CHAPTER 1
-
-
-
-
-Lexxie Art's POV
I was on my way na papunta sa school. As usual, gamit ko ngayon ung kotseng regalo sakin ni Daddy noong sixteenth birthday ko. I'm now seventeen, a 2nd year college.
Kasalukuyan akong nandito sa kalagitnaan ng highway at nagdadrive papunta sa school ko. Atsaka siguro nagtataka kayo kung bakit nagdadrive na ako mag isa. That's because kahit mayaman kami ayaw na ayaw ko magkaroon ng driver, gusto ko kase ako mismo ang mag dadrive para sa sarili ko.
Ayaw ko din dumepende sa isang tao na gawin ang isang bagay na kayang kaya ko namang gawin. Atsaka natuto na rin naman ako, so yeah. I can drive on my own and I also learn it by my own.
Pero nanlaki naman ang mga mata ko ng mapatingin ako sa relo na suot ko dahil 8:45 na... agad agad? Late na ako sa school! Tiningnan ko ang harapan ko and it's a little bit of traffic. Pano na ko neto ngayon? Tiyak kapag nalaman ni Dad na nalate na naman ako matatanggalan ako non ng allowance! At hindi pwedeng mangyari un! Hindi ako mabubuhay ng walang allowance! Huhu. Hayst. Bahala na nga.
Di naman siguro malalaman ni Dad 'to. Tsaka hindi na lang ako magpapahuli sa mga police enforcer. Agad kong inapakan ang gas at wala pasabi sabing pinaharurot ang sasakyan ko. Alam ko namang hindi ako mababarog, magaling kaya akong mag drive. Tsaka minsan na akong nakipag illegal car racing sa gabi ng hindi nalalaman ni Dad.
Mabilis ko na lang pinatakbo ang sasakyan ko dahil late na late na talaga ako, muntikan ko pa ngang mabangga ung isa pero di ko lang ito pinansin at ipinagpatuloy ang mabilis na pag dadrive. Andaming nagrereklamo at binubusinahan ako ng mga iba pang driver na nakakasabay ko pero hindi ko na lang pinansin. Eh sa malelate na ko eh. Wala na akong time para makipagbangayan. Tsaka dito nakasalalay ang buhay ng allowance ko kaya wapakels na lang sa kanila. And besides, I don't waste my time on things that don't interest me. Langya naman Lexxie! English un ah!
Nakarating na ako sa parking lot ng school ng matiwasay kaya ipinark ko na doon ang sasakyan ko tsaka nagmamadaling bumaba. Paktay ako kay Daddy neto pag nalaman nyang nag drive ako ng sobrang bilis tas wala pa naman akong license tas muntik pa akong makabangga ng kotse kanina at nalate na naman ako. Hayst. This is so exhausting!
Kung hindi lang dahil sa mawawalan ako ng allowance e hindi ako papasok kaso kelangan baka tanggalan ako ni Daddy ng allowance. Kaya paano na? Kawawa naman ako, hindi pa naman ako nabubuhay ng walang allowance.
Bumaba na ako saka isinarado na ang pinto ng sasakyan saka naglakad na papunta sa room namin at nakasalubong ko si Serapylle. Wow ah! Late din ang kupal hahaha. Edi maganda diba? para may kadamay ako.
"Hoy, Serapylle! Intay!" tawag ko sa kanya saka tumakbo papalapit sa kanya.
Nilingon naman nya ako saka kumaway. Nang makalapit na ako sa kanya ay binatukan ko sya.
"Hoy, bakit late ka?!" pambungad ko sa kanya kahit late din ako.
Binatukan din naman nya ako pabalik. Napa 'aray' tuloy ako saka napakamot sa likod ng batok ko. Mas malakas un ah! Feeling ko natagtag sa maayos na pagkakalagay ung backbone ko. Teka, backbone ba tawag dun?
"Hoy ka rin! Anong bat nalate ka jan? Late ka din noh!" singhal nya sakin.
Napatakip naman ako sa tenga ko sa lakas ng boses nya. Mala microphone talaga ang boses nang bestfriend kong to. Hayst. Pasalamat sya natitiis ko sya haha charr!
"E sa nalate na ako ng gising e, ikaw?" sabi ko habang kinakamot pa rin ang batok ko. Masakit kaya ung batok nya! Subukan nyong itry! (May subukan na nga, may itry pa...gulo ni author diba? Sowiee na:<)
"Late na din ako ng gising kakapanood ng kdrama. Tinapos kong panoorin ung The King: Eternal Monarch. Grabe! Ampogi pa rin talaga ni Lee Min Ho!" kinikilig na sabi nya bago ibinaling ang tingin sakin. Di ko na lang sya pinansin sa pagfafangirling na naman nya kay Lee Min Ho. Ganyan naman yan lagi e.
"Wait, how 'bout you? Bakit late ka na naman? Diba pinagsabihan ka na ni Tito Ryan?" nagtatakang tanong nya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Napailing na lang ako. Kase totoo naman un pinagsabihan na ako ni Papa kahapon na kapag nalate o gumawa na naman ako ng katarantaduhan e aalisan nya ako ng allowance. Shempre natakot ako kaya inagahan ko ng pasok kaso nga lang ang malupet natraffic.
"Nagtaka ka pa. Lagi naman akong late nagigising at tanghali na pumapasok e. Ngayon na nga ata ung pinakamaaga kong pasok. Hays." sabi ko sabay buntong hininga.
"Hmm... oo nga pala no. Bakit nakalimutan ko ang tungkol don?" sabi nya saka nagmaang maangan. Aba! Aba! Inaasar nya ba ako dahil muok ako ha? Sinamaan ko naman sya ng tingin pero dinedma nya lang ako.
"Are you teasing me huh? Are you?" sarcastic kong tanong sa bestfriend kong loka loka katulad ko.
"Pft yeah, I'm teasing you my little buddy. Bakit kase late ka na lagi nagigising siguro hinarana ka na naman ni Maxrill no?" natatawang sabi nya at ng mapakinggan ko ang salitang Maxrill ay nawala ang ngiti sa labi ko at naramdaman kong nag iinit ang gilid ng mata ko.
Napansin naman un ni Serapylle kaya napatigil sya sa pagtawa at iniba ang usapan.
"U-uhm tara na pala Lexxie! Baka wala pa dun si Mam Artisan. We're kinda late for 15 minutes. Tara!" sabi nya saka ako hinila papunta sa room. Wala na tuloy akong nagawa kundi magpahila sa kanya.
Nakarating na kami sa may tapat ng pinto ng classroom namin. Pasimple pa akong sumilip sa mga bintana para malaman kung nandoon na ba si Mam.
"Ano anjan ba si Mam?" tanong ni Serapylle habang nakayuko sa may pangalawang pintuan ng classroom namin.
There are two doors in our room. Ung una nandoon sa may blackboard sa unahan tas dun nakaharap lahat ng bangko kaya dito kami sa huli para hindi kami makita ni Ma'am. Hinand gesture ko naman sya ng 'wait-a-minute'.
"Bilis na!" atat na atat na bulong nya sakin.
"Oo na eto na nga e, tinitingnan ko na nga. Sinisigurado ko lang para hindi tayo mahuli." sabi ko sabay silip ulit sa mga bintana from left to right at forward and backward.
Napangiti naman ako ng masiguradong wala nga si Ma'am. Hehe! Buti na lang! We're saved! Lumingon ako kay Serapylle na ngayon ay nakayuko pa rin sa may pintuan at hinihintay ang sasabihin ko.
"Wala si Ma'am. Safe, safe. Tara pasok na tayo." nakangising sabi ko saka pinihit ang doorknob at nakayukong naglakad na papasok. Ayos! Di na ako matatanggalan ng allowance! Hahaha! Buti na lang wala si Mam!
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang nakaupo ng may narinig kong tinatawag ako ni Serapylle pero di ko sya nilingon dahil busy ako sa paglalakad ng nakaupo papunta sa upuan ko. Konti na lang konting konti na lang makakaupo na sana ako sa upuan ko nang may makita akong dalawang pares nang sapatos na nakatigil sa tapat ko mismo. Agad naman akong nag angat ng tingin at nagulat sa nakita ko.
"Ms. Xyvein! What the hell are you doing?!"
Napaayos naman bigla ako ng tayo at dumapo ang tingin ko sa sahig ng classroom namin. Shit! I thought wala si Ma'am kanina? Pero teka, bakit ako lang? Where's Serapylle? Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng room at nakita kong nakaupo na sya sa upuan nya katabi ni Rylan sa may unahan.
What the-- paanong nakapunta sya sa unahan? Napatingin ako sa buong classroom at lahat ng kaklase namin ay nakatingin sakin pati na rin sina Flevvie, Cexxyl, Kimizein at Accliah na naging worried ung expression. Ung the rest natatawa at nagbubulungan pa. Malamang hate na hate nila ako but I don't care. Dahil alam nyo ang motto ko... wag pansinin ang mga hindi kainte interesadong mga bagay. Pinakamalakas nga na tawa ung kay Sandra at sa grupo nya. Tsk! Palibhasa kase mga pathetic idiots. Sabunutan ko sila e. Charr. Masyado naman akong harsh baka makalbo ko pa sila. Kawawa naman.
"To the Dean's Office! Now!" sigaw ni Mam saka padabog na nag walk out sa harapan ko at ibinagsak pasara ang pinto.
Napangiwi naman ako. Sinasabi ko na nga ba. Dapat lalo pa akong nagpalate para di ko maabutan si Mam dito. Hayst. Pero paktay sakin ung Serapylle na un! Ugh!
YOU ARE READING
My Stone-Cold Tutor
Teen FictionShe is Lexxie Art Xyvein. Mula sa isang mayamang pamilya na may malaking kompanya. Isa syang spoiled brat na hindi nag seseryoso sa pag aaral. Well, hindi naman talaga sya ganon noon. Kaya nga nagtaka ang mga kaibigan nya dahil sa biglaang pagbabago...