Building League Part 2

62 6 0
                                    

A/N: Hi Guys! So, every time I update, I will upload TWO CHAPTER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Hi Guys! So, every time I update, I will upload TWO CHAPTER. It's because I will be gone for 2-3 days to continued writing more and get some rest. It will be my system for now so I hope you all understand. Thank you all so much. 

***

"And that's for all today, good bye class."

Sabay-sabay kaming nagpa-alam sa subject teacher namin at bumalik sa pag-upo. Pagkatapos non, may biglang tumapik sa aking balikat kaya napabaling ako sa aking likod.

"Ano?"

"Samahan mo 'ko sa cafeteria, treat ko," ani Niana na nakangiti pa. Tumango ako bilang sagot pero bago pa ako bumalik sa pagharap ay biglang lumapit si Alessia sa amin.

"Nina," wika niya kaya napabaling si Niana sa kanya. Weird, did Alessia just called her Nina?

"Sabi ni Quinn ay e-lilibre raw niya tayo mamaya doon sa bagong burger house," puna pa nito.

"Nice," nakangiting tugon ni Niana. "Gusto mong sumama Ian?" baling niya sa akin sabay tanong.

"Thanks but no thanks, may pupuntahan din kasi ako."

"Saan?" diretsong tanong ni Alessia kaya napabaling ako sa kanya.

Ngumiti ako ng kunti. "It's a secret."

Tumango-tango siya at ngumiti. Pagtalikod niya aakamang maglalakad na sana siya nang bigla siyang humarap ulit.

"Before I forgot something, may nakita kabang nahulog na bagay kagabi Ian? Doon sa convenience store? Hinanap ko kasi pero hindi ko makita. Even though I went back, hindi ko parin nakita."

Mula sa tanong ni Alessia, hindi napigilan ng aking katawan ang tumigas mula sa kinauupuan nito. Kasabay ang pagtibok ng puso ko ng mabilis ay siya ring paglunok ko ng malalim.

"I'm sorry Alessia pero wala e," I simply answered, not trying to be overreacted to what she said. Mahirap na at baka ma-predict ng instinct niya na nagsisinungaling ako at nasa akin 'yong nawawalang litrato.

Sumimangot siya kaya lakas loob akong nag-tanong. "Bakit? Para saan ba 'yong nawawalang bagay na hinahanap mo?"

Suddenly she smiled. "It's a secret."

Tuluyan siyang tumalikod at naglakad pabalik sa kanyang upuan. Many questions are bugging me that night after I found those photos from her; A photo of Shaina and...me.

I have this bad feeling inside me towards Alessia and to his friend named Quinn. Last time, Keegan and I topic about that guy named Quinn and Keegan suggested to me that we need to go farther more to the investigation. Their actions are quite suspicious and very...mysterious.

First, that guy named Quinn we saw capturing a photo of our house is very questionable. Then, next was the photocopy pictures that I found at the convenience store last night that belong to Alessia is very also questionable.

Dahil don, dumako sa isipan ko ang mga sari-saring tanong: Paano kong ang mga tao na nasa likod ng mga nangyayari ay nasa paligid lang namin? What if they are everywhere? What if...they are also students just like us?

"Hoy Ian!" Napabalik ako sa aking diwa. Binaling ko ang aking ulo kay Niana at ang naiinis nitong mata ang bumati sa akin.

"Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo 'ko sinasagot! " puna niya kaya napapikit ako at napabuntong-hininga.

"Sorry. Bakit? Ano ba kailangan mo?"

"Eh, kasi bakit nong mga nakaraang araw ay hindi kita nakikita?" aniya.

"Bakit? Ikaw din naman ah. Bakit hindi rin kita nakikita? Ano ba ang mga ginagawa mo?"

Mula sa tanong na iyon, nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Mula sa pagka-inis, napalitan ito ng reaksyon na hindi ko nakita sa mukha niya sa boung buhay ko. Parang...nangangamba?

"K-Kasama ko silang Alessia at Quinn. P-Parati kasi kaming nag ha-hang out. Ikaw ba! Ano din ang mga ginagawa mo?"

Hindi dumako sa aking isipan na may mga kalokohang pinanggagawa si Niana pero mula sa nauutal niyang sagot, napagtanto ko na parang may tinatago siya sa akin. At mukha itong sobrang imporante na bakit kailangan pa niyang mangamba?

"I'm with Keegan, doing our mission," I answered neatly. Ngumiti naman siya ng kunti sa akin.

"Ganoon ba? Keep it up, ma so-solve din niyo ito."

Nginitian ko siya bago ako humarap. Niana is strangely acting after to what I said. Hindi na siya 'yong tipong makulit at tanong ng tanong. She's acting suspicious.

Maybe she's hiding something from me?


*****


Pagkatapos nong next class namin ay nagsilabasan na ang lahat. Inayos ko muna 'yong gamit ko bago ako lumabas ng classroom. Nong nagsimula na akong maglakad, hinanap ko si Niana. I caught her talking to Alessia. Suddenly, dumating 'yong lalaking nagngangalang Quinn kaya naglakad siya at tuluyang umalis.

"Ian!" rinig kong sigaw mula sa isang pamilyar na boses. Bumaling ako sa aking likod at nakita ko si Erissa na papalapit sa akin at kasama si...Tifanny?

Pagkarating niya sa aking harapan ay ngitian niya ako at napakamot siya sa kanyang buhok. How cute.

"Pupunta kaba kay Keegan?" parang nahihiya niyang tanong kaya napatawa ako ng kunti.

"Oo," sagot ko.

"Okay good dahil gusto ko na siyang makita. C'mon lead the way Ian," sulpot ni Tiffany habang may sinusubo itong lolippop. Bumaling ako kay Erissa at binigyan ko siya ng what-is-she-doing-here look.

"Kasi..."

"Oh just hurry up! May sasabihin ako sa kanya and I don't want to waste time!" irap niyang pagputol kay Erissa kaya napapikit ako sabay buntong-hininga.

"Okay," I simply answered and turned around before continued walking.

Ilang minuto ang nakalipas ay narating din namin ang opisina ni Keegan. Nong nakatayo kami doon sa nakasaradong pintuan, bigla akong binangga ni Tiffany mula sa likod at naglakad papunta sa harapan. Akala ko kakatok siya pero ilang sandali ay humarap siya amin at napa-irap.

"I don't want to knock. Maalikabok 'yong pintuan and I don't my hands to get dirty. I just put some alcohol and hand moisturizer. Kaya, kayo na ang kumatok."

Binangga niya ulit ako kaya napapikit ako sa inis. Sabay buntong-hininga ay pumunta ako sa harapan ng pintuan at hindi nagdalawang isip na buksan ito. Akala ko lock pero napagtagumpayan ko itong buksan kaya tuluyan kong pinabuka ang pintuan.

Bumaling ako kay Tiffany.

"What?" ma-arte nitong tanong.

"Ikaw na ang mauna dahil ikaw naman 'yong may kailangan diba?" sarkastiko kong tanong.

"Ah no! Baka may ipis diyan," irap niyang sagot kaya napa-irap rin ako at napagpasyahan na pumasok sa loob.

Pagpasok ko ay tahimik ang paligid. Nagkalat parin 'yong mga papel na hanggang ngayon ay wala paring balak ang presidente ng Supreme Officer na pulotin ang mga ito. Bumaling ako sa paligid pero wala akong nakikitang Keegan.

Baka hindi pa siya nakakarating?

Suddenly, the door mysteriously closed on its own really hard. Napasigaw ng kunti si Tiffany kaya napatakbo silang dalawa ni Erissa sa akin. After it, nahagip ko na biglang umikot 'yong swivel chair ni Keegan na walang tao. Parang naiiyak na dumaing si Tiffany pagkakita niya nito.

"Is there any ghost here?" Tiffany uttered with her scared tone. Napalunok ako. Sa matagal ko ng pagpasok sa opisina ni Keegan, wala naman sigurong multo dito diba?

Pagkatapos non, doon sa nakabukang pintuan katabi sa malaking board na binalot ng dilim sa loob ay nabuhay ang tunog ng isang...pusa? Kasabay ang pagbilog ng aking mata ay napasigaw din si Tiffany sa takot habang napahawak si Erissa sa aking braso.

"Keegan is that you?" I said, trying to be brave, even though my heart is pounding from fear.

After it, a chuckled existed. Mula sa dilim na 'yon, lumabas ang lalaking hinahanap namin.

"Gago ka!" sigaw ko nito. Napatawa naman siya at ilang sandali pa, nagsalita siya.

"You can go out now, Cylin."

Mula doon, lumabas ang isang lalaki na may kasing-tangkad ni Keegan. Mula sa makakapal nitong kilay, matangos na ilong, makinis na kutis, at singkit na mga mata, mapapansin mo na mukha siyang koreano. Medyo mapupula ang labi nito at ang kulay ng kanyang buhok ay may kunting halong tskolate. Pagkatapos non, ngumiti siya.

"Hi."

"Oppa!" sigaw ni Tiffany at mabilis itong tumakbo papunta doon sa lalaking nagngangalang Cylin at niyakap nito. Medyo nagulat naman 'yong lalaki at napatawa.

"Ohmygosh! I'm Tiffany Feil Roa but you can call me Tiffany," pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay. Ngumiti siya ulit at hinawakan ang kamay ni Tiffany. Instead of shaking her hands, she pleasantly lifted it up and kissed it.

Nagulat ako. Hindi rin nakatakas si Tiffany sa kilig.

"The name is Cylin Lee Amarga," he said in a gentlemen way.

"Stop right there Cylin, baka mahulog pa yang si Tiffany sa iyo," biglang wika ni Keegan kaya napatawa siya.

"What can I say? My blood runs from my family of true beauty and charm. In a blink of an eye, I can get any girls anytime what I want," he answered with a smirked from his lips that made Keegan chuckled. Nong mahagip nang kanyang mga mata ang sa akin ay biglang kumunot yong noo niya.

"And you must be Ian, right?" he said to me. Naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako.

Pero ang mas ikinagulat ko ay bigla niya itong hinalikan.

"I'm Cylin," he said daringly. Pagkatapos non, isang sapak sa ulo ang natanggap niya mula kay Keegan.

"Aray!" sabi niya.

"Yan ang mapapala mo sa ginawa mo," ani Keegan sa kanya.

Napatawa siya. "Jealously really runs to you Keegan," he said with a smirk at pinalaya ang kamay ko.

Sabay baling kay Keegan ay napalunok ako ng malalim. Pero nong mahagip ko ang mata niya ay bigla siyang umiling papalayo. I grimace my face from annoyance at naglakad papalapit sa kanya.

"Wag kang maniwala sa sinabi niya. Hindi 'yon totoo," bigla niyang wika habang nakatingin parin sa kawalan kaya napatawa ako. Bumaling ako doon kay Cylin and she's talking to Erissa now.

"Shiest girls are the prettiest, everybody knows that," he said charmingly that made Erissa's face boiled from redness. Napa-irap naman si Tiffany.

"Sino ba siya?" baling ko kay Keegan sabay tanong.

Ngumiti siya, "Just wait, you'll know after he introduce himself," sagot niya sa akin. Naglakad pabalik si Cylin papunta kay Keegan kaya bumalik ako kina Erissa at Tiffany.

"I'm Cylin and I'm a close friend of Keegan. We're friends since the day Keegan knows that I'm more handsome than him." Napatingin ako kay Keegan at nakita ko naman na naiinis siya mula sa sinabi ni Cylin. Kaya, napangiti ako ng kunti.

"I'm a transferee and it's my first day here. I'm a new student but it doesn't mean I don't know what happened around this school. I'm a self-proclaim connoisseur of many things and anytime I can be a detective or anything what you want. Solving dilemma is Keegan and I's favorite. We used to dream to become detectives but still we don't know our fate. So, just track me on it and I'll promise to do my best."

He slipped his hands to his pockets and smile. After it, he showed a device just like a remote and pressed something. Dahil don biglang bumukas 'yong pintuan kaya doon ako nagulat. Paano nangyari 'yon?

Naglakad siya papunta sa pintuan at may kinuha na kakaiba doon sa ibaba ng doorknob. Pagkatapos non, ipinakita niya sa amin ang maliit na bagay na hugis bilog.

"I used a controlling device to control things that will attach this thing," he explained.

"How about the swivel chair?" tanong ko.

"Still the same," sagot ni Keegan habang nasa tabi na siya ng swivel chair niya at ipinakita 'yong bagay na hinahawakan ni Cylin. Naglakad si Cylin pabalik kay Keegan and put the controlling device into his pockets.

"In short, Cylin's will help us to this mission," Keegan uttered.

Nagulat ako. I don't know what to say but deep inside, I think my heart is beating gladly. Marami na kami sa misyong ito. The more the help, the better it is.

Ilang sandali pa, bigla akong binangga ni Tiffany mula sa likod at naglakad papunta sa harapan. I tsk in annoyance.

"I'm joining too," she said na ikinagulat ko. Ano? Sasali siya?

"After the horrible incident that happened to me, I want to help this team," she added. It's my first time seeing and hearing Tiffany having sense through her words. It's like...she's eager with it and serious.

"And also, nandito rin si Cylin kaya talagang sasali ako." Naglakad siya papunta kay Cylin at niyakap ang braso nito na ikinailing at ikinangiti ng binata.

Umiba naman ang reakyon ko at napapikit sabay buntong-hininga. Akala ko pa naman seryoso pero may halong landi pala.

Naramdaman ko na tumabi si Erissa sa akin kaya napabaling ako. Nakita ko siya nahihiyang nakangiti sa akin na ikinangiti ko naman. Nong ipinasok ko 'yong kamay ko sa aking bulsa ay naramdaman ko 'yong litrato na itinago ko dito. Naalala ko bigla si Keegan kaya napabaling ako sa kanya.

Nakatingin siya sa akin na may matang malalalim. Kaya, naglakad ako papunta sa kanya.

"Keegan, may sasabihin sana ako sa iyo," aniya ko.

"Ano? Na na-miss muna 'yong mga halik ko sa iyo? Alam mo naman na humahanap ako ng tiyempo e," sagot niya habang hindi parin tumitingin sa akin kaya sinapak ko siya ng pagkalakas. Napa-aray naman ito.

"Gago! Hindi 'yon! Kasi kagabi---"

"Tao po!" rinig kong biglang sigaw mula sa pintuan na pumutol sa aking sasabihin. Kasabay ang mga katok nito, naglakad ako papunta doon at binuksan ang pintuan.

Bumungad sa akin ang lalaking mas maliit sa akin ng kunti. May matataas pero maninipis itong buhok na malapit ng takpan ang kanyang mga mata habang ngumingiti ng abot langit.

"Hi! Ako nga pala si Mitsu!"









(sue)

Mission #1: ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon