Chapter 2: Help her

10 3 0
                                    

Chapter 2

-
-
-
-
-

Serapylle's POV

"To the Dean's Office! Now!" sigaw ni Mam kay Lexxie na nakatayo sa harapan namin.

Napatampal na lang ako sa noo ko. Kanina ko pa sya tinatawag kanina na nasa harapan nya si Mam kanina e. Hihilahin ko sana sya pero bigla na lang akong nagulat ng hilahin ako ni Rylan na late din pala papunta sa unahan paupo sa vacant seat na katabi nya. Napayuko naman si Lexxie ng biglang lumabas si Mam sa classroom at pabagsak na isinarado ang pinto. Pagkatapos ay bigla syang tumingin sakin ng mamaya-ka-sakin-look.

Nag peace naman ako. Eh sa totoo namang tinatawag ko sya kanina! pero bigla naman akong hinila ni Rylan. Hayst.

"Ms. Xyvein!" narinig naming sigaw ulit ni Mam at nakadungaw sya sa isa pa naming pintuan sa classroom.

Nakita kong napairap lang sya sa sinabi ni Ma'am saka sumunod na papunta sa Dean's Office.
Nang makaalis na sila ay nagsimula na ulit mag ingay ang mga kaklase ko. Hayst. Kelangan naming tulungan si Lexxie, kahit pinapakita nya na kaya nya at wala syang pakealam sa nangyayari sa kanya, alam kong natatakot sya sa pwedeng mangyari.

Tumayo na ako at pupunta na sana sa seat nina Accliah ng bigla akong hilahin ni Rylan paupo sa seat. Gulat pa akong napatingin sa kanya. At tiningnan ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.

"Where are you going, Pylle?" tanong nya kaya nabaling ang paningin ko sa kanya.

"I'm going back to my seat." giit ko saka sinubukan tanggalin ang kamay nyang nakahawak sa braso ko. "Uh... my arm? Baka gusto mong bitawan?"

Pagkatapos ay madali pa sa sikat ng araw na binitawan nya ang braso ko kaya natawa ako. Shy talaga 'tong bestfriend kong to. Yep, bestfriend ko sya. Naging kaibigan ko sya dahil minsan nya akong tinulungan ng mabastos ako dito sa school ng mga siraulo at bastos na lalaki na senior namin pagkatapos magkapitbahay pa kami kaya naging mas sobrang close kami.

"I thought you're going back to your seat?" takang tanong nya ng makitang hindi pa rin ako bumabalik.

"Ahh.. oo nga pala bye panget!" giit ko sabay talikod. Takshit! Bat natulala ako? Pero napatigil ako ng bigla nyang guluhin ang buhok ko.

"Kung ano ano ang iniisip mo panget tch! Ako lang dapat iniisip mo okay?" giit nya pagkatapos ay tumawa ng malakas. May pagkamongoloid talaga to. Pagpasensyahan nyo na ah.

"Tsk! Wag mo ngang guluhin ang buhok ko! Binlower ko pa yan!" giit ko at tinanggal ang kamay nya sa buhok ko kaya napangisi sya. For sure, mang aasar na naman yan. Kahit mag bet pa tayo.

"Bakit ka nagblower ka pa? Siguro dahil makikita mo na naman ako noh... hayy lakas talaga ng tama mo sakin panget." giit nya sabay tawa na naman. Odiba sabi ko na sa inyo e. Tsk.

"Hoy panget! Anong malakas ang tama ko sayo?  Never evahh tol di'ba may rule tayo? Walang talo talo? And so not ever, over my dead gorgeous body na magkakagusto ako sayo or what noh! Tsk! Jan ka na nga!" giit ko sabay takbo pabalik sa seat ko at narinig ko pa syang sumigaw.

"Let's see, panget (our callsign)! baka kainin mo yang sinabi mo! Hahahahaha!"
-Rylan

Ipinagkibit balikat ko na lang ang sinabi nya at naglakad na lang  papunta kina Accliah. Nakita ko naman sila doon na nag uusap at nag aalala sila sa nangyari kanina.

"Serapylle? San ka galing?" tanong sakin ni Flevvie nang makalapit ko sa kanila.

"Dito sa room lang. I was with Lexxie a while ago. We're both late." giit ko.

My Stone-Cold TutorWhere stories live. Discover now