Building League Part 1

96 6 2
                                    

A/N: Sa wakas! May update na! HAHAHA***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Sa wakas! May update na! HAHAHA
***

RAPIDS Secret Hide out

Sa oras na narinig niya ang masamang balita, mabilis niyang ipinalabas ang baril at ipinutok doon sa lalakeng nagsabi sa kanya. Limang putok ang pinalabas nito na halos magwala na ang dugo ng lalaki sa kanyang katawan. Hinila naman ng mga iba niyang tauhan ang bangkay habang pumipinta sa sahig ang dugo nito.

"Putangina!" galit nitong mura na ikinayuko ng mga iba niyang taohan sa gilid. Umupo siya sa upuan niya doon sa likod at pinatawag ang pinagkakatiwalaan niyang tauhan. Naglakad naman ito papunta sa harapan niya at yumuko.

"What's your next move? Don't make me wait because I don't want to waste time," malamig nitong wika doon sa lalaking nasa harapan niya. Nag-angat naman ito ng tingin at pagkatapos non, ngumiti ito.

"Don't worry master, everything is settled for the next action," kalma nitong sagot. "We prepared everything for the attacks and our new crew to head out," dagdag niya na ikinatango ng master niya.

"But master, how about the last student who we abducted weeks ago?" tanong nito.

"Pabayaan mo muna. May mapapakinabangan 'yon kaya wag niyo munang tuluyan," striktong sagot nito na ikinatango naman nong lalaki. "Gawin muna trabaho niyo dahil aalis muna ako," wika nito at tumango naman ulit yong lalaki.

Pag-alis ng master nila, ipinatawag nong lalaki ang lahat ng mga tauhan. Binanggit niya kung saan at kailan sila aatake. Pagkatapos non, ipinatawag niya ang pinaka-bagong miyembro na silbing magiging ispiya nila sa kanilang kalaban.

Biglang bumukas ang pintuan na nagbigay atensyon sa lahat. Doon, inuluwa ang isang lalaki na seryosong naglalakad papunta sa harapan. Pagkarating niya doon sa lalaking ipinagkakatiwalaan ng boss nila, yumuko ito.

"Handa kanaba?" tanong nong magpakakatiwalaan kaya nag-angat ito ng tingin.

Ngumiti siya, "Handa na."



*****


At Keegan's Office



"The both of you can go now."

The moment I heard Keegan uttered it immediately made me stood up and walked towards him. Umupo ako sa tabi niya kung saan isang mataas na bench ang inuupuan namin.

"Hindi," sagot ko sa kanya kaya napabaling siya sa akin. "Iiwan ka nalang ba namin na may sugat kapa sa paa mo? Hindi pwede." Yumuko siya. Tiningnan ko si Erissa na nakatayo lang malapit sa amin habang si Tiffany naman ay kanina pa umuwi.

"Kaya ko sarili ko Ian kaya pwede na kayong umalis," maatowridad niyang wika habang nakayuko parin. May nakabalot na puti at medyo makapal na tela ang paa niya kung saan siya tinamaan ng bala. Hindi ko alam kung paano niya tinitiis ang sakit ngayon.

"Hindi kami aalis Keegan kung hindi ka sasabay sa amin," sambit ko. Gabi na ngayon at dahil lahat ng gawin namin tungkol sa kaso ay naaprobahan ng mga school committee. Kahit nandito pa kami, malaya namin gawin lahat. Kung uuwi kami, dapat kasama siya.

Hindi niya kakayaning maglakad mag-isa. Sino ang tutulong sa kanya?

"Dapat nga, kailangan ka namin ipunta sa ospital e."

"Kaya ko ang sarili ko Ian," malamig niyang tugon. Nong napatingin ako sa kamay niya, nakayukom ito.

"Pero Keegan---"

"Sabi ng kaya ko ang sarili ko e!" bulyaw na sa akin na ikinagulat ko. Mabilis siyang yumuko ulit kaya napalunok ako ng malalim.

"Pag sinabi kong pwede na kayong umuwi, umuwi na kayo. At pag sinabi kong kaya ko ang sarili ko, kaya ko." Hindi ko alam kung bakit niya gusto kaming ipa-uwi. May masama ba akong sinabi? Kaya, napapikit ako sa bay buntong-hininga.

"Ba't kaba nagagalit?" kalma kong tanong. Hindi siya sumagot kaya napatingin ako ulit kay Erissa. Nong mahagip ng kanyang mga mata ang sa akin, mabilis rin siyang napayuko.

"I failed up," narinig kong biglang wika ni Keegan kaya napabaling ako sa kanya. "I didn't handle things properly. Earlier, what I did was a shit."

"No," I utter.

"Yes Ian, I'm a shit. I shouldn't do it on the first place. I'm such a jerk." It was a thing I didn't expected to hear from him. Bakit pinapalabas niya na may kasalanan siya? Wala naman nangyari masama kanina maliban sa pagtama ng bala sa paa niya.

Because of it, I slowly lift my hand a little and pat to his and sighed pleasantly.

"Wala kang kasalanan," sabi ko. "Yeah, tumakbo ka nalang kanina na hindi ko nalalaman. Oo tinamaan ka sa paa mo pero, kung hindi sa iyo ay hindi natin mapapatigil ang mga kidnapper." Dahil don, napatingin siya sa akin.

"We saved Tiffany not because we planned it but because of your tiny bit of mistake. Also, it reminds me of those two strangers who I think helped us a lot."

"Did you saw them?" tanong ko sa kanya pero umiling siya kaya bumaling ako kay Erissa.

"Ikaw Erissa?" pero umiling din siya.

Pagkatapos non, bumalot ang katahimikan sa paligid. Walang ni isa ang nagsalita. Nakayuko si Keegan at Erissa kaya, tuluyan ko naring iniyuko ang aking ulo.

"I'm sorry," pagbabasag ni Keegan sa katahimikan. Napabaling ako sa kanya.

"Okay lang. Basta ang isipin mo, walang kang ginawang mali. Okay?" After it, he glanced at me again and finally nodded.

"Pwede bang magtanong?" biglang wika ni Erissa kaya napabaling ako sa kanya. "A-Ano ba talaga ang nangyari kanina? At ano 'tong ginagawa niyo?"

I immediately turned to Keegan. Sinisenyasan ko siya kung sasabihin ko ba kay Erissa ang lahat kung bakit namin 'to ginagawa. Pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya napabaling ulit ako kay Erissa.

"Kasi...It's..."

"We're on the track for solving the case of the missing students." Mabilis akong napabaling ulit kay Keegan nong marinig ko ang boses niya. "In short, we are on the case to solve this crime."

"The missing students?" said Erissa. "Yong kinikidnap at pinapatay?" dagdag niya kaya tinangoan ko siya.

"Actually, their next target was supposedly Tiffany. But we saved her, didn't we?" Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente na dapat akong bumaling ako kay Keegan at nong ginawa ko 'yon, nakita ko siyang ngumingiti ng kunti sa akin. Kaya, tumango ako.

"Nakidnapped si Shaina at sa pangyayaring 'yon, nandoon si Ian. Devastated that he did nothing, he went to me and wants my help. Then after it, Mr. Demorant also wants our help. So, the both us agreed to try solving this case," paliwanang ni Keegan kay Erissa.

"Pero paano 'yong pagtatakbo niyo sa field na naka boxer lang? At 'yong halikan niyo sa cafeteria?"

Napabaling ako kay Keegan at tinitingnan kong dapat ba na sabihin kay Erissa ang tungkol sa unknown texter.

"It's okay. Don't bother it. Sorry for asking," pagbabawi ni Erissa.

"Pero Ian and Keegan?" she directly said.

"Yes?" sabay naming sagot ni Keegan.

"Pwede ba akong sumali?" Mula sa tanong na iyon, mabilis akong napatingin kay Keegan. From his eyes, I think he's also shocked by Erissa's favor. Napayuko at napabaling kay Erissa.

"Are you sure?" Keegan asked her and she quickly nodded, holding her hands together. "Okay then, welcome to the team."



***


Pagkatapos non, inalalayan namin si Keegan papunta sa kotse niya. Pinilit ko siya na dapat siyang pumunta sa ospital pero tinangoan lang niya ako. May sumundo naman kay Erissa kaya siya ang sumunod na umalis. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating din si Mang Kanyo kaya nahatid niya ako sa bahay.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto at iniisip yong nangyari kanina. Dahil sa puno ng kuriosidad, kinuha ko yong notebook ko. Pagbukas ko nito, nakita ko 'yong mga naisulat ko nong nakaraang araw.

1. Solve this case
2. Find Shaina
3. Save Tiffany


Kinuha ko ang aking ballpen at nagsulat.

4. Question: The Two Strangers who saved us

Pagkaraan ng ilang segundo, biglang nag-ingay ang aking tiyan. Inilagay ko 'yong ballpen sa loob ng aking notebook at umalis sa aking kama sabay lakad papunta sa pintuan. Pagkababa ko sa itaas, pumunta ako sa kusina at doon ko nakita si Manang Henya.

"Manang, may cake paba?" tanong ko.

"Opo Sir. Teka lang kukunin ko lang muna." Pumunta ako sa doon sa island counter at umupo sa isa sa mga silya. Pagkatapos non, inilapag ni Manang Henya 'yong maliit na plato na may cake.

"Any drinks?" sabi ko. "Nako Sir, naubosan po tayo," malungkot na sagot niya. Tumango-tango ako at bumaling sa kanya.

"Babalik lang ako Manang ha. Lalabas muna ako at bibili ng drinks," aniya ko at tumango si Manang Henya.

Paglabas ko ng bahay ay hindi ko na inabala si Manong Kanyo na ihatid pa ako papunta sa convenience store dahil malapit lang naman ito. Naglakad ako habang malalim ang gabi at sout-sout ko lang ang pantulog kong damit. Maraming minuto ang nakalipas, nakarating din ako. Pumasok ako sa loob at ang lamig ng paligid ang bumati sa akin.

Pumunta ako doon sa drinks section at kumuha ng tatlong 1 liter of Coke. Pagkatapos non, tinungo ko 'yong cashier at dahil may linya ay naghintay ako.

"Ian?" rinig ko galing sa pamilyar na boses kaya bumaling ako sa aking likod.

"Alessia? Anong ginagawa mo dito?" aniya ko at ngumiti naman siya.

"Bumibili lang ng mga snacks," sagot niya. "Ikaw?" at ipinakita ko 'yong mga coke na kinuha ko. Nong turn ko na inilapag ko doon sa counter at binayaran ang kinuha kong drinks. Aalis na sana ako nang mahagip ko 'yong mga junk foods sa kabilang section kaya pumunta ako doon. Namili ako at kumuha ng tatlo. Pagkatapos, bumalik ako doon sa counter at nasa likod ako ni Alessia.

"Salamat," rinig ko galing sa kanya at naglakad papaalis ng convenience store. Pero sa hindi ko inaasahan pangyayari ay may nahulog na bagay doon sa pintuan kasabay ang paglabas niya sa store. Nong nabayaran ko na ang cashier, mabilis akong tumakbo papunta doon sa pintuan at kinuha 'yong nahulog na bagay.

Photocopy pictures?

Mula sa aking kinatatayoan, napakunot-noo ako sa aking nakita. It's a picture of Shaina smiling genuinely. Bakit may litrato siya ni Shaina?

Hinawakan ko 'to ng mabuti at napagpasyahan na kunin ito para makita ang susunod na litrato. Mula sa aking kinatatayoan, nanigas ang aking katawan sa aking nasaksihan.

It's a picture...








of me?





(sue)


Mission #1: ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon