PANG-APAT

8 0 0
                                    

Matured Content!
This chapter contains matured content. Matured terms and words are used in this chapter. Aja! Payting!


Veronica

This feeling...




"Oh my gosh, Veronica!? Seryoso ka ba dyan sa sinabi mong yan?"

Mabilis kong natakpan ang bibig ni Geneva dahil sa lakas ng boses nya. Letchugas na babae! Sabi nang huwag maingay eh, baka marinig kami ni mommy o kahit na sino. Mabilis kong isinara ang pinto mg kwarto ko saka bagsak ang balikat na naupo ulit sa kama ko.

"Yeah, ang tanga ko diba? Arrgghh! Hindi ko nga alam kung bakit pumayag akong manyari yun eh!"

Frustrated na sagot ko. Ikinuwento ko kay Geneva ang nangyari nung gabing iyon. Sinabi kong ayaw kong ikwento sa kahit kanino man ang katangahan ko pero nabigo ako. Ang hirap pala ng ganito, wala akong masabihan tungkol doon. Parang ang bigat kasi sa pakiramdam na dinadamdam ko mag isa ang nangyari. Although, dapat kong damdamin mag isa yun, katangahan ko yun eh! Pero ang bigat talaga ng loob ko sa tuwing nag iisa nalang ako sa kwarto at naaalala ko bigla ang nangyayari, wala akong masabihan, wala akong mahingian ng advice!


"Ang tanga mo nga, Veronica! Sabi ko naman kasi sayo umuwi na tayo eh! Kaso ikaw tong may matigas ang bungo at nagpaiwan. Ayan tuloy! Nabutasan yung-----Arghhh! Ewan ko sayo, Veronica! Di makaya ng beauty ko yang pinagsasasabi mo!"

Maarteng paninisi nya. Napapout ako bigla. Alam ko, Geneva! Alam ko! Kaya nga sising sisi ako diba? Tsk!

"Ano pa nga bang magagawa ko? Eto na eh, nangyari na! Tsk... Pero nakapagdesisyon na ako!"

Buong loob na sabi ko. Tumaas ang kilay ni Geneva sa akin.

"Anong napagdesisyunan mo, Aber?"

Nakataas kilay na tanong nya. Bahagya kong naitaas ang noo ko at tiningnan ko sya ng seryoso.

"Na hindi ko na papansinin ang nangyari! Na hahayaan ko nalang yun at di ko na hahanapin ang domonyitong putragis na iyon. Total, kaya ko naman sigurong mamuhay ng normal nang hindi iyon Iniisip diba?"

Lakas loob na sabi ko. Napasapo na lang si Geneva sa noo nya dahil sa sinabi ko. Bakit? Ano bang mali doon? At saka tama naman talaga ang sinabi ko eh, yun nga lang buo parin ang desisyon kong wag mag asawa. Wala na akong maihaharap na mukha sa magiging asawa ko eh pag nagkataon.


"Seriously, Veronica? Hahayaan mo nalang bang nakuha ng lalaking yun ang lahat ng una mo? Ay teka--------- ano ba kasing pangalan nung lalaking gumahasa--este nagsamantala sa kahinaan mo?"

Takang tanong nya. Sandali akong napaisip. Ano nga ulit yung pangalan nung letchugas na iyon? Nasa dulo na ng dila ko eh! Di ko lang masabi talaga!

"Sandali, nasa dulo na ng dila ko eh!"

Sabi ko habang nag iisip. Mabilis na napairap si Geneva saka nagcross arms. Aba't ginagaya ang gesture ko!

"Ilabas mo dila mo, nang matingnan ko kung anong pangalan ang nandyan!"

Sarkastikong sabi ni Geneva. Umirap ako saka nagpatuloy sa pag iisip. Ano nga kasi ulit iyon? Teka----- Alam ko na!

"ZAKIRO! ZAKIRO BAUTISTA!"

Nanlalaking mata na turan ko. Lumaki din ang mata nya na parang gulat na gulat. Bakit? Nakakita ba sya ng multo? Ang OA naman yatang nag React nitong si Geneva!

"ZAKIRO? ZAKIRO AS IN ZAKIRO BAUTISTA?"

Pag uulit nya sa pangalan nung letchugas na lalaki. Napa facepalm nalang Ako saka sinabunutan ang buhok nya.

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon