UNA

9 0 0
                                    

VERONICA

STUPID!



NAGISING ako dahil sa init na tumatama sa paanan ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napahawak ako bigla sa ulo ko nung may maramdaman akong kirot doon. Tsk! Naglasing nga pala ako kagabi. T-Teka!!!!!!




N-Nasaan ako? Inilibot ko ang paningin ko at nasa isang kwarto ako. Napabalikwas ako ng bangon nang may bigla akong maalala. Tiningnan ko ang katawan ko at confirm!

WALA AKONG SUOT!!!!


Waaahhh!! Anong katangahan tong ginawa ko? S-Sandali???? N-Nasaan na iyong lalaking----- ano nga ulit ang pangalan nun? ZAKIRO?! ZAKIRO BAUTISTA!?



Shit! Stupid! Paano ko naatim na ibinigay ang pagkababae ko sa lalaking iyon? Ni hindi ko sya kilala, noon ko pa lang sya nakita at naibigay ko agad ang iniingatan kong pagkababae? Oh shit! Shit!




Mabilis na namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Napakarumi ko nang babae, hindi ko kailanman inisip na ibigay ang pagkababae ko sa lalaking hindi ko kilala. Sinabi ko sa sarili kong ang mapapangasawa ko lang ang makakakuha sa iniingatan kong kayamanan ko. Now, I'm doomed! I'm totally doomed!




Napahagulhol ako ng iyak dahil doon. Gusto kong maghanap ng taong masisisi pero wala akong mahanap, I am traditional! Kahit isa akong anak mayaman ay tradisyunal parin ako. Conservative! Ni halik nga lang ay di ko naibigay kay Aaron, tapos hindi ko akalaing isang lalaking hindi ko kilala ang makakakuha sa lahat ng una ko. Unang halik, unang haplos at unang....... Talik! Shit! Ano ba kasing pumasok sa kokote ko! Bakit ko ba binigay ang lahat? At ang nakakainis na part pa ay nagustuhan ko kung anong nangyari kagabi.


Natigilan ako at mabilis kong napahid ang luha ko nung tumunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon at hirap na hirap pa ako dahil may kaunting kirot akong naramdaman sa bungad ng pagkababae ko. Huhu, wala na! Wala na talaga akong mukhang maihaharap sa lalaking mapapangasawa ko!






"H-hello?"


[What the hell, VERONICA! nasaan ka na ba? Bakit hindi ka umuwi?]

Nailayo ko agad ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni mommy sa kabilang linya. Ngayon, mas lalong magiging marumi at suwail na anak ang magiging turing nila sa akin pag lumabas ang katotohanang nagpagamit ako sa lalaking hindi ko kilala. Shit! Pero hindi ko naman hahayaang malaman nila yun. Siguro hindi nalang ako mag aasawa! Huhuhu....





"N-Nasa hotel po ako ng bar, mommy. Nalasing kasi ako kagabi kaya dito nalang ako natulog, baka kasi maaksidente ako sa daan pag pinilit kong magdrive."






[At bakit ka ba kasi naglasing, ha?! Puro nalang problema ang dala mo! Umuwi ka na dito at mag usap tayo.]

Natingnan ko nalang ang cellphone ko dahil pinatay na ni mommy ang tawag. Sa pangalawang pagkakataon ay nagilid ang luha ko. Sorry, mommy..... Hindi ko ginustong mangyari to, I mean... Ginusto ko pero hindi napigilan ang sarili ko. Ngayon, hindi ko alam anong gagawin ko! Huhuhu...


Mabilis akong naligo sa banyo ng hotel. Nararamdaman ko pa ang kirot sa pagkababae ko pero hindi ko na iyon binigyang pansin at naligo nalang ako saka ibinalik ang suot ko kagabi kahit amoy alak pa iyon.


Pagtapos kong maligo ay dali dali akong pumunta sa kotse ko para magdrive. Napabuntong hininga ako.



"Wag mo nang problemahin yon, Veron! Walang makakaalam na hindi ka na Virgin. Just act normal!"


Kausap ko sa sarili ko bago pinaandar ang makina ng kotse ko. Pinaharurot ko iyon pauwi sa bahay. That's it, Veron! Act normal! Wag mo nang pansinin iyon.

________

"VERONICA LASTIMOSA! KAILAN MO PA BA BALAK MAGPAKATINO?"

Napangiwi ako sa lakas ng sigaw ni mommy sa akin. My mom is strict, at ako ang pinakasuwail sa aming magkakapatid. Nag iisang babae ako at hindi inaasahan nila mommy na ako pa ang magiging ganito katigas ang ulo kumpara sa mga lalaking kapatid ko.


Umirap ako saka nag cross arms. Sanay na sanay na ako sa ganitong scenario. Lagi kasing ganito sa tuwing uuwi ako ng bahay. Pero kahit ganito sila mommy, mahal na mahal ko sila. Madalas nga lang naiinis ako sa kanila dahil sa walang humpay na pagdedesiplina! Tss. Parents are always like that.





"Mommy, uminom lang ako."

Walang ganang sabi ko pero pinanlakihan lang ako ng mata. Napahawak pa sya sa magkabilang bewang nya at halos lumuwa ang mga mata sa sobrang laki.


"Veronica! Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo ha? Inom? Uminom ka nanaman! Baka hindi magtagal ay masunog iyang bituka mo dahil sa kalalaklak mo ng alak! Dinaig mo pa yata yang mga tambay sa kanto sa lakas mong uminom!"

Inis na bulyaw nya. For the Nth time, pinaikot ko ang mga mata ko saka ko tiningnan ang mga kuko ko sa kamay. Ganito lagi ang ginagawa ko, pinapagalitan ako pero iniismiran ko lang sila. Sanay na naman ako sa mga ganitong bagay eh, pagagalitan, tapos mamaya bibigyan ng allowance. Pagagalitan, tapos mamaya bibigyan ng limpak limpak na damit. Pagagalitan, tapos mamaya uulitin ko rin! Yan ang buhay ko, buhay prinsesa pero ugaling sanggano. Nakikipag tarayan sa di kilala, tapos pag nagsabunutan, nadala sa pulis station. Maya maya makikipag Sampalan, tapos madadala sa guidance office. Kaya ayun! Topnotcher ako sa listahan ng guidance office. Eh sa ito ako eh!






"Tsk! Iba ako sa kanila mom, sa bar ako umiinom, sa kanto lang sila. Duh!"

Mataray na sagot ko. Suminghap sya dahil sa inis.

"Por Diyos, Por Santo! Anak ka ng tatay mo! Nakukuha mo pang maging pilosopo? Na ha high blood ako sayong bata ka! You're just 20 years old for Pete's sake! Tapos ganyan ka na kung sumagot! Arrgghh!"

Inis na inis na bulyaw nya sakin. Inayos ko ang tayo ko saka pinagpagan ang damit. Duh! 20 na nga ako pero para parin akong bata kung tratuhin nila! Pinagbabawalan sa pag inom! Oh freaking shit! I'm not a kid anymore!





"Oh saan ka pupunta? We're not done talking!"


Sigaw ni mommy nung talikuran ko sya. Hindi ko sya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad papuntang kwarto ko. Sawa na ako sa mga paninermon nila. Tsss!!






___________


Arb's!

_YellowSin_

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon