KABANATA 1: Bagong mukha

298 5 0
  • Dedicated kay Cyrill Carcosia
                                    

Nagsimula ang lahat isang umaga. Sa loob ng classroom ng fourth year section A ng St. Therese Academy. Ordinaryong araw lamang iyon ngunit may di inaasahang nangyari. 

"Good Morning Class, I would like to introduce to you your new classmate, Mr. James Carl De Guzman. He's a transferee from Albert Einstein Science High School. Please treat him nicely and i hope na magiging bago nyo syang kaibigan. Any words Mr. De Guzman?" 

Gwapong-gwapo si James sa suot nyang uniform. mapupungay ang kanyang mata,   mapupula ang labi, at balingkinitan ang katawan. Kitang kita mo talaga kung paano sya inalagaan ng maayos ng parents nya. Kinikilig ang mga girls sa tuwing mapapatingin sa kanila ang gwapong binata. May bagong campus crush na yata ang STA. 

"Good Morning classmates!" paunang bati ni James na halatang mejo kinakabahan dahil halos malalagkit ang tingin sa kanya ng mga dalaga sa classroom.

"I that this final year in my life, will be spent i a new world full of excitement and joy. Sana maging bago ko po kayong kaibigan" Ngumit pagkatapos ay yumuko lamang si James.

"For the information of everyone si James pala ang running first honors sa AESHS and i know that he will give a good fight to our Nina. By the way asan pala si Nina?" Tanong ng teacher.

"Ay Maam, andun po yata sa  Student Council Office may ginagawa"

"OK, so Mr. De Guzman your seat will be beside Miss Montenegro"

Nagsimula ang first lecture ng teacher noong umagang iyon. Nagtataka at nacucurious si James kung sino ba talaga si Nina. Di dahil sa gusto nyang mkakilala ng bagong girl, kundi dahil sa gusto nyang makilala ng mabuti ang bagong kalaban nya sa klase. 

"Siguro, maganda sya, tapos may mahabang buhok, tapos napakahinhin nya. At sya na yata ang babago ng buhay ko. Tsk! ano ka ba James, kaaga-aga ngiimagine ka! Kainis!"

At bigla nalang tumunog ang bell. Hindi nakapasok si Nina sa first period. Magkahalong sabik at taka ang nasa isip ng ating gwapong binata. habang naglalakad sya sa corridor ng school ay pinagtitinginan sya ng lahat ng girls na madaanan nya. hayy! bagoong campus crush na talaga.

"Ang gwapo nya talaga! Ano kaya ang pangalan nya? Girl, hingin mo na number!" Mga bulung-bulungan ng mga girls sa gilid. Pero hindi ito alintana ni James. Malalim ang kanyang iniisip. Pano nya kaya matatalo sa klase ang pinakamatalinong GIRL sa school. Kasi weakness nya ang girls. Ni minsan ay di pa sya naiinlove. Womanhater kasi sya. Sa isip nya kasi lahat ng babae itsura lang ang habol. Kaya paano nya kaya idedeal ang isang babaeng kapantay nya?

DOTA o AKO? (How They Met){Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon