''Anaaak! Lyra! Anong ng yari bakit ka sumigaw?'' kita sa mukha niya ang pagaalala. nagulat ako ng nakita si mama nasa 50's na siya.
''Ahhm...W-wala lang po mama. May ipis lang po kaya ako na pasigaw.''Yun nalang ang naisip kong dahilan.
Dahil kung sinabi ko ang totoo na napunta ako sa future ay baka di maniwala si mama.
''Ay! Jusko. Nak. Ipis lang pala akala ko kung napano ka na.''pag aalala ng mama ko habang napa kamot pa siya sa buhok niya.
''Oh! Siya. Kumain ka na anak, dahil diba may flight ka ngayon?'' Sabi ni mama sakin.
''Po! Flight? Bakit po?'' Tanong ko kay mama habang nag iisip kung bakit nga ako may flight.
''Oo. Flight,diba may pasok ka?''sabi ni mama sakin na halatang naguguluhan na. Kahit ako din naguguluhan sa mga pang yayari.
'' P-pasok? Eh. Sa school lang naman ako papasok mama.bat kailangan ko pa mag mag flight?'' Naguguluhang sabi ko.
'' Ano bang pinagsasabi mo Lyra Gracia? May flight ka. Kasi may pasok ka bilang flight attendant.Oh!siya kumain ka nalang anak ha! May bibilin lang ako sa grocery. '' sabi ni mama sakin. Kaya siya dumiretso na palabas ng pinto.
''So! Ibig sabihin Flight Attendant na ako! Whaaaaa! Di pa ko ready! Wala pa akong alam! Grade 12 lang akoooo!!! Wala pa nga akong training experience...''sabi ko sa sarili ko habang na papakamot na sa buhok ko dahil naguguluhan na ako sa ng yayari.
KRING! KRING! KRING!!! Na gising ako sa ingay ng alarm ko.
Nagulat ako dahil nandito na ako ulit sa present.So. ano yun panaginip ko lang pala yun. Panaginip ko lang na nandun ako sa future... Buti nalang!!! Dahil di ko pa keri maging Flight Attendant. Sana di ko na yun mapanaginipan uliiiiit!!! Ayoko na!!!
Nandito na ako ngayon sa St. School. Di parin mawala sa isip ko yung napaniginipan ko...
''Lyra! Bakit di mo sinabi sakin na pinagtulungan ka nila rossette?''galit na sabi sakin ni Ally.
''Ahh. Wala yun hayaan mo nalang sila.''Sabi ko nalang sa kanya.
Ano! Lyra! Grabe na ginagawa nila sayo! Sinasaktan ka na nila physically! Inis na sabi ni Ally.
''Hayaan nalang natin sila, Ally.sabi ko. Dahil alam ko naman wala akong magagawa kung mag susumbong ako. Dahil sila ay nasa mayaman na angkan maraming kapit.
''Pero-''sabi ni Ally.
''Tara na pasok na tayo ng room.''pag aaya ko sa kanya. Kaya natigil siya sa pag sasalita. Alam ko naman na gusto lang ni Ally na di ako masaktan pero wala ako magagawa.
''Nandito na pala yung anak ng kriminal!''sabi ni rossette sakin nung pumasok ako ng room. Habang tinaas niya ang isang kilay niya.
''Oh! Alam niyo na mga classmates! Lumayo kayo sa kanya!'' sabi naman ni Nina. Kaya nag tawanan ang buong kaklase ko.
Di ko nalang sila pinansin. Sanay na naman ako sa kanila. Pero etong si Ally talagang palaban inawat niya sila rossette. Kaya pinigilan ko nalang. Natigil lang ang pangkukutsa nila sakin ng dumating na ang Accounting teacher namin...
Nakakaasar. Di ko talaga keri ang Accounting. Nag pa surprise quiz samin ang teacher namin. Grabe! Ang hirap mag balance!Bat kasi kailangan pa ng Accounting ang Pag t-tourism?haaaysss.
Nakauwi na ako ng bahay. Buti nalang naka survived ako sa pag balance jusko! Pero di ko alam kung tama ba yun.ewan.buti nalang di ako inaway nila rossette dahil kasabay ko si ally.
Nagtungo na ako sa aking kwarto para matulog. Anong oras na din kasi 10 pm.
Oh! My! Bakit nandito na naman akooooo! Sa future!!!! Bakit? Eto uli ang napaniginipan ko!!!
''Lyra! My friend! Let's go na! Mag paparty party tayo!''Nagulat ako ng makita ko si Ally na nandito din sa future.
''A-ally! Bakit nandito ka?'' pagtataka kong tanong sa kanya.
''Duh!Diba tinawagan mo ko kanina at niyayang mag boy hunting tayo!'' sabi ni Ally na halatang naguguluhan na.
''A-ako? Ako ang nagsabi nun?'' turo ko sa sarili ko. Dahil di naman ako ganun ayoko nga mag party party! Lalo na mag boy hunting!
''Oo! Loka ka ba! Lagi natin ginagawa yun every rest day natin. Alam mo na pagod lagi sa flight kaya chill chill lang tayo... Ano ba yan! Dalian mo na! Magbihis ka na!'' pag aaya sakin ni Ally.
What! Lagi kaming nag bo-boy hunting! Parang di ko keri na makipag harutan sa ibang tao. Pero bat ganun ibang iba ang character ko dito sa future kaysa sa present.
Nandito na kami ngayon sa isang club. Di ko alam kung saan club to pero sa maynila to. Grabe! Ibang iba ang paligid dito kaysa sa present. Nag iba ang mga gusali. At iba na din ang mga lugar. Yung jeep dito ay iba na din para na siyang sasakyan pero pa jeep ang style.
Ang suot ko ay pants na at croptop na t-shirt at silver heels. Naiilang pa nga ako dahil di naman ako sanay na nakikita ang pusod ko. Kaso wala yun ang mga laman ng cabinet ko puro sexy ang damit. Kaya ito nalang ang napili kong mas matino.
"Party! Party! Lyra! Sumayaw ka naman!" Pag aaya sakin ni Ally. Di ko alam pero na pasayaw ako kahit ayaw ko alam mo yung parang may kumokontrol sa kilos ko.
Pinainom ako ni Ally ng cocktail. Grabe di ko kineri kahit sabihin niyang walang tama yun. Di naman ako nainom. Pero wala nainom ko padin.
''Hi,Miss beautiful.''Gulat ako ng may bumulong sa likod ko. Kaya napaatras ako.
My friend ano kaba! Bat ka umatras go mo na yan oh! Ang yummy niya kaya! Sabi ni Ally sakin habang nakikipag harutan sa lalaki.
'' H-hi''sabi ko nalang sa kanya at ngumiti.
''Do you wanna play with me?''sabi ng lalaking kausap ko habang hinawakan ako sa hita. Di ko alam pero bat ganun di ako makaiwas.
''Yes!''Nagulat ako sa sinabi ko. Dahil di ko naman yun gustong sabihin pero yun agad ang lumabas sa bibig ko.
Hinalikan niya ako, habang hinahawakan ang hita ko. At ako naman ay sumasabay sa halik niya.
Toktok! Toktok! Anak! Bumangon ka na dyan! Nagising ako sa katok ng pinto at sigaw ni mama.
Bakit ganun? Di nag babago ang napapaniginipan ko! Bat nag tutuloy tuloy lang yun? At bakit di ko kayang makontrol yun. Di ko kaya yung ganung ugaliiii!!! Kadiiiiriii na kikipag halikan ako sa lalaking di ko kilala!!!
____________
God Bless...
YOU ARE READING
In Your Dreams (Completed)
ФэнтезиOne day, a seemingly extraordinary set of dreams have been haunting Lyra, a bashfull girl who has yet to have a run in the life. But the people she meets in those dreams seem nostalgically familiar. This is a story that follows a young girl and hee...