Building League Part 3

88 6 3
                                    

A/N: Votes and Comments are highly appreciated

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Votes and Comments are highly appreciated. 

***

"How can I help you...Mitsu?" I answered after what he said. May mga mata siyang medyo bilogin, medyo matangos na ilong at tamang kapal ng kilay. Ngayon ko lang napansin na estudyante rin siya dito dahil sout-sout niya ang bagong uniporme ng school.

"Dito ba ang opisina ni Keegan Cartilla?" tanong niya.

"Oo, bakit?"

"Hay salamat! Gi- kapoy na raba ko og pangita," aniya na hindi ko naintindihan maliban sa salitang salamat.

Pagkatapos non, inayos niya ang kanyang buhok. Ipinasok niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at may ipinalabas na bagay mula doon. Isang liptint.

Binuksan niya ito at dahil rolling liptint ito, idinikit niya lang 'to sa kanyang labi and tapped it gently without missing any spots from his lips. He crumpled his lips together at pagkatapos non, ngumusos iya.

After it, may kinuha na naman siya sa kanyang kabilang bulsa. Pulbo?

He put some to his palm and used his other hand to tap to his face like those make-up sponges. After it, he scattered all the powder into his face and closed his eyes. Seconds after, he opened his eyes back.

"May natira ba? Tama naba? Okay na?" sunod-sunod niyang tanong sa akin kaya napalunok ako.

"Hoy ano na!?"

"Ah Oo! W-wala na," taranta kong sagot na ikinangiti naman niya.

"Pwede naba akong pumasok?" tanong niya sa akin kaya tumango-tango ako at puma-gilid para makadaan siya. When he stepped inside, I closed the door and turned around.

"Hi everyone!" maligaya niyang bati sa lahat. Naglakad ako papunta kina Keeganand everybody is giving me a sino-siya look.

"Bago ko sasabihin kung ano talaga ang pinuntahan ko dito ay dapat muna akong magpakilala. What's up mga kapamilya? Ako nga pala si Mitsu San Rico. I'm a new student here at proud iskolar ng taon," pagpapakilala niya.

"Kung dumako sa isipan niyo kung bakit ako nakalipstick ay tanga po kayo...Charot lang! Hindi 'yan lipstick kundi liptint. At proud and loud ko pong sasabihing na isa po akong bakla. Opo! Bakla po! In English: Gay. In bisaya: Bayot. Kaya sisimulan ko na sa isang tanong, sino po ba dito si Keegan Cartilla?"

Tahimik ang lahat. Napabaling ako sa kanila at nakita ko na ang lahat ay nagti-tinginan lang sa isa't isa. Para bang nagulat at hindi makapag salita mula sa sinabi nong lalaking nagngangalang Mitsu. I glanced at Keegan and his eyes were like observing.

"Ano 'to tingin-tinginan time? Time is clicking and gay is waiting, sino badito si Keegan?"

"Ako." Keegan finally answered. Ngumiti 'yong si Mitsu at tumango.

"Sisimulan ko na po ang aking sasabihin. Nagta-trabaho ako sa pamilyang Oliver at ipinadala nila ako dito sa paaralang ito dahil gusto nilang makatulong sa paghahanap sa nawawala nilang anak."

Anak? Sinong anak? Teka...

"Si Shaina ba ang tinutukoy mong anak?" tanong ko at napabaling siya sa akin.

"Tama ka diyan ate girl! Si Madam Shaina nga," go na go niyang sagot.

"Sobrang nag-alala na po ang mga magulang ni Madam Shaina kaya ako bilang isang trabahador lang ay magiging Darna dito sa paaralang ito at tutulong sa kung ano mang paraan. Kaya ko pong lumunok ng snow bear wag lang po 'yong bato. Kaya ko ding gawin ang lahat wag lang maging isang lalaki. Because I believe, it's better to do something than doing nothing and I...thank you! " mahabang litanya niya sabay palakpak.

Bumalot ulit ang katahimikan sa paligid. It felts like everybody was stunned by Mitsu's confidence to himself. Being something different was never easy but tohim, ipagsigawan pa man niya sa boung mundo ay wala siyang pake na bakla siya. He has this overflowing personality that can makes everyone happy and smile.

After it, I looked again to Keegan and he's just continued to look at Mitsu. One thing that battered my eyes was Cylin's smile. A perfect grinned.

"So ano ang maitutulong mo? Maging bakla-bakla lang? Pfft! Such monkey," ma-arteng wika ni Tiffany sa kanya sabay irap.

"Monkey man ako sa iyong paningin, girl tingin ka sa salamin, baka ikaw angleader namin."

Rinig ko ang impit na pagtawa ni Keegan at Cylin. Hindi narin nakatakas ang ngiti ni Erissa na pilit nitong tinatago sa amin kahit kitang-kita ko mula dito. Pati ako, hindi rin nakatakas sa impit na pagtawa sa sinabi ni Mitsu.

"Eh hayop ka pala e!" inis na sabi ni Tiffany sa kanya.

"Hayop? Diba kadugo mo ang mga iyon? Animals?" at dahil don, bumulwak ang tawanan sa loob ng opisina.


*****

Napagpasyahan naming lahat na pumunta sa cafeteria. Pagkarating namin doon, nakahanap kami ng mauupuan. Umupo ako sa gitna habang umupo naman si Keegan sa kaliwa ko at sa kanan naman si Erissa. Kaharap ko si Cylin na pumagitna kina Mitsu at Tiffany na kanina pa nag-aaway sa opisina.

"So guys, ano gusto niyong kainin?" tanong ni Cylin.

"Ay bet ko 'to, libre mo ha," ani Mitsu kaya napatawa si Cylin at napatango.

"Oh gosh, wala sigurong pera at magpapa-libre nalang. Well, ganyan naman talagaang mga iskolar, nagpapa-libre," pagpaparinig ni Tiffany habang inaayos nitoang kanyang mukha sa salamin na hawak-hawak niya.

"Alam mo gurl echosera ka! Ba't ang bruha mo? Bakit naiingit kaba na iskolarako? Mag-iskolar ka narin para hindi ma-inggit," diretsong tugon ni Mitsu.

"Me? Jealous...In your faggot dreams! I'm rich and being scholar is not on my vocabularies."

"Spell vocabularies," ani Mitsu sa kanya. Kita ko ang pag-iba ng mukha niya at paglunok ng malalim.

Napa-irap siya. "I don't give a fuck! Mag o-order nanga ako!" inis niyang sambit at tumayo sabay lakad papasok sa cafeteria.

Napangiti ako. Oh well, at least may ka-kompetensya nasi Tiffany ngayon and proudly to say that he's a scholar student of this school. Suddenly, Cylin stood up.

"Sasabay na ako sa kanya para makapag-order narin ako sa kakainin natin. Ako na ang bahala."

Tuluyan siyang umalis at sinundan si Tiffany. Ilang sandali pa, biglang nagsalita si Mitsu.

"Alam niyo bruha talaga 'yong si...Ano nga 'yon? Tiggy?" Napatawa ako ng kunti.

"It's Tiffany," pagtatama ko sa kanya at tumango naman siya.

"Oh nga pala Tiffany. Pero bakit galit na galit siya sa mga iskolar? Ano bangmeyron don?" aniya.

Napakibit-balikat ako. "I don't know. Ganyan lang talaga siya. Parating nagagalit."

"Tama si Ian, ganyan lang talaga siya. Don't worry Mitsu at masanay ka rin sa kanya," biglang sambit ni Erissa.

"Oh nga pala, what's your name? Kayong lahat? Anong pangalan niyo?" sunod-sunod niyang tanong. Ngumiti ako at nagpasyahan ko na ako na ang sasagot sa tanong niya

"She's Erissa," I answered, pointing out to the girl who's setting next beside me.

"I'm Ian and this boy next beside me is---"

"Is Ian's boyfriend."

Nagulat ako. Mula sa sinabi Keegan, sinapak ko siya sa ulo ng pagkalakas dahilan upang mapa-aray siya sa lakas.

"Ano ba! Bakit bigla-bigla ka nalang nangangapak!?" inis nitong sambit.

"Bakit mo kasi 'yon sinabi ha!?"

"Bakit? Totoo naman ah. Diba may kasunduan tayo na magiging boyfriend mo 'ko at hahali---" at dali-dali kong tinakpan ang kanyang bibig gamit ang aking palad.

"Ay alam niyo, ang cute niyo. Inggit si ako," sabi ni Mitsu tska ko pinakawalanang aking palad mula sa bibig ni Keegan. Binigyan naman niya ako ng kakaibang tingin.

"Wag kang maniwala sa ugok na 'yan Mitsu," I said.

"Believe me, boyfriend ko si Keegan," sambit naman ni Keegan na ikina-inis ko.

"Then who's the top?" biglang tanong niya.

"Syempre ako. Bottom 'yang si Ian dahil mahina 'yan e."

Napabaling ako sa kanya at kinindatan niya ako na may pilyong ngiti. Napayukom ako. Isa nalang talaga at masasapak ko na 'tong unggoy na 'to. Tumingin ako kay Mitsu at ngumingiti lang ito kaya napapikit ako sabay buntong-hininga.

"Pero ano ba talaga ang plano niyo sa paghahanap kay Madam Shaina? Diba mga estudyante lang tayo? Kung mga pulis nalang kaya ang ipapahawak ng kasong 'to?"

Pagbaling ko kay Keegan ay doon na sumeryoso ang mukha niya. Umayos siya sapag-upo bago sumagot sa mga tanong ni Mitsu.

"It's like this Mitsu. This is not also about the case of Shaina but to all students who suddenly gone missing and found brutally killed," paninimula niya. I took a gaze to Erissa and she was listening to every word Keegan said.

"Ha? Pinapatay!?" gulat na wika ni Mitsu and Keegan nodded.

"This case is been years and years unsolved. The school went help to the Police Department but all they got was...nothing. When a student suddenly disappeared,it took months before they could found. After you find them, all of them are heinously killed. It's like killing with no mercy."

"Gosh! Navertigo ako ah. Grabeh, nakaka-stress naman 'yan. Nakakapangilabot naman," natatakot niyang sagot.

"Exactly, that's why we need to take our time seriously. Dapat na natin 'to simulan."

"But how do we start?" isang tanong na galing kay Erissa. Napabaling kaming lahat sa kanya kaya dali-dali siyang napayuko.

"Ang ibig kong sabihin ay saan tayo magsisimula?" dagdag niya.

Erissa has a point. Sa misyong ito saan kami magsisimula? Anong aksyon ang una naming gagawin? We don't have any clues or evidence.

Napabaling ako kay Keegan. He's on his thoughts at tumitingin lang siya sakawalan.

"Keegan!"

Napabaling kami. It's Cylin at mukhang hinihingal pa ito.

"Sa loob, may nag-aaway!" Dali-daling napatayo si Keegan at tumakbo kasama s iCylin. Sumunod naman kaming Erissa at Mitsu sa likod nila. Pagpasok namin, naabutan namin ang dalawang lalaki na nagsusuntokan. Yong isa ay matangakad at 'yong isa ay may saktong taas lang.

Mabilis namang pumagitna si Keegan habang si Cylin ay pilit niyang hinihila'yong lalaking mataas.

"Ano ha! Ano!" sigaw nong maliit na lalaki. May pasa na siya sa gilid ng kanyang labi at namumula naman 'yong kanang mata niya. Napatawa naman 'yong mataas na lalaki na parang nang-aasar.

"Gago ka pala e! Tapang-tapangan kapa e ikaw na 'tong mukhang basag sa atin!"

Mabilis na sumugod 'yong maliit na lalaki pero mabilis namang pumagitna si Keegan sa kanilang dalawa

"Ano ba kayo ha! Hindi ba kayo titigil!? Stop this right now or the both of you will walk inside the principal's office!"

Dahil don, natigil sila. Pagkaraan ng ilang segundo, mabilis umalis yong maliit na lalaki.

"Hina mo bro! Mag practice ka muna!" sigaw nong mataas. Napatingin ako sa kanya.

Kung titingnan mo, magkasing-tangkad lang silang tatlo ni Cylin at Keegan. May V-cut na hairstyle siya at tinuping panyo na inilagay niya sa noo niya. May makakapal na kilay, matangos na ilong, at malalalim na mata. Ang nakakaiba ay may pagka-kulay asul ito. Sobrang pamilyar ng mukha niya pero hindi ko maalala.

Ilang sandali pa, naglakad ito papalayo. Kinuha niya 'yong panyo niya na nasa kanyang noo kaya medyo gumulo 'yong buhok niya na nagbigay ng kakaibang karisma sa kanya. Bago siya nakalabas ay dinaanan niya ako. Pero hindi ko inaasahan na titingnan niya ako na may ngiting pagkapilyo.

What's that for?

Kaya, binaling ko ang aking ulo sa kanya hanggang sa tuluyan siyang nakalabas. The way he walks is truly a man. Mula dito, kitang-kita ko ang malalad niyang balikat. Napukaw ako kaya napailing-iling sabay harap kina Keegan at Cylin.

Naglakad kami ni Erissa at Mitsu papunta sa kanila.

"Grabe dito friend! First day ko palang pero rakrakan na! Sobrang intense!" ani Mitsu.

Napabaling ako kay Keegan and his looks are very serious. Nakatingin parin siya sa labas at para bang nagmamasid ito.

"Hoy!" tapik ko sa kanya. Hindi parin siya kumikibo kaya bumaling ako doon sa labas. Ano bang meyron?

Suddenly, Keegan uttered. "Could it be him?"

Napakunot ang noo ko. Sino ba ang tinutukoy niya?

"Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"Or maybe it's not him."

"Hoy Keegan!" sigaw ko at napagtagumpayan ko namang mapatingin siya sa akin.

"Ano ba ang pinagsasabi mo ha!? Sinong 'him' ang tinutukoy mo!?"

"Yong bang mataas, hot, at may gangster na dating na lalaki kanina?" sulpot ni Mitsu. Ilang sandali pa, tumango siya.

"Oo...siya nga."

"Bakit? Kilala mo ba siya?" tanong ko. Mukha siyang nag-iisip pero pagkaraan ng segundo, tumango siya ulit.

"Could it be him Keegan?" sulpot naman ni Cylin.

"Teka! Teka! Pwede ba let's straight to the point? Sino ba siya?"

Nagtinginan si Cylin at Keegan and after it, both of them sighed heavily.

"It's Rennen."

Rennen?





"Diyan kalang. Kukunin ko lang ito.Babalik ako!"

"Pero Rennen papatayin ka nila pag nakita ka nila!"

"Basta! Diyan kalang! Wag kang aalis!"

"Rennen hindi!"

*Gun shot!*

"RENNEEEEEN!"





"Rennen?"








(sue)







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission #1: ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon