Tapos na ang party at ang lahat ay kailangan ng umuwi. Halos lahat ay may sasakyan. Maliban sa dalawang tao.
"Di pa ba kayo uuwi?"
"Mamaya na, magcocomute lang ako." sagot ni James
Ilang minuto na ang nakakalipas ay wala paring dumadaang Taxi. Nang bigla nalang may narinig si James na umiiyak na babae. Kinilabutan sya noong umpisa pero hinanap nya kung sino yung umiiyak. Nagulat sy ng makita nya ang babaeng sinayaw nya kanina na nakaupo sa gilid ng gate.
"Oi! Miss Montenegro, Bat ka umiiyak?" Tanong ni James. Unang beses nya nakitang umiyak ag kilalang palaban na babae sa school. "Babae, parin pala sya." Wika ni James sa sarili.
"Wala, natatakot lang ako." Humuhikbing sagot ni Nina
"Saan?"
"Wala, gusto ko nang umuwi kaso wala akong masakyan eh"
"Ahhh, ok kung yan ang gusto mo."
Walang anu-anu ay biglang tumayo si Nina. At nagdabog habang naglalakad papalayo kay James.
"Oh, san ka naman pupunta? Delikado dyan baka matisod ka" Sigaw ni James.
"Anywhere! Kung saan di ko makikita yang pagmumukha mo!"
At nagdilang anghel nga si James. Natisod nga si Nina. At naputol ang heel ng kayang sapatos. Nilapitan agad sya ni James.
"Hahahaha! Ay tanga lang teh? hahaha! Tigas kasi ng ulo eh yan tuloy. Masakit ba?"
"Pano ba to? Di na ako makakauwi. Huhuhuhu"
"Gusto mo hatid kita? Mas mabuti sigurong buhatin nlng kita at maglakad-lakad hanggang sa may dumaan na Taxi." Malambing na alok ni James.
"Masakit ang paa ko eh! Tapos pagod narin ako"
"Delikado na dito lika! Sakay ka nalang sa likod ko. Akin na yang sapatos mo."
"Hindi ko kailangan ng tulong mo Mr. De Guzman! I can manage myself!"
"Oh sige, dyan ka na may mumu dyan"
"Go away! I'd rather die that to seek help from you!"
Dahan-dahang humakbabang papalao si James.
"James wait, hantayin mo ako!"
"Bahala ka dyan, diba sabi mo you can manage yourself?"
"James, di ko kaya. Takot na takot ako" at bigllang humagul-gol si Nina
Tumakbo agad ng mabilis si James. Ayaw nyang nkakakita ng babaeng umiiyak. Weakness nya yun!
"Ssshhh.. tahan na! Lika na sakay ka na sa likod ko"
Umakba nga si Nina sa likod ni James at dahan-dahan silang naglakad-lakad
"Nina, maganda ka pala anoh?"
"Ha? anong pinagsasabi mo?"
"Nagmukha kang tao kanina. Sa classroon kasi tingin ko sayo parang halimaw hehehe"
Natahimik lamang si Nina
"James..."
"Po?"
"Bat mo ginawa yun?"
"Ang alin?"
"Yung pagluhod mo kanina? Hindi ko inexpect yun"
"Ahhh.. yun? hehe first time ko rin ginawa yun eh. Paimpress lang sa mga teahers hahaha"
"Ang sama-sama mo! Akala ko kasi... kasi... huhuhuhu"
"Hayyy! Iyak na naman? Sshhh!!!"
Tumahan bigla si Nina ayaw nyang mainis ang binata sa kanya. Nagpatuloy sa paglalakad si James hanggang sa may nakasalubong silang grupo ng mga lalaking tambay.
"Oi brad, chicks yata yang kasama mo ah? Pashare naman oh!"
Pinalibutan sila ng mga lalaking kanilang nakasalubong
"Dyan ka lang sa likod ko ha, wag kang lalayo."
"Brad, pwede nyo ba kami padaanin? nagmamadali na kasi kami."
"Ah iwan mo muna yang chicks mo brad"
"GF ko to brad! Wag na wag nyong babastusin ang GF ko!"
"Aba? matapang ka?"
"Sa inyo nalang tong pera ko! Eto pa relo, cellphone wallet! Basta iwan nyo lang kami ng GF ko!"
Takot na takot si Nina, naginginig ang buo nyang katawan. Ngunit may kumukurot sa puso nya. Nagkamali sya ng akala. Ganoon pala si James. May kaunting saya sa puso nya ng sinabi ni James na GF sya nito. Pagkatapos malimas ng mga lalaki ang mga gamit ng binata ay nagsipag takbo na ang mga ito.
"Ok ka lang? Wag kang matatakot ha? Suot mo to baka nilalamig ka na"
"Sa-sa-salamat James!"
Ngumiti ng matamis si James kay Nina. biglang may pumintig sa dibdib ng dalaga na hidi nya maintindihan.
"Ayun oh Taxi! Taxi!"
Sumakay ang dalawa sa Taxi, Naunang hinatid si Nina sa Bahay nila. Ang dalaga na rin ang nagbayad ng pamasahe.
"Ingat ka ha! Matulog ka ng mabuti! may quiz pa tayo bukas. Ayaw kong mazero ka. wala ng challenge ang buhay ko" Sabay ngiti at pagkaway si James. Habang tinitignan ni Nina na papalayo ang Taxi ang tanging nasaisip nya lamang ay...
"Salamat, my Kontrabida Prince Charming"
BINABASA MO ANG
DOTA o AKO? (How They Met){Completed}
Short StoryThis is the first part of the story DOTA o Ako?. This part of the story revolves on how the main characters met, and fall in love. This part of the story may not be related to the title since it revolves on how the relationship started. Please Vote...