dahil ilang taon na siyang nakahiga sa hospital bed na iyon. Pero akala namin ay namatay na siya pero isang araw ay nagmulat siya."
Ngumiti ang daddy saakin at hinaplos ulit ang aking mukha.
"Alam mo ba ang unang banggit niya?.....ang daddy mo padin."
Grabe magmahal si mommy, kahit nasa bingit na sya ng kamatayan ay si daddy padin ang iniisip. Pero wala na ang daddy
"Ilang buwan na ang lumipas at gumagaling na sya sa tulong na pag gumaling sya dadalhin namin sya sa daddy mo."
"Isang araw nasa maayos na siyang kalagayan at she asked me where is my brother Sebastian."
"Ano pong sinabi nyo?"
Huminga ng malalim si daddy.
"Hindi ako nagsalita kahit ang lolo mo, dinala nalang namin sya sa bahay kung saan naka ratay sa kabaong ang aking kapatid na hanggat hindi pa maayos ang pakiramdam niya ay hindi namin ibinurol si Kuya."
"Daddy..." nanginginig ang kamay kong hinahawakan ang kamay ng daddy ko.
"Tanong sya ng tanong kung bakit nasa bahay kami dahil ang alam niya ay nasa hospital pa si kuya at nagpapagaling kaya nung pumasok kami ng bahay at tumambad sakanya ang puting kabaong ng aking kuya Sebastian."
"A-anong nangyare?"
Hinawakan ni daddy ang kamay ko. Hinigpitan lalo
"Tumakbo si Maria sa harap ng kabaong ni kuya at ni isang luha ay hindi pumatak sa mga mata niya."
"Yun ang pinakamasakit na nakita namin sa buong buhay namin iha."
Bumuhos yung mga luha sa mga mata ko.
"Sumigaw ng sumigaw ang mommy mo at hindi makapaniwala hanggang sa nawalan sya ng malay kaya nagkagulo ang lahat."
Awang awa ako kay mommy at sa kay Daddy dahil wala naman silang kasalanan pero buhos na buhos ang sakit na naramdaman nila.
"Nung magising ang mommy mo ay iyak sya ng iyak hanggang sa iburol na si kuya, halos hindi niya matanggap at hindi sya pumunta sa burol. Inuwi ka namin dito para lamang gumaan ang loob ng mommy mo pero mas hinahanap niya ang Daddy mo dahil sa ang gusto niya para sayo ay buong pamilya."
"Daddy....enough."
"You need to accept the fact na ganun ang buhay iha."
"Pero hindi nila deserve yun daddy."
"Yeah i know, kaya nung inuwi ka namin dito ay duon na nagsimulang mabaliw ang mom mo dahil sa kakulitan mo ay manang mana ka sa daddy mo kaya tuwing nakikita ka niya ay umiiyak sya at hinalik halikan ka para lang gumaan ang pakiramdam niya."
Ngumiti ako ng mapait.
"Pero nung hiramin ka na ng grandma mo sakanya ay naging tulala na ang mom mo hanggang sa iyak sya ng iyak at kinakausap na ang sarili."
"Sinasaktan na niya ang sarili niya kaya nung hindi na namin kaya ay ipinadala na namin siya sa mental hospital para gumaling at bumalik sa dati ang kawawang doktora."
"Pero daddy dapat pinuno nyo nalang sya ng pagmamahal."
Ngumiti si daddy.
"Punong puno sya ng pagmamahal galing saamin anak, pero mas minabuti niyang wag niyang tulungan ang sarili niya para maka recover sa sakit pero wala eh. Halos araw araw akong bumibisita sakanya at tuwing paborito ni Kuya ang dala ko ay kumakain sya ng marami. Pero isang araw akala namin ay magaling na sya dahil ngumiti sya saakin ulit."
"Wh-what happend next?"
"Sa kabila ng ngiting yun anak, yun na pala ang huling araw niya sa mundo."
"Na isinuko na niya ang buhay niya para sa minamahal niya, namatay sya ng may ngiti sa labi dahil muli na niyang makakasama ang Daddy mo."
"Pe-pero ako?"
"Wag na wag mong iisipin na hindi ka inisip ng mommy mo trina dahil bago sya mawalan ng hininga ay may sulat sya sayo. Isang sulat na nagpalakas saakin na kaya kitang buhayin na kaya kong tumayo bilang ama mo bilang kapatid ng daddy mo anak."
Kinuha niya ang sulat sa may ilalim ng telepono.
"Basahin mo yan at nakapangako ang lahat na sa 20th birthday mo ay malalaman mo na ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa mommy at daddy mo."
"Hindi sila namatay para pabayaan mo ang buhay mo Trina, namatay sila pero hindi ka padin nila pinabayaan dahil lahat lahat ng taong nakapaligid sayo ay minamahal ka at ikaw ang alaalang iniwan saamin ng napakabait mong ina."
"Daddy..."
"Basahin mo na yan at aalis muna ako may meeting ako ngayon nak, at tatawagan kita mamaya okay? iloveyou."
Tumayo na sya at hinalikan ang ulo ko bago sya umalis.
"And don't forget to attend the party of mayor leo tomorrow inaasahan ka niya."
BINABASA MO ANG
Back in the arms of mayor. BOOK 2
Ficção AdolescenteMaria Trina Montenegro is a bitch and baddass montenegro. While the Mayor leo villanueva is the most sexiest and hot mayor of nueva ecija.