CHAPTER 5-
-
-
-
-Lexxie's POV
"Ate, ito na po ba ung last na lilinisin ko?" tanong ko kay Ate Yumi na nagtitinda dito sa canteen habang pinupunasan ko na ang pinakalast na lamesa dito sa cafeteria. Kokonti na lang ang estudyanteng natitira dito sa canteen buti nga sinamahan ako ni Ate maglinis e. Bait talaga ni Ate.
"Oo, beh yan na nga ang pinakahuli. Pero teka beh, ano ba kase ang ginawa mo at naparusahan ka ni Dean ng ganito?" tanong ni Ate na para bang awang awa sakin dahil pagod na pagod na talaga ako.
Nginitian ko na lang sya at nang matapos ko na ang pagpupunas ng lamesa e ibinaling ko sa kanya ang paningin ko saka bumuntong hininga."Nalate kase ako ng pasok, Ate e. Kaya ayun, I got punished." giit ko sabay punas ng pawis ko gamit ang braso ko. Hinawakan naman nya ako sa balikat na parang pinapatahan.
"Naku, kawawa ka naman beh. Heto ang tuwalya oh ito na lang ang ipampunas mo." aniya sabay abot sakin ng tuwalya nya. Natigilan naman ako sabay tingin kay beh at binigyan sya ng makahulugang tingin. Pagkatapos ay bahagya syang natawa.
"Naku, ikaw talagang bata ka. Malinis ito noh. Di ko pa ito nagagamit." giit ni Ate kaya ako naman ang natawa sabay kuha sa kamay nya ng tuwalya at ginamit ito sa pagpupunas ng pawis ko.
"Echos lang naman un Ate e pinapatawa lang kita." giit ko sabay halakhak.
"Naku, ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan kaya ka napaparusahan e." pabirong sabi ni Ate kaya napapout ako.
Pagkatapos ay tinapos ko na ang pagpunas ng pawis ko at isinilid ko na sa bulsa ko ang panyo."Ate salamat pala sa pagpapahiram sakin ng tuwalya ah. Lalabhan ko muna to tas babalik ko na lang sayo bukas." giit ko sabay ngiti sa kanya.
"Naku beh ayos lang noh okay lang kahit di mo na labhan ako na lang." aniya at akmang kukunin na sa bulsa ko ang tuwalya pero pinigilan ko sya.
"Eh Ate naman e sige na maliit lang naman na bagay un e tsaka para na rin un sa pasasalamat sayo dahil sa pagsama mo sakin sa paglinis dito." giit ko sabay ngiti. Wala na tuloy nagawa si Ate kundi hayaan na lang ako. Pagkatapos ay sinabi kong kwentuhan nya ako tungkol sa kanya at nagkwento naman sya sakin, sabi nya patay na ang hubby nya, nag sorry naman ako sa kanya dahil nagtanong ako sabi nya okay lang naman daw pero nagulat ako nang malamang may husband na kaagad sya.
"Ate? M-may husband ka na agad?" gulat na tanong ko pero natawa na lang sya dahil bakit daw gulat na gulat ako."I-ilang taon ka na ba, ate?" tanong ko pa.
"I'm already 39." giit nya na ikinalaki ng mga mata ko. 39? E bakit parang teenager pa lang sya? Tapos ang ganda ganda pa nya? Kalahi nya ba si Aphrodite? Shete! Tapos kanina ko pa naman syang tinatawag na ate. Dahil akala ko kasing edaran ko lang din sya.
"Uy beh!" bigla naman akong natauhan ng bigla nya akong tawagin.
"H-ha? Bakit ate?" natatarantang tanong ko.
"I said, kung pwede ko ng ipagpatuloy ung kinukwento ko sayo?" giit nya habang nakangiti sakin at para bang tuwang tuwa sya sa reaksyon ko kanina.
"Ahh... eh cge ate. Continue hehe. I want to know more about you." giit ko na ikinangiti nya lang at nagpatuloy na sa pagkekwento. Sinabi nyang may dalawa daw silang anak lalaki tas babae, ung lalaki daw e kasing edaran ko lang daw tas ung babae fourth year highschool pa lang at dito rin nag aaral. Nagsimula daw syang mag trabaho dito sa cafeteria ng mamatay ang hubby nya. Nakakalungkot tuloy. Sigurado akong mabait din ang hubby nya, sayang gusto ko pa namang makita sya sa personal. Kase napakagaan na talaga ng pakiramdam ko kay Ate Yumi kahit ngayon ko pa lang sya nakilala. Pagkatapos ng ilan pang kwentuhan ay nagpaalam na rin ako na uuwi na.
YOU ARE READING
My Stone-Cold Tutor
Teen FictionShe is Lexxie Art Xyvein. Mula sa isang mayamang pamilya na may malaking kompanya. Isa syang spoiled brat na hindi nag seseryoso sa pag aaral. Well, hindi naman talaga sya ganon noon. Kaya nga nagtaka ang mga kaibigan nya dahil sa biglaang pagbabago...