PANGPITO

5 0 0
                                    

Veronica

Pregnancy test (Positive or Negative?)


Nanginginig ang mga kamay ko na kasalukuyang nakahawak sa puting hugis parihaba. Prenancy test....

Hindi ko inakalang gagamitin ko ito sa edad kong bente. Natatakot akong subukan ang pregnancy test kahit hindi ko naman alam basahin. Hindi ko alam anong gagawin ko, takot na takot talaga ako at parang hindi kayang tanggapin ng utak ko ang posibleng maging resulta ng pregnancy test.

"Veron? Open the door!"

"Bukas iyan, pumasok ka na."

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Geneva na bakas ang pag aalala sa mukha. Nang maisara nya ang pinto ay sinalubong nya ako ng yakap. Nag umpisa nanaman akong umiyak. Ikinuwento ko kay Geneva ang naging sagutan namin ni kuya kanina. Tinawagan ko sya at hiniling na puntahan ako dito. Kailangan ko ng karamay at masasandalan ngayon. Hindi ko alam saan pa ako huhugot ng lakas ng loob gayong maging si kuya ay mukhang tinalikuran na ako.

"Oh my God, Veronica."

Sabi nya habang hinahaplos ang likuran ko. Humuhikbi na ako nung kumalas sya sa pagkakayakap. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko. Habang ako ay patuloy parin sa pagbuhos ang mga luha ko. Bakit ba kailangan akong parusahan ng ganito? Bakit kailangan kong maranasan ito? Ito na ba ang karma ko sa lahat ng kabulastugan at lakwatsang ginawa ko? Ito na ba ang parusa ko sa pagiging isang pasaway at suwail na anak? Kasi kung ito na ay napaka unfair para sa akin. Bakit ako lang ang nahihirapan samantalang masayang masaya yung demonyong kasama ko habang ninanamnam ang sarap nung gabing yon? Bakit parang ako lang yata ang pinaparusahan ngayon? Hindi ko na maintindihan. Ang gulo na nga ng buhay ko tapos mas naging magulo pa dahil sa isang One Night Stand lang? Pakshet! Ang lupit ng kapalaran sa akin.


"G-Geneva, H-Hindi ako buntis diba? H-Hindi ako mabubuntis."

Sunod sunod na iling ang ginawa ko kahit takot ang nararamdaman ko. Ayokong sabihin na buntis ako. Dapat maging positibo ako at huwag isiping buntis ako, dapat lagi kong iniisip ang positive side ngayon dahil hindi pa naman sigurado. Pinapangako ko sa sarili kong pag hindi ako buntis ay magbabago na ako. Hindi na ako makikipag away at iinom. Pangako yun!

"Hindi natin masasabi, Veron hangga't hindi ka nakakapg PT."

Umiling ako. Pilit pinapaniwalang hindi ako buntis. Ayokong isipin na buntis ako, ayokong mabuntis dahil lang sa isang gabing pagkakamali. Hindi ko hahayaang mabuntis ako ng lalaking hindi ko minahal at hindi ko kilala maliban na lamang sa pangalan nya at kung ano ang trabaho nya. Ayoko! Hindi ako makakapayag.

"Hindi nga sabi ako buntis eh! Makinig ka naman please!"

Pagmamakaawa ko. Kitang kita ko ang awa sa mga mata ni Geneva sa akin. Maging sya ay nangigilid na rin ang luha at mukhang kahit anong oras ay papatak na ang luha nya.

Pilit ko mang itanggi sa sarili ko ay hindi parin mawala sa isip ko ang posibilidad na maging resulta mamaya pag nag PT na ako. Lokohin ko man ang sarili ko ay pilit paring iginigiit ng isip ko ang mga pweding maging resulta. At dahil doon ay nanghina ang buong sistema ko.

"Geneva, paano na lang kung totoong buntis ako? Paano na ang future ko? Paano na ang pangarap kong maikasal sa lalaking mahal ko? G-Geneva, paano na ang pag aaral ko? At ang..... M-Magiging anak ko? G-Geneva, please T-tulungan mo ako."

Natatarantang sabi ko. Muli ay niyakap ako Geneva. Ramdam ko ang pagtaas baba ng balikat nya patunay na umiiyak na din sya. 

Napatingin ako sa pinto nung bumukas iyon at iniluwa si kuya'ng walang emosyon ang mukha. First time kong nakita si kuya na ganito, dati ay lagi nya akong pinapatawa kahit hindi naman ako natatawa. Dati ay lagi syang nakangiti sa akin kahit na umiinom ako. Si kuya ang naging karamay ko sa lahat ng problema ko pero sa problema kong ito, mukhang hindi nya gustong makiramay sa akin. Alam kong galit sya sa akin, pansin ko sa galaw nya. Naiintindihan ko sya.


One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon