Chapter 7: Comfort
-
-
-
-
-Lexxie's POV
Hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong nandito nakaupo sa bench sa mini park. Di ko rin namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kabad tripan. Tumutulo na rin pala ang laway ko. Eww! Nagpalinga linga naman ako sa paligid at mabuti na lang walang katao tao. Nakakahiya pa naman kung ganon. Mapapahiya ang kagandahan ko kapag nagkataon. Tiningnan ko kung anong oras na and it's already 2:00 p.m. na. So mahigit isang oras na pala akong nakatulog? Edi nakaskip pala ako ng 2 subjects?
Tumayo na ako at isinakbit na ang bag ko sa balikat ko saka nagsimula ng maglakad papunta sa Science Building. Kelangan ko ng umattend sa last class ko. Actually, hindi naman talaga ako ganun kaburakbol sa pag aaral... sadyang ganun lang talaga ako kapag subject na ni Ma'am Artisan dahil...
Natigil naman ako sa paglalakad ng may bigla na lang akong nakabungguan ulit. Naglaglagan tuloy ang librong dala dala nung nakabungguan ko kaya humingi ako ng sorry at tinulungan sya sa pagpupulot ng mga libro.
"I'm sorry..." giit ko saka iniabot sa kanya ang libro at kinuha naman nya ito. Pag angat ko ng tingin e nagulat ako dahil nakita kong si lalaking cold pala ang nakabungguan ko. A-anong ginagawa nya dito?
"Una na'ko." giit ko saka inayos ang strap ng bag ko saka naglakad na pero napahinto ako ng bigla syang mag salita.
"Hey." cold na sabi nya kaya napaharap ako sa kanya. Tiningnan naman nya ako saka inayos ang suot nyang salamin na nagulo ng makabungguan ko sya kanina. Nagtataka ko lang syang tiningnan.
"Why did you do that?" cold pa ring tanong nya. Grabe, bakit ba ang lamig lamig nya? Dapat bang kumanta na ako ng ost ng frozen? The cold never bother me anyway~ Pero teka anong tanong nya?
"I'm just preoccupied that's why I bump on you, okay? And besides, I said sorry anyway." giit ko saka tinalikuran na sya pero napahinto ulit ako ng bigla syang magsalita.
"Why did you do that to her? She is our teacher. She didn't deserve what you did to her." cold na sabi nya pero nahihimigan kong naiinis sya sa ginawa ko kanina. Maybe, she's pertaining to Ma'am Artisan. Nainis naman ako kaya muli ko syang hinarap. Si Ma'am naman ang may kasalanan non ah! Kung hindi nya ako binato edi sana hindi ko sya binastos! At bakit ba sya nangengealam?
"Wala kang pakialam sa mga gusto kong gawin. Deserve nya un. Kung hindi nya ako sinaktan, edi sana hindi ko ginawa sa kanya un." pagkatapos sandali kaming nagkatitigan. Parang may gusto syang sabihin sakin pero hindi nya lang masabi sakin ng harapan. Umiwas sya ng tingin kaya tumalikod na ako at naglakad na pero narinig ko ulit syang nag salita. Bakit ba ang kulit nya? Kung kelan nakatalikod na ako saka sya magsasalita, gulo nya din e.
"Hindi porket gusto mong gawin e gagawin mo na. And stop pointing your mistakes to others. Tanggapin mong kasalanan mo un kung bakit ka nasaktan dahil hindi ka nakikinig. Be mature and learn to fix your mistakes by correcting it, not by covering it with another mistake."
Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatalikod na sya sakin at naglalakad na palayo. Di ko alam pero nag init bigla ang gilid ng mata ko. Tinamaan ako sa sinabi nya. Alam kong kasalanan ko kaya nagalit sakin si Ma'am kanina kaso ayoko lang aminin kaya sinagot sagot ko sya dahil ayokong mapahiya. I always been that for the past few years and for the first time, someone scold me for being like that.
Who would have thought that a stranger will make me cry by his words? At ung lalaking cold na arogante pang un?
"Tsk! Bakit ba ako umiiyak?" Inis na pinunasan ko na ang luha ko at tumalikod na din at pinagpatuloy na lang ang paglalakad sa Science Building.
YOU ARE READING
My Stone-Cold Tutor
Teen FictionShe is Lexxie Art Xyvein. Mula sa isang mayamang pamilya na may malaking kompanya. Isa syang spoiled brat na hindi nag seseryoso sa pag aaral. Well, hindi naman talaga sya ganon noon. Kaya nga nagtaka ang mga kaibigan nya dahil sa biglaang pagbabago...