Kissing in public, running through the fields wearing boxers only, and taking hard risk. How long can Ian and Keegan survive by the texter's commands?
***
Mission #1 The unsolved case of the missing students in DumpWestern University was outrageous...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*** CHAPTER 3
Ian
Pagtapak ko sa loob ng room, bumungad sa akin ang maalikabok at makalat na paligid. Wala siyang pinagbago. Tamad parin siya at kahit sarili niyang kalat, hindi niya magawang linisin.
"Wag kang mag-alala, walang daga dito," pag-iinis niya sa akin habang may pilyong ngiti.
"Ipis lang marami." Bumilog ang mga mata ko. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at sa mga pader kong may mga ipis ba. Sapakin mo man ako ngayon pero alam ko, lahat takot sa ipis. Lalong-lalo na kapag lumilipad ito o mas malala, kapag dadampo ito sa kung anong parte ng katawan mo. Nakakapangilabot silang lahat.
"So opisina mo pala 'to?" tanong ko at naglakad papunta sa kanya. Kung tutuusin, tanging papel lang ang nagkalat sa paligid. A lot of papers kung ilalahad ko ito. Yong tipong way back old days na kapag may isinusulat ka tapos kapag may mali, itatapon mo lang kahit saan. Buti nalang talaga technology is in us right now. Pero kahit ganon, wasting paper is wasting mother nature.
"Oo. Paano mo nahanap?" sabi niya. Sasabihin ko ba na hinanap ko siya ng kung saan-saan, nagtanong ng kahit sino, at nagka-kurios sa lumang room na 'to dahil may narinig akong kakaibang tunog dito?
"Wala lang. Naisipan ko lang na puntahan ang lugar na 'to," sagot ko sa tanong niya. Dahil sa madilim ang paligid, binuksan niya ang mga bintana. Luma na din ito pero matibay pa.
"Bakit? Napuntahan mo naba ang lugar na ito?" napa-irap ako. Dami niyang tanong.
"Hindi pa pero...basta! Dami mong tanong." At rinig ko pang tumawa ang ugok. Pumunta ako doon sa desk niya at sobrang daming alikabok. Ni kahit isang araw ba hindi niya nagawang linisin ang lugar na ito?
"Ang tamad mo talaga," iling-iling ko wika at napabilog ako sa aking nasabi. Bumaling ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin.
"Alam ko," simple niyang sagot. "Balak ko sanang linisin ang lugar na 'to ngayon pero dahil nandito ka, baka sa susunod na araw nalang."
"Ikaw? Lilinisin mo sa susunod na araw? Sabihin mo nalang na tinatamad kalang maglinis," natatawa kong sambit.
"Tamad na kung tamad pero pagdating sa 'yo, ginaganahan na ako." Ayan na naman. Here we go again.
"Ewan ko sa iyo," inis kong tugon at napatawa lang siya.
"Pero bakit sa sobrang daming lugar pa, dito pa talaga ang opisina mo? Wala bang finance yong school natin at bibigyan ka nalang ng ganitong opisina? Ang presidente ng Supreme Officers?" litanya ko sa kanya at tumawa lang siya.
"Hindi naman. Pinapili pa nga nila ako pero itong room na 'to ang pinili ko talaga," sagot niya. Naglakad siya papunta sa desk niya at umupo doon sa swiveling chair na nasa harapan ko. Dahil don, umupo din ako doon sa wooden chair na malapit sa akin.
"Nong unang pasok ko nga dito ay maalikabok at makalat ang paligid. Wala rin akong balak na linisin ang room na ito."
"Bakit?" hindi ko mapigilang tanong.
"Ito kasi ang opisina ng kuya ko." Nagulat ako. Alam kong may kapatid si Keegan pero hindi ko siya kilala. Ni hindi ko nga siya nakita sa personalan pero sa pagkaka-alam ko, dito rin nag-aaral ang kuya niya. So ibig sabihin, ang kalat na ito ay hindi sa kanya kundi galing sa kuya niya?
Ilang sandaling nakalipas, bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya napa-atras ako ng kunti.
"So what can I help for you?" he asked. Bumalik sa aking isipan ang lahat ng balak ko kung bakit ako nandito. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya at alam ko rin na siya lang ang makakatulong sa akin. Bago ako nagsalita, bumuntong-hininga ako.
"Kailangan ko kasi ng tulong mo kasi...kasi..."
"Kasi sa ginawa mo kahapon?" napa-angat ako ng tingin. Sinuklian niya ako ng isang mapilyong ngiti kaya napalunok ako. May kung anong bagay na kinuha siya sa loob ng desk niya at nong nakita ko 'to, isang remote ang kanyang hawak-hawak. He suddenly clicked something at biglang lumabas ang isang tv na galing sa loob ng pader.
Paano nangyari yon?
Pagkatapos, may pinindot na naman siya sa remote at biglang bumukas ang tv. Doon, hindi ko mapigilang manigas sa aking nakita. It's a video where all the things happened yesterday. Nasa likod ng puno ako habang kinakaladkad si Shaina papasok ng van. Ilang sandali ang lumipas, pinatay niya ito kaya napalunok akong bumaling sa kanya.
"Hindi ko naman sinasadya. Kasi natakot ako at---"
"Alam ko." Pagputol niya sa akin. Inayos ko ang aking pagka-upo at tumingin sa kanya ng maayos.
"It's not your fault. Nilamon kalang ng takot. You're always a scaredy cat," natatawa niyang wika. Hindi ko alam kung biro ba 'yon pero napayuko dahil sa kanyang sinabi. Yeah, I'm always a scaredy cat. Palagi kong pinapadaig ang aking takot at hayaang lamunin ako nito.
"B-but it's not your fault, okay?" and a smiled escaped in his lips. Medyo kumalama ng kunti yong pakiramdam ko so I gave him a tiny smile.
"And don't you worry, alam kong sa simula palang ay pupunta ka sa akin dahil kailangan mo ang tulong ko." Keegan added. Nagulat ako.
"Oh don't give me that shock face. Alam kong sa simula palang ay ako ang unang mong pupuntahan kapag may problema ka," he said.
"And beside, you're always a John Michael." Tiningnan ko siya ng masama pero isang tawa lang ang sinagot niya sa akin.
"Oy hindi ako John Michael no," tugon ko.
"Pero okay lang sa akin. Dahil alam mo bakit? The more I help you, the more attention I receive from you." Hindi ko alam pero may kung anong kuryente ang sumanib sa aking sistema.
"Ewan ko talaga sa iyo," sabi ko nalang. "Pero talaga bang tutulongan mo ako?"
"Kiss muna." I glared at him. Dami niyang kalokohan sa kanyang buhay.
"Sapak gusto mo?!" inis kong sabi at napatawa pa siya.
"Maging seryoso kanga. Wag kang puro biro." Suddenly, he then put his back in his swiveling chair at tumingin sa akin ng pagka-seryoso. After it, inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid. Pagkatapos non, bumalik ang kanyang tingin sa akin at ngumiti ng pagkapilyo.
"How 'bout a deal?" napakamot ako sa inis. Alam kong mangyayari to! Sa tingin niyo nong natulungan niya ako ay walang kapalit non? Nong nalaman niya kung sino ang kumuha ng wallet ko, napilitan akong makipag-date sa kanya. Sa shooting incident naman, pumayag akong maging slave niya for a month! For a freaking month! Ginawa niya akong taga hawak ng backpack niya. Taga-gawa ng assignment niya kahit sobrang talino niya and here's the worst part! Taga halik sa kanyang pisngi kapag dadating yong mga fangirls niya kasi ayaw niya sa mga ito.
"Kailangan pa talaga?" reklamo ko.
"Edi wala! Go find someone who can help you." Aakamang tatayo sana siya kaya hinawakan ko ang kanyang kamay para pigilan siya. He suddenly looked at his hands with his lips smiling widely and looked at me after it. Mabilis kong itong binitawan at tumayo.
"Oo na. Papayag na ako," sagot ko na may pagka-inis kaya bumalik siya sa pagka-upo. Tiningnan ko siya ng masama pero tanging ngiti lang ang natatanggap ko. Ibang-iba si Keegan pagdating sa akin.
Kung sa ibang tao, sobrang mysterious niya. Pero pagdating sa akin? Para siyang normal na lalaki na ang hilig mang-inis.
"Wag kang mag-alala, hindi naman mahirap ang deal." Sabi niya.
"Dapat lang!" sagot ko ng pagkainis.
"Kailangan mo lang namang maging boyfriend ko." Napabilog ang mga mata ko.
"Ano?!" gulat kong wika kasabay ang pagtayo ko.
"Bakit? Mag-rereklamo ka?" he uttered while his left eyebrow's titled at me.
"H-hindi...Hindi." Dahan-dahan akong umupo pabalik at napayukom. Hayop ka talaga Keegan!
"Don't curse me," he surprisingly said.
"A-ano?" sabi ko.
"Even though I can't hear you, I can still manage to read your mind." Napalunok ako. Bumalik ang kanyang ngiti kaya inirapan ko nalang siya. Bakit ko yon nakalimutan? He's a mind-reader master. Kaya niyang sabihin kung ano ang sinasabi ng utak mo.
"At hindi pa ako tapos," wika niya kaya napa-irap ako.
"Bilang boyfriend ko, dapat kung nasaan ako, nandoon ka rin," sabi niya
"Pero paano kung class time?" tanong ko.
"Don't worry, hindi naman yon counted."
"Basta! Kung nasaan ako, nandoon ka rin. Whether you are in my back or everywhere near me, you must remain stay by my side," dagdag niya.
"Kahit sa banyo pa." And he gave me swift winked.
"Gago!" at tinawanan lang ako ng mokong.
"And lastly," napabuntong-hininga ako sa inis.
"Dapat sa isang araw, may dalawang halik ako galing sa iyo."
"Okay I'm done. Aalis nalang ako," wika ko at tumayo. Aakamang lalakad sana ako nang biglang nagsalita siya.
"Kahit na wala kang nagawang tulong sa kaklase mo, Ian?" rinig ko galing sa kanya. Napayukom ako.
"Wala tayong alam kung nasaan siya ngayon o kaya anong nangyari sa kanya. Maybe nanghihingi siya ng tulong at hirap na hirap na siya. O pinapahirapan siya ng mga tao na kumidnapped sa kanya." Hindi ko mapigilang manginig at kagatin ang ibaba kong labi.
"Hahayaan mo nalang ba yon, Ian?" he said.
"Hahayaan mo nalang ba yong taong hindi mo naitulongan? Hahayaan mo nalang may mangyaring masama kay Shaina, Ian?" mabilis akong humarap ulit at naglakad papunta sa kanya at umupo pabalik.
"Oo na! Oo na! Papayag na ako!" suko kong wika. A smile existed in his lips but I just glared at him. Then after it, inilagay niya ang kanyang palad sa desk.
"Is it a deal?" I gulp. Tumingin ako sa kamay niya at pagkatapos tumingin ako sa mukha niya. He's just smiling all the time. I sighed heavily. Suko kong inilapag ang palad ko sa palad niya.
"Deal." Sagot ko. Pero pagkatapos non, hindi ko aakalain na hihilain niya ang kamay ko ng pagkalakas kaya napa-abante yong mukha ko sa mukha niya at nagulat ako dahil bigla niyang hinalikan ang aking labi. I froze out. After it, humiwalay siya sa paghalik.
"That's one kiss for today. May kulang pang isa." He huskily whispered and a smirked escaped in his lips.