04. RAPIDS

149 13 2
                                    

***CHAPTER 4Ian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***
CHAPTER 4


Ian

"May magpapakamatay!" taranta kaming lahat na nasa loob ng classroom nong narinig namin ang isang sigaw. Naulit pa ito kaya lahat yata ng estudyante na galing sa ibang silid ay nagsilabasan din. Bumaba ako mula sa palapag namin at tumingala sa itaas kung saan nandoon ang isang lalaking estudyante ang nakatayo habang nakapikit ang kanyang mata.

Natawag lahat nito ang boung campus at halos lahat ng estudyante ay nandito sa ibaba habang nakatingala sa kanya.

"Gosh! Kunan mo ng video girl! Bilis!" rinig ko sa likod. Umiling ako sa paligid at may nakita akong mga estudyante na kumukuha rin ng video. The fuck! Instead of convincing that guy to not committing a suicide, these will they do? Capturing a video of how that student will fall into the ground?

"He's so cheap. Baka gusto lang niya tumawag ng pansin para maging famous siya at maging talk of the school," rinig ko na naman sa likod kaya naiinis na ako. Isa nalang talaga! Isa nalang.

"You're so right girl. Mukha nga siyang scholar e and look how he dress, he's a cheap. What you said earlier is correct."

"Will the both of you shut up!" hindi ko na napigilan at nailabas ko ng tuluyan ang inis ko sa dalawang babaeng nasa likod ko ngayon.

"Instead of saying bullshit things about that guy, can you just shut up? It will be helpful if the both of you just taped your mouths. He's not the cheap, the both of you are," dagdag ko bago ako humarap ulit at tumakbo papunta sa building. Tinakbo ko ang hagdan papunta sa rooftop at kahit hingal na hingal na ako, patuloy parin ako. Pagkarating ko sa rooftop, agad kong binuksan ang pintuan.

Nadatnan ko ang dalawang estudyante na magkatabi habang may sinasabi sila doon sa lalaki na nakapatong sa isang semento. Agad ko nakilala ang isa sa kanila at ito'y si Alessia habang yong katabi niyang lalaki ay hindi ko naman kilala.

"Please Marvon! Wag mong tapusin ang buhay mo ng gani-ganito lang! Wag kang magpakamatay!" pagmamaka-awang sigaw ni Alessia sa kanya. Medyo malayo kasi kami kung asan yong lalaki ngayon.

"What's the reason?" hindi ko mapigilang tanong kay Alessia.

"Bumagsak kasi siya sa isang subject. His parents are academically strict kaya nong nalaman ito ng magulang niya, pinalayas siya. He's our friend kaya nagawa namin siyang patuluyin sa amin pero sabi niya hindi na niya kaya ayon, gusto na niya raw magpakamatay." Mahabang paliwanag nong lalaki sa akin.

"Marvon Please! Don't do it!" pagpipigil parin ni Alessia sa kanya.

"Sinungaling!" sigaw nito. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa don ang lalaking hindi ko inaasahan. Si Keegan.

Lumapit siya sa akin habang sout-sout ang seryosong mukha.

"Ano ba ang nangyari sa kanya?" tanong niya sa akin.

"Bumagsak siya sa isang subject," sagot ko. Tinangoan niya ako at nagsimula siyang naglakad papunta doon sa lalaki.

"Wag kang lalapit! Talagang tatalon ako! Tatalon ako!" banta niya kay Keegan. I could see to his eyes and body that he's trembling in no specific feelings. Galit ba siya? Takot? Kinakabahan?

Nagpatuloy sa paglakad si Keegan papunta sa kanya pero patuloy parin yong lalaking nagngangalang Marvon na binanbantaan si Keegan.

"This is my last warning! I'm gonna jump if you take another step!" wika nito. Hindi ko alam kung ano ang mukhang pinapalabas ni Keegan doon sa lalaki pero sa sinabi nito, tiningnan ko ng maigi ang mga sapatos ni Keegan kong magpapatuloy ba siya sa paglakad. Yong lalaki naman ay palipat-lipat ng tingin sa amin at kay Keegan.

Suddenly, Keegan lifted his right leg. For a moment, I thought he will take another step but he then put it back and turned around. Pagkatapos, naglakad siya pabalik sa amin.

"I need the both of you to go," he uttered to the two students which is standing by my side.

"Wait? No bro! He's our friend! We won't go!" paglaban nong lalaki sa kanya.

"Yeah, he's our friend! We don't want a single thing happen to him," naiiyak pang sambit ni Alessia.

"If that guy really is your friend and the both of you don't want a thing happen to him, then do as I said earlier."

"Go!" Keegan yelled. Tumingin ako kay Alessia at kita ko na tumango siya.

"Okay. We will go," sabi ni Alessia at tiningnan yong lalaki. Tumango nalang din yong lalaki at sabay silang dalawa naglakad papunta doon sa pintuan at bumalik sa loob. Bumaling ako kay Keegan and I was shocked when I saw him smiling at me. The fuck! Is he serious?

"Bakit nakangiti ka diyan?" tanong ko.

"My kiss," nguso nitong sabi kaya napayukom ako. Mabilis ko siyang sinapak dahil sa kanyang sinabi at napa-aray naman ito.

"Gago! Maging seryoso kanga! Kanina palang ay sobrang seryoso mo tapos ngayon hindi na? Batukan kita diyan e!" naiinis kong wika.

"If you want me to be serious again, then give me my first kiss of this day," nagtatampo pa nitong tugon. Asal bata talaga ng lalaking to! Bakit ba kasi pumayag pa ako kahapon sa deal niya. Tsk!

"Ulol! Sapak gusto mo?! Hoy Keegan! May magpapakamay tapos 'yan ang gagawin mo?! Baliw kaba ha!"

"Oo! Baliw sa halik mo!" mabilis ko siyang sinapak ulit kaya rinig ko siyang napa-aray.

"Isa pa talaga! Hindi lang 'yon ang matatanggap mo!" galit kong sabi.

"Edi hahayaan ko nalang magpakamatay ang lalaking yan," bigla niyang wika. Tumalikod siya at aakamang maglalakad sana kaya pikit kong hinawakan ang kanyang kamay para tigilan siya.

"Sige na!" suko ko. Humarap siya at ngumiti pa ng pagkaloko. Tumingin ako doon sa lalaki na magpapakamatay at nakita ko na nakatingin lang 'to sa aming dalawa. Kung magpapakamatay man siya, may last scene siyang makikita which is may dalawang lalaking naghahalikan sa harapan niya. O kung hindi siya magpapakamatay at nasagip siya ni Keegan, baka ikalat niya ang kanyang makikita niya ngayon.

Ahh puta talaga! Gago kasi 'tong si Keegan!

Sumulyap ako pabalik kay Keegan. Inilapit ko ang aking mukha sa mukha niya kahit na medyo nahihirapan ako dahil mas mataas siya sa akin. Nakangiti lang ang gago kaya napa-irap ako at pumikit. Mas inilapit ko pa ang aking mukha at sa pagbukas ko sa aking mga mata, kasabay non ang pagdampo ng labi ni Keegan sa labi ko. Pagkatapos non, inilagay niya ang kanyang isang kamay sa likod ng aking ulo at mas idinikit pa ang aming halikan.

Naramdaman ko na biglang gumalaw yong labi niya kaya doon na ako na-alerto. Inipon ko ang lakas at mabilis siyang tinulak. I wiped my lips by the back of my palm and looked at him.

"That's all what I need," he smilingly but seriously said. What?

Humarap siya doon sa lalaki at napaharap din ako. Nagsimula siyang naglakad papunta doon kaya napalunok ako. Hindi sa mangyayari sa kanya kundi sa nangyari kanina. Nakita niya kaya yon?

"Wag kang lalapit!" banta nong lalaki kay Keegan pero patuloy lang siya sa paglakad.

"Ano yong nakita ko kanina ha! Sabing wag kang lalapit e!" ulit nito. I'm done! Nakita niya talaga yong nangyari kanina.

Then after it, Keegan stopped. Dahan-dahan akong lumapit ng kunti para marinig ko kung ano ang sasabihin ni Keegan.

"Answer me directly. Do you really want to die?" I heard from Keegan.

"O-o-Oo!" sagot nong lalaki.

"Then if that's what you want, go for it. Walang titigil sa gusto mo. Gusto mo e cheer pa kita?" Is Keegan really out of his mind? Napatingin parin ako doon sa lalaki na nagngangalang Marvon at halong-halong emosyon ang pinapakita niya sa kanyang mukha.

"Pakamatay na yan...Oy pakamatay nayan." Napasapo ako sa aking mukha. If that guy really die, I will blame Keegan as the murderer.

"Oh kaya gusto mo bang...itulak pa kita?" tanong ni Keegan. Parehong emosyon parin ang pinapakita ng lalaki. Pawis na pawis na ito.

"Magbibilang ako hanggang tatlo. Isa..." ani Keegan. Dahan-dahan akong naglakad. Kung tatalon man siya o itutulak siya ni Keegan, the fuck! Ayoko maging criminal! 

"Dalawa..." Ngayon at isang emosyon na ang pinapakita ni Marvon at iyon ay takot.

"Two and a half..." Tahimik parin ang paligid at tanging tingin ko ay nandoon lang kay Marvon.

"Three"

"Oo na! Oo na! You got me! Hindi talaga ako tatalon! Takot ako! Takot akong mamatay!" tuluyang suko nito. Napabuntong-hininga ako pagkarinig ko sa sinabi niya.

"Then get away from there if you're afraid to die," sabi ni Keegan. Tumalon naman paalis ang lalaking doon sa tinatayoan niya kaya nagsimula akong maglakad papunta doon sa kanila. The guy name Marvon just say sorry and after it, he rapidly ran away from us. The only thing I notice about him is he's an engineering student which I saw from his ID.

Humarap ako kay Keegan at ngumiti na naman ang gago.

"Diba sabi ko sa iyo. It all takes a kiss to save a life," he said

"Like the Disney princesses." 

"Ewan ko sa iyo," irap kong sabi at tuluyang umalis sa lugar na iyon.

Mabilis na kumalat ang balita sa boung campus. Tungkol doon sa lalaking nagngangalang Marvon na malapit na magpakamtay hanggang sa pagsagip namin ni Keegan sa kanya kay kamatayan. Kakatapos lang ng English subject ngayon at break-time na.

"Oy Ian, tara punta tayo cafeteria," yaya ni Niana sa akin.

"Sorry. May balak kasi ako ngayong break time e," sagot ko sa kanya.

"Let me guess, magbabasa o matutulog sa library?" sabi niya kaya napatawa nalang ako at tumango.

"Oo nga, parang ganoon nanga ang gagawin ko.'' Nagsinungaling ako kay Niana at ang hirap bilang isang kaibigan na gawin 'yon. Alam niyang hihingi ako ng tulong kay Keegan pero hindi pa niya alam na nakahingi na ako ng tulong o may deal kaming dalawa ni Keegan. Ayokong pati siya ay madamay sa mga pinanggagawa ko.

Hindi ako pupunta sa library kundi doon sa lumang room na silbing opisina ni Keegan. Dapat na kaming mag-plano sa gagawin namin kaya ito ako ngayon, pupunta sa kanya.

Pagkalabas ko, rinig ko ang sari-saring balita tungkol doon kay Marvon. Buti nalang ay nawala narin sa aking pandinig ang pangalan ni Shaina. Sadyang nakakalungkot ang biglaang pagkawala niya pero itong lahat na ginagawa ko para din sa kanya. Ilang minuto ring nakalipas at nakarating din ako doon sa lugar na pupuntahan ko.

Dahil sa naalala ko ang nangyari nong nahuli ako ni Keegan, kumatok ako sa pintuan. Walang sagot kahit isa kaya napagpasyahan ko nalang na buksan ito.

"Oy!" napabalikwas ako sa gulat. Rinig ko ang matinding tawa na galing sa kanya kaya madilim ko siyang tiningnan.

"Di nakakatawa," inis kong sabi at tuluyang pumasok. Ramdam ko na parang nawala yong mga alikabok pero yong mga papel? Nagkalat parin sa paligid.

"Hindi mo talaga pupulutin ang mga papel na ito at gagawin mong desinyo sa sahig?" hindi ko mapigilang tanong.

"Hindi. At tska, gusto ko makalat yong paligid ko. I like messy," at kinindatan niya ako. Ewan ko pero parang may kakaiba don sa sinabi niya.

"Sabihin mo nalang na tinatamad kang pulutin ang mga papel na 'to"

"Bakit? Tutulong kaba?" sabi niya.

"Aba syempre hindi," sagot ko.

"Ikaw ang maglinis dahil opisina mo 'to. Kilos-kilos naman dahil parati kanalang tinatamad." Puna ko. Ilang sandali, hindi ko inaasahan na lalapit siya sa akin kaya napa-atras ako at nong nabangga yong likod ko sa pader, nakakulong na ako. Medyo lumapit siya at pati na ang kanyang mukha. Nanigas ako sa aking kinatatayoan sabay ang malalim na paglunok.

"Alam mo ba kung bakit gustong-gusto kita?" Keegan said with his deep voice. Nakaramdam ako ng panginginit sa aking pisngi.

"Dahil ang hilig mong mangaral sa akin sa kung ano dapat ang kong gawin," he added. Mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin at kunting kilos nalang ay dadampi na ang labi ko sa labi niya.

"And I love it so much," he whispered. In a blink of an eye, a smack kiss happened. Kaya mabilis ko siyang tinulak papalayo sa akin.

"Gago!" sabi ko nalang and he just response me a shrugged. But suddenly, he spoke out.

"Follow me." He said and I nod. Medyo malaki ang espasyo ng opisina. Nasa gitna bahagi ng opisina ang kanyang desk at may isang malaking board na nakadikit sa kanang pader at may nakatakip na berdeng maitim na kurtina. Doon sa siya papunta kaya sumunod naman ako. Pagkahinto niya, huminto rin ako sa tabi niya at nag-angat ng tingin.

"Gaano mo ka kilala ang DumpWestern University?" biglang tanong niya sa akin.

"Hindi gaano pero ang pagkaka-alam ko lang, ito ang pinaka highlight school," sagot ko.

"Dito sa school na ito, maraming pangarap ang matutupad. Maraming magbabago sa buhay mo kapag naka-graduate ka dito."

"Nothing more?" tanong niya sa akin kaya napa-iling ako. Naglakad siya papunta doon sa kaliwang dulo ng board at pinagilid ang hinawakang kurtina papunta sa kanang dulo ng board. Sa loob, nagkalat ang mga pictures. Mga red thread na pinadikit sa mga litrato at marami pang iba. Naglakad siya pabalik sa akin.

"DumpWestern University is a known school," biglang wika ni Keegan.

"For having great standards in academics, international contests, and even sports, they are the highlight spot. But with beauty from the outside, the heinous side is still within." The photos I that I saw was very terrifying. Mga parte ng katawan na pinutol, mga katawan na duguan, at mga ulo na ibinitay sa puno. Lahat ay nakakapangilabot sa aking paningin.

"Over years and years that had been passed, every dreadful and brutal crime remains a secret. The school committee wants to hide it and don't want to let it out in the public eye. They want to protect the name of the school." 

May kunting alam ako tungkol sa mga nawawalang estudyante nong unang year ko pa dito. Pinapatay sila at walang awang pinuputol ang kanilang katawan. Pero sinabihan kami na dapat hindi namin ito ikakalat dahil mapapa-expel kami. Kaya ayon, I just taped my mouth at pilit na kinalimutan ang mga nangyari.

"Have you ever heard the RAPIDS?" Keegan asked. Mukhang narinig ko na 'to noon pero hindi ko lang matandaan.

"Hindi. Bakit?" sagot ko.

"The RAPIDS are the one who's behind those crimes that happened years ago and until now. Sila rin ang nag-kidnapped kay Shaina." Napalunok ako. Now I know kung sino ang kumuha kay Shaina. The RAPIDS did it.

"And you know what?" he asked.

"What?"

"The RAPIDS also take something special to me..." yuko niyang sabi and I could feel his voice starting to translate into a different tune. His eyes are now drowned. Then after it, he heavily sighed and looked at me.

"They killed my brother." 










(sue)

Mission #1: ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon