Chapter 1

88 7 0
                                    

Papunta ako ngayon sa kulungan para bisitahin ang aking tatay. Matagal ko din siyang hindi nabibisita.

''Anak! Lyra.''sabi ng tatay ko at agad akong niyakap. At binigyan ko naman ng ngiti si tatay.

''Tay. Dinalahan ko po kayo ng paborito mong pansit''sabi ko habang inayos yun sa lamesa.


''Ah! Talaga anak masarap yan kasi luto mo!' Sabi ng tatay ko na bilib na bilib sakin.


''Anak.kamusta ka na? Kayo ng mama mo?''sabi ni tatay sakin na halatang nag aantay ng sagot ko.


''Hmm. Tay. Ayos na ayos naman po kami ni mama. Nag tratrabaho po si Mama kaya di na nakasama.''sabi ko nalang dahil ang totoo ayaw na talaga ni mama na makita si tatay. Dahil di parin niya matanggap ang ginawa ni Tatay.


''Tay. Eto po ang pansit niyo''inabot ko kay tatay.


''Anak. Ang sarap talaga ng luto mong pansit!''tuwang sabi ni tatay at nakangiti pa.




''Wala po yun tatay. Basta po ikaw!''sabi ko at ngumiti sa kanya. Napadami ang kwentuhan namin ni tatay. Namiss ko yung ganito. Lalo na't di na ko madalas na kakadalaw kay tatay dito.


Di nag tagal. Napag pasyahan ko ng umuwi dahil may pasok pa ko bukas. Nag jeep ako pauwi ng bahay.


Pag bukas ko ng pinto. Nagulat ako sa nakita ko, naghaharutan sila ni mama at yung dati niyang kasamang lalaki.Nakuyom ko ang kamay ko sa inis.

''Oh! Nak!kala ko mamaya ka pa uuwi?'' Gulat na sabi sakin ni Mama. Kaya ang harutan nila nung lalaki ay natigil.


''Opo. Mama may gagawin pa kasi ako.''sabi ko.


''Oh. Siya nak. Kumain ka na sumabay ka na samin.''sabi ni Mama sakin habang ang lalaki niya ay nakain lang.


''Di na po mama, kumain na po kami ni Tatay ng pansit.'' Sabi ko at dumiretso na papuntang kwarto. Naririnig ko parin sila nag haharutan nung lalaki niya.

Nakakainis. Parang wala lang kay Mama na nakikita ko sila ng lalaki niya na naghaharutan. Kahit sabihin ni Mama na ayaw niya kay Tatay. Di parin pwede dahil pa naman sila nag de-divorce.


Hayts. Palagi nalang ba ganto! Palagi nalang ba ako may problema! Kung di sa bahay, sa school.Ano ba naman kamalasan to! Inis na sabi ko sa sarili ko habang sinasabunutan ko ang buhok ko.


Di ko na malayan na nakatulog na ko kagabi. Dahil din siguro sa bigat ng nararamdaman ko.


Nandito na ako ngayon sa St. School. Dito ako nag grade 12 at abm ang strand ko dahil doon na kapaloob ang course na kukunin ko. Which is, Tourism.


''Lyra!'' Sigaw sakin ni Ally. At agad ng tumakbo papunta dito.


''Oh! Bat ka naman kasi tumakbo? Pwede naman maglakad.''Sabi ko dahil kitang kita sa kanya ang paghabol niya ng hininga sa hingal.

''Wala lang!tara na pasok na tayo. '' pag aaya niya sakin.



Kaya kami ay nagtungo na sa loob ng silid aralan.



Pagpasok namin ay bumungad agad sakin ang mga kaklase ko at sila ay nagtatawanan.



''Nandito na pala yung anak ng kriminal!''sabi ng isa kong kaklase habang siya ay pumapalakpak pa sa tawa.


Di ko nalang siya pinansin. Wala din naman magbabago kung papansinin ko siya. Kaso nga lang tong si Ally. Ayaw magpapigil inambaan niya pa yung kaklase namin pero na aawat ko naman siya.


Personal Development ang subject namin.


''Dito sa strand na to ay kailangan ma-maintain ang character ng isang tao. Dahil ang strand niyo ay more on communicate sa mga tao. So. Dapat matuto kayo ng mabuting asal.''Sabi ng teacher namin sa PerDev.



''Ah. Ganun po ba Ma'am? Eh! Bakit po yung si Lyra nandito? Eh. Anak naman siya ng mamatay tao?''Tanong ni rossette kay ma'am. Kaya nag umpisa nagtawanan ang buong klase except samin ni Ally.


''Exactly! Anak lang siya! So! Wala siyang kinalaman sa kasalanan ng tatay niya dito miss rossette.''Matapang na sabi ni ma'am. Kaya ang mga tao sa loob ng silid na ito ay natahimik.



''Kung gusto niyong di kayo bastusin ng ibang tao, give them respect!Di kayo pwede sa ganitong strand kung ganyan lang ang mga laman ng utak niyo!''Pasigaw na sabi ni Ma'am. Na kinagaan ng loob ko dahil di lang pala si Ally ang kakampi ko dito pati ang teacher ko sa PerDev.



Walang naisagot si rosette sa sinabi ni ma'am sa kanya. Pero tinapunan niya ko ng tingin ng lumabas na si ma'am.



Uwian na namin. Pero di ko kasabay si Ally ngayon dahil may dadaanan pa siya.


'' Ahhhh!'' sabi ko habang nakahawak sa buhok ko. Dahil sinasabunutan ako ni Rossette.


''Walang hiya ka! Pinahiya mo ko! Kanina!''Pasigaw niyang sabi habang kinakaladkad niya ko.


''Tama na! Please! Wala naman akong ginawa sayong masama rossette. '' pagmamakaawa ko sa kanya.



''Anong wala! Pinahiya mo ko! Girls!'' Tinawag niya sila Nina at iba niya pang kasamang babae. Para hawakan ako.


Sinampal sampal ako ni Rossette. At dinuraan pa niya ko. Nag mamakaawa na ako sa kanya.


''Asshole!''sabi niya at tuluyan akong iniwan sa lapag hinang hina sa ginawa ni rossette. Di ko na napigilan yung luha ko.


Hanggang pagdating ko sa bahay. Ay umiiyak parin ako sa loob ng kwarto ko. Di mawala sa isip ko yung ginawa sakin ni Rossette. Wala dun si Ally para ipagtanggol ako...


Sa sobrang pagod ko ay nakatulog na ko.


''Teka! Nasaan ako?''Tanong ko sa sarili ko ng makitang parang nasa ibang lugar ako.


Nang tumingin ako sa salamin. ''Whaaaaa!''
Napasigaw ako sa gulat ng makita kong nag iba ang itsura ng mukha ko parang gumanda. Sinampal sampal ko ang sarili ko. Pero wala parin.


Nang makita ko ang calendar nanlaki ang mata ko dahil February 06,2030 na! ''Nasaan ako napunta! Bakit ako nandito sa future...''

______________
God Bless....

In Your Dreams (Completed) Where stories live. Discover now