PANGLIMA

2 0 0
                                    

Veronica


Transformation







"Veron!"

Agad nabaling ang tingin ko sa pinto ng kwarto ko. Doon nakita ko si mommy na nakangiting pumasok. Nginitian ko din sya at saka ako nagpatuloy sa pag lilinis.

"Veron, anak! Gusto mo mag mall?"

Tanong ni mommy. Gulat akong napatingin sa kanya, seryoso? Nag yaya syang mag mall? Dapat na ba akong magpaparty?

"Niyayaya mo ba ako, Mom?"

Ramdam kong kuminang ang mga mata ko nung tinanong ko sya nun. Sunod sunod na pagtango ang ginawa ni mommy kaya hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin sya. Kyaahh! Magkakabonding kami ng ermats ko! Tagal na din nung huli kaming mag mall.

"Sige mom! Magbibihis lang po ako."

Masayang sabi ko. Ngumiti naman sya sakin.

"Sige, magbibihis din ako. Bye anak!"

Masayang sabi ni mommy. Kumaway naman ako sa kanya at pinanuod ko syang maglakad palabas ng kwarto ko. Wow, kahit papaano may improvement kami ni mommy ah! Kaloka!

Dali dali akong nagbihis. Nag itim na dress lang ako saka itim na high heel sandal. Inayos ko din yung buhok kong curly sa ibaba at kinuha ang Gucci purse ko.

"Anak, tapos ka na ba?"

Narinig kong kumatok si mommy sa pinto. Ramdam ko ang galak sa boses nya kahit hindi ko nakikita ang mukha nya. Alam kong masaya sya, at masaya din naman ako.

"Yes mom, palabas na po."

Dali dali akong lumabas ng kwarto ko. Nakatayo si mommy sa labas ng pinto mg kwarto ko, po pinasadahan ko sya ng tingin. Dirty white ang dress na suot nya at dirty white din ang high heel shoes nya. May hawak syang handbag na Luise Vuitton ang brand. Ang ganda ng mommy ko! Manang mana talaga ako sa kanya.

"Let's go?"

Nakangiting sabi ni mommy. Ngumiti din ako saka kami bumaba sa hagdan.

"Woah! Ang ganda ng mag ina ko ah? San punta nyo?"

Salubong ni daddy nang tuluyan kaming makababa. Hinalikan ko si dad sa pisngi nya.

"Mag bobonding kami."

Masayang sabi ni mommy kay daddy.

"Di nyo ako isasama?"

Tanong ni dad. Tumawa na lamang ako dahil sa inakto ni daddy, para syang batang nagtatampo.

"Hahaa, wag na dad! Lakad babae to."

Masayang sabi ko. Gulat ang bumalandra sa mukha ni daddy nang makita nya akong tumawa. Alam ko dad, alam ko.

"Grabe, iha. Hindi parin ako makapaniwalang bumalik ka na sa dati. Sana magtuloy tuloy na iyan, ang ganda mo pa naman kung ngumiti at tumawa. Sayang yung genes ko na nananalaytay sa dugo mo."

Natawa ako. Minsan talaga ganyan si dad, yun nga lang noon nya pa iyan ginagawa sa akin, yung pagbibiro nya. Matagal na din kasi simula nung ngumingiti ako.

"Wag mo nang pansinin yang daddy mo, Veron. Tara na."

Sabi ni mommy saka inirapan si daddy. Tatawa tawa naman akong sumunod sa kaniya. Nakakamiss din palang bumalik sa dati. Hindi ko alam kung anong puno't dulo kung bat ako bumalik sa dating ugali ko, basta ang alam ko nalang ay nagising ako ngayong umaga na sumakit ang ulo ko at naduwal------- tapos ayun, bumait na ako at ngumingiti. Hindi kaya...... Oh my God! Naalog ba ang utak ko at bumalik sa dating ayos? Haha! Joke lang, basta feel ko lang talagang ngumiti ngayon.

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon