PANG-ANIM

2 0 0
                                    

VERONICA

Cravings....




Kasalukuyan akong nagmomovie- marathon mag isa sa loob ng kwarto ko habang kumakain ng pop corn. Hay! Ang boring naman yata nitong pinanunuod ko. Eh, paano? Hahabulin ng babae ang lalaki tapos aayawan ng lalaki. Tapos pag natauhan ang lalaki at kung kailan huli na ang lahat ay sya nanaman ang maghahabol sa babae. Parang tanga lang? Habang buhay nalang silang maghabulan, bahala sila!

Pinatay ko ang TV at bahagyang napahawak sa tiyan ko. Ano ba naman to? Gutom nanaman ako? Kakakain ko lang ng breakfast ah? May bulate ba ako sa tiyan at kinakain lahat ng kinain ko?

Imbes na ipagpatuloy ang pagkain ng pop corn ay bumaba nalang ako sa kusina para maghalungkat ng kung anong pagkain sa loob ng ref.

Yogurt... Chocolates.... Itlog... Cake... Softdrinks.... Karne.... Isda.... Ano pa ba? Oh ulam kayo dyan ulam! Letche! Wala bang matinong pagkain dito?

Padabog kong naisara ang pinto ng refrigerator saka napasimangot na umupo sa may dining area. Ano ba naman to? Wala akong makita na matinong kainin! Parehas lang nakakabwesit ang laman ng ref eh! Aiisshh! Gutom na ako, anong kakainin ko? Bwesit!

Sinuot ko ang Flip flops ko bago lumabas ng bahay. Kakamot kamot pa ako sa buhok ko dahil sa gutom. Para na akong baliw dito sa labas! Saan ba kasi ako dadalhin ng gutom ko? At saka bakit ako lumabas ng bahay? May makikita ba akong pagkain sa daan? Ayy jusko naman! Nashushunga na ako...

Papalabas na ako ng subdivision namin pero wala pa akong nakikitang pagkain. Bakit ba kasi ako lumabas pa? Di ko narin maintindihan ang sarili ko eh!

"Ma'am? Saan po kayo pupunta?"

Tanong nung guard sa akin. Tiningnan ko sya bago ngumuso. Ewan ko manong guard saan ako pupunta! Nababaliw na yata ako eh.
Maya maya pa ay may isang bell ang tumunog. Teka? Ano yun?

"Nako! Sandali lang po ma'am huh? Bibili lang po ako ng pinipig. Mag logbook na Lang po kayo kung may susundo sa inyo."

Sabi nung guard saka lumapit doon sa lalaking nakabike habang nasa likod ng bike nito ay isang malaking styro na kahon. A-anong pinipig ba ang tinutukoy nya? Nakakain ba yun?

Nang bumalik si manong guard ay may hawak na syang popsicle na kulay chocolate. Sarap na sarap sya sa pagkagat noon kaya natitigan ko sya. Ano ba yang kinakain nya? Mukhang gusto ko tuloy kumain.

"Kuya, masarap po ba?"

Tanong ko. Napatingin sa akin ang guard bago ibinalik ang tingin sa kinakain nya at ibabalik nanaman sa akin ang tingin. Ano bang trip ng guard na ito sa buhay nya? Habang buhay nalang ba syang magpapalit ng tingin sa akin at sa kinakain nyang tinatawag na-----ano nga ulit yun? Bago ko lang kasi narinig yun eh!

"Opo ma'am! Masarap po. Gusto nyo pong kumain?"

Tanong nya. Napangiwi ako dahil inalok nya iyong kigatan nya na. Yuck! Nakakadiri naman tong gwardiya na ito!? Maisuggest nga kina mommy na ipatanggal to sa trabaho!----- pero syempre joke lang. Ngumiti ako kay manong guard.

"Pwedi nyo po ba akong bilhan? Eto po credit card ko."

Sabi ko sabay alok nung credit card ko pero tiningnan nya lang iyon. Tumawa sya kaya kumunot ang noo ko. May saltik ba tong gwardiyang to?

"Ma'am hindi po tumatanggap ng credit card yung nagbebenta nyan.  haha! Coins lang po makakabili ka na nyan!"

Natatawang sabi nya. Lumiwanag ang mukha ko. Ibig sabihin mura lang talaga yang kinakain nya? Wow! Hindi ko akalaing may makukuha pa ang coins ngayon. Grabe!

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon