LABING ISA

2 0 0
                                    

Veronica


Apology. . .





Ilang beses akong nagpagulong gulong sa kama ko. Alas 8 na at hindi parin ako makatulog. Hindi maganda sa kalusugan ko ang nagpupuyat. Hayy!

Kinapa ko ang side table ng kama ko kung saan nakalagay ang cellphone ko. Napabuntong hininga pa ako nung makita kong naka off ito. In-off ko para hindi ako makasagot ng kahit anong tawag mula sa mga magulang ko.

Kamusta na kaya sila? Napansin kaya nila na wala ako? Na naglayas ako? Masaya na kaya silang kumakain dahil wala na ako? Hindi na kaya na stress sina mommy at daddy ngayong umalis ako? Hay! Miss ko na sila. Kahit naman hindi ganoon kaganda ang naging turingan namin ng pamilya ko bago ako umalis ay namimiss ko parin sila. Sila yung pamilya ko eh, sila yung kasama ko simula bata hanggang sa paglaki ko. Kaso hindi ko sila kasama ngayong. . . m-may baby na ako. Nalilito ako, hindi ko alam anong gagawin ko. Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Hindi ganito ang inaasahan kong mangyari kung saka sakaling mabuntis ako. Kasi ang inaasahan ko ay aalalayan ako ni mommy at daddy sa pagbubuntis ko. Yung lagi akong ichecheck up ni kuya sa tuwing lilipas ang buwan. Yung tipong mamimili ng mga baby stuffs si Vester para sa unang pamangkin nya. At. . . yung f-feeling na laging kakausapin ng daddy nya ang b-baby sa tiyan ko. Ganun ang inaasahan kong magiging buhay ko pag nabuntis ako. P-pero iba pala ang mangyayari. Ang sakit lang na kahit isa roon sa pinangarap ko ay walang nangyari ni isa man lang. Parang bigla nalang naglaho lahat, yung natabunan nalang ng reyalidad ang pangarap. Ang sakit.

Inopen ko ang cellphone ko. Sunod sunod na tunog ang narinig ko sa cellphone ko. Nakakarinding pakinggan dahil sa sandamakmak na text. Nakatanggap ako ng 100 text mula sa iba't ibang tao at kasama na roon sila mommy. Iilan lang doon ang inopen ko dahil marahil sasakit na ang ulo ko kakabasa nun.




Mesaage from: Mommy

'Veron, where are you anak?'

Message From: Daddy

'Iha, magreply ka. Hindi ka namin makontak. Nasaan ka na ba?'



Message From: Kuya Cullen

'Baby Veron, please sabihin mo naman kung nasaan kana oh? Nag aalala na kami.'



Message From: Vester

'Ate, where the hell are you? Kanina pa ako naghahanap sayo pero di kita makita! Mommy's crying. Nasan ka ba ha?'


Message From: Geneva

'Gaga, saan ka ba nagsususuot ha? Kanina ka pa namin hinahanap. Nakapatay ang phone mo, please mag reply ka kung natanggap mo ang text namin. We're worried!'




Biglang tumulo ang luha ko. Naalala pa pala nila ako, napansin parin nilang wala ako. I should be happy but why I feel so down? Hindi ako aalis sa bahay kung hindi sila nanlamig sa akin. So ibig sabihin pala kailangan ko pang maglayas para mapansin nila ang existence ko? I am not mad at them, infact I am mad at myself. Kasi hindi darating sa ganitong punto kung hindi ako naging tanga. Kung hindi ako nagpadala sa temptasyon nung gabing yun, pero ano pa nga ba? Nangyari na eh, tapos na, andito na. At kahit pa bumalik ako sa bahay ay useless din. Siguro mas mabuti na rin to para mabawasan ang sakit sa ulo nina mommy at daddy. Mabuti na rin ito para hindi sumabog sa media na nabuntis ang kaisa isang unica iha ng Lastimosa group. Tiyak kasi ay malaking kahihiyan iyon para sa kanila. At ang sakit pang sabihin, K-Kahihiyan lang ako sa pamilya ko.

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon