KABANATA 6: Friends?

155 2 0
                                    

Nang dahil sa nangyari mejo lumambot ang puso ni Nina. Hindi nya inakalang ganoon pala si James.

“Hayyy… GF ko sya wag nyo syang gagalawin! Oh my God! Hindi ako makaget over sa sinabi nya.Hayyy… Di ko talaga malilimutan yung unang araw kami nagkita. Mali ko talaga yun! Tsk! I really am a great freak! Bat kasi hinusgahan ko sya agad. He’s kind… He’s smart… He’s caring and he’s cute. Yung smile nya parang nakaka ehhhhh!” Kinikilig na wika ni Nina sa kanyang sarili habang nakahiga sa kanyang kama. Wari’y kinakausap nya ang kanyang favourite stuff toy.

“Tsk! Ano ba Jenina! Tumigil ka nga dyan sa iniisip mo! Bad boy si James! Karibal mo sya sa pagiging first honors! Kaya wag na wag na wag kang maiinlove sa kanyang ngiting nakakatunaw; sa kanyang mapupungay na mga mata at sa kanyang pagiging maalalahanin at matulungin… Ahhhh!!! Nakakainis!!!!”

Kinaumagahan sa classroom…

“Ja-ja-james?”

“Oh, Nina! Kamusta ka na? Nakatulog k aba kagabi? Hehehe… Sorry pala ha, natakot ka talaga. I hope that ou’re fine now”

“O-o-ok lang ako. T-T-thank you pala.” Inabot ni Nina ang suit ni James na pinahiram sa kanya ng binate kagabi.

“Ay oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Salamat pala. Upo ka na, anjan na yata si Maam”

Natitigilan si Nina sa tuwing nakikita nyang nakangiti si James. Gulong-gulo sya, natutuliro kung minsan.

“Miss Montenegro please explain number 2. Miss Montenergo? Miss Montenegro!”

“Ay Maam sorry po. Ano nga po uli yung tanong?”

“Ano ba yan Nina? Parang natutulala ka yata?”

“Ah wala po Maam…”

Buong araw na natutuliro lamang si Nina. Hindi nya maipaliwanag ang nangyayari sa kanya.

“Oi! Nina! Ano ba nangyayari sayo? Hahaha… alam mo gutom lang yan. Lika treat kita.” Alok sa kanya ni James

May Kaunting Kurot sa dib-dib ang nadarama ni Nina. Parang sumaya sya na may kahalong kaba. Pero sumama naman sya kay James. Ito rin ang paraan upang mas makilala nya pa ang binata.

“Palatawa pala sya. Matakaw masyado! Tsaka mahilig sa mellow music” Mga bagay na iniisip ni Nina habang kumakain sila ni James sa turo-turo. Dahil sa mga bagay na ito mas lalong lumalim ang pagtingin nya sa binata. Naging close friends silang dalawa. Maliban sa seatmate sila eh sabay na rin sila kung umuwi, walking distance lang pala ang layo ng bahay ni Nina kina James.

Sa loob ng klase…

“Oi! Guys! Napansin nyo? Nagiging close friends na yata ang dalawang wizards natin dito ah?”

“Hahaha… oo nga anoh? Kaya sino kaya ang magiging Top 1 ngayon?”

“Ang tanong maiinlove ba ang worst enemies?”

Tinutukso sila ng kanilang mga classmates sa room. Ikaw ba naman noong nakaraang buwan lang eh halos magiba ang room dahil sa away ng dalawa. Ngayon lagi na silang magkasama.

“Nina…”

“Bakit James?”

“Friends na ba tayo?”

“Ha? Hahahaha! Oo naman bakit mo natanog?”

“Sa totoo lang wala pa akong naging bestfriend eh. Loner kasi ako masyado. Pwede ba kitang maging bestfriend?”

“Su-su-sure! Hehehe! It’s my pleasure!”

“Salamat ha!”

“No problem!”

Kilig na Kilig si Nina sa sinabi ni James. Hindi nya talaga nya inakala na off all the people yung special one nya pa ang aalok sa kanya na maging bestfirend nya.

“Parang isang dream come true! Pero kapag bestfriend ko sya mahihirapan na ata ako nito! Hayyy…”

Biglang tumunog ang CP ni Nina. Tuwang-tuwa sya nang Makita nya ang pangalan ni James sa inbox nya.

“Hi, Bhest! Gud eve. You know I think I’m inlove. Kaso hindi ko maamin eh. But I’m I can do this. Must aka na pala?”

Parang nakuryente si Nina. What if sya yung girl na tinutukoy ni James? What if may gusto rin sa kanya ang lalaking kanyang lihim na iniibig. Inaaurahan nya ang binate araw-araw baka kasi tama ang kanyang kutob. And he really thinks that James also like her. Mabait kasi sya sa kanya, laging concern kung nakakain na ba sya oh hindi pa. Lumipas ang ilan pang mga buwan ay lalong lumalim ang pagtingin ng dalaga sa binata.

DOTA o AKO? (How They Met){Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon