PANGALAWA

5 0 0
                                    

Veronica

Lifeless

Nakatingin ako sa puting kisame ng kwarto ko. Isang araw na din ang lumipas simula nung gabi ng katangahan ko. At katulad ng sinabi ko bago umalis sa hotel na iyon ay naging normal ako. Although may nararamdaman parin naman akong masakit sa bungad ng pagkababae ko pero hindi na iyon tulad kahapon.

"Arrrgghh! Ano ba kasing katangahan ang pinasok ko? Bobo ka talaga Veron! Bobo!"

Sumipa pa ako sa ere dahil sa frustration. Kinuha ko ang unan ko saka ko tinakpan ang mukha ko gamit iyon. Umaasang makakalimutan ang kagagahang ginawa ko.

Sumagi sa isip ko ang mukha nung Zakiro Bautista na iyon. Ang mapupungay nyang mga mata, ang matangos nyang ilong, ang kulay abo'ng mata nya, ang manipis at malambot nyang labi ang--------Fuck! Bakit ko ba iniisip yun? Bakit ko ba sya iniisip? Sigurado naman akong wala iyong pakialam sa nangyari sa amin! Ni hindi ko na nga sya naabutan nung magising ako eh! He's jerk! And that night, parehas naming hindi ginusto yun---- I mean, parehas kaming nadala lang sa tukso! Hindi namin sinadya ang nangyari but..... Bakit Napaka-apektado Ko?

It's not easy to live without the virginity for me. Isang kayamanan para sakin ang pagkababae kaya hindi ko matanggap na naibigay ko iyon sa walang kwentang lalaki. Siguro ganun nalang kadali sa kaniya ang iwan ako matapos ng gabing iyon, ganun nalang kadali sa kanya kasi wala namang mawawala sa kanya, not like me. Kahit ilang araw, buwan o taon ang lumipas, hindi mawawala ang o matatakpan ang katotohanang hindi na ako virgin! At hindi ako mabubuhay sa paraan na gusto ko dahil sa isang pagkakamaling dala lamang ng temptasyon. OA na kung OA, pero totoong nawawalan ako ng respeto sa sarili ko. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko sinadya ang nangyari, pero bakit pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko? Abot langit ang guilt na nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit iyon nangyari. Kung sana'y itinuro ko nalang ang daan pauwi sa amin at hinayaan syang ihatid ako nung gabing yun ay wala akong pinagsisisihan sa ngayon. Siguro ay maayos parin ang turing ko sa sarili ko.

Totoo nga ang sinasabi nilang 'nasa huli ang pagsisisi'.
Kasi ngayon ko lang narealize na mas gugustuhin ko pang tanggapin ang panenermon ni Mommy kaysa dun sa nangyari. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? It happened already. At hindi ko na maibabalik ang oras na iyon para tumakbo at baguhin ang dapat na nangyari. I feel lifeless, I feel lifeless up to the point na hindi ko na matanggap ang sarili ko. Parang nandidiri na ako sa sarili ko! And no one knows how terrible is that!

"Veron?"

Hinawi ko ang unan sa mukha ko nung marinig ko ang boses ni Kuya Cullen sa labas ng kwarto ko. Kumatok pa sya ng dalawang beses bago pumasok sa pinto ng kwarto kong hindi naman nakalock. Umupo ako at inayos ang sarili ko nung tuluyan na syang makaupo sa kama ko. Malaki ang mga ngiti nya sa akin.

"How are you feeling?"

Nakangiting tanong nya. Tipis akong ngumiti sa kanya bago sya sinagot.

"I'm okay kuya. I thought you had your duty today?"

Ngumiti sya sakin. He's Kuya Cullen Jone Lastimosa. My older brother. 25 years old na sya pero wala paring asawa. Doctor sya at kasalukuyang nagtatrabaho sa pinakamalaking hospital sa lugar namin. Napaka approaching brother nya at masiyahin, maalaga din sya lalong lalo na sa akin. Lahat ata ng sekreto ko ay alam nya-------- maliban na lang sa bagong sekretong katangahan ko. At ayokong ipaalam sa kanya iyon, takot akong mahusgahan nya at bigla nalang magbago ang tingin nya sa akin.

"Yup, may duty ako pero dinalaw muna kita dito. Sinabi kasi ni mommy na uminom ka nanaman kahapon."

"Ahhh, Yeah. May konting problema lang po."

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon