"Tatay, Happy birthday po!" sabi ko kay tatay at niyakap siya.
"Salamat, anak. Buti di mo nakalimutan ang birthday ko." sabi ng tatay ko.
"Imposible po yun tatay, di ko po makakalimutan yun."sabi ko kay tatay.
Kumain na kami ni tatay at binigay ko na din ang regalo ko sa kanya. At tuwang tuwa pa siya sa binigay ko.
Nandito na ako ng bahay. Napagod ako ngayong araw may pasok pa naman bukas. Makatulog na nga. Baka mapanaginipan ko na naman na nasa future ako pero ok lang din. Masaya naman biruin mo naka pag travel ako.
"Anak, Bangon na. Pupuntahan pa natin yung tatay mo."sabi ni mama sakin. Habang ginigising ako.
"Po. Bakit po mama? Nagka balikan na po ba kayo ni tatay?"sabi ko. Kasi baka nga sila na ulit. Di happy family na kami kahit dito man lang diba.
"Nak. Anong pinagsasabi mo dyan. Death Anniversary ng tatay mo ngayon."sabi ni mama na halatang naguguluhan sakin.
Ano! Patay na si tatay dito sa future. Whaaaa! Di ko yata keri to."Po? Kelan pa?" Tanong ko kay mama.
"5 years ago na. Lyra! Ano kaba? Tulog na kapa ata e."Sabi ni mama sakin.
"Ho! Pano po namatay si tatay?" tanong ko. Nalilito ko kung bat wala na si tatay dito sa future.
"Diba nga namatay tatay mo dahil nagkaroon siya ng Kidney Cancer. Oh! Siya! Bumangon ka na. Tama na ang tanong tanong."sabi ni mama sakin. Habang pinababangon ako.
Di ako makapaniwala. Di mag sink in sa utak ko lahat.
Nandito na kami ni mama sa sementeryo.
Wala pa din pinagbago yung sementeryo puro patay padin nandito tulad ng dati."Mahal. Gusto ko lang ulit sabihin sayo na. Matagal na kitang pinatatawad. Alam kong huli na. Pero sana ay mapatawad mo ko. Di parin ako makapaniwala na ang unang minahal ko ay una pang mawawala sa buhay ko. Mahal na mahal kita. Mahal."sabi ni mama habang naiyak. So ibig sabihin bati na pala sila tatay dito sa future.
"Tay. Bat mo naman ako iniwan. Alam mo naman na di ko kayang mawala ka sa buhay ko. Pero sana tatay masaya ka na dyan sa langit. Gabayan mo po kami palagi tatay. I love you po tay." sabi ko at tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Ang sakit kasi sa feeling na. Kahit panaginip lang to, pero di ko kayang mamatay ang tatay ko. Parang hirap tanggapin.
Nandito na kami sa bahay ni mama. Yung mata ko namamaga padin. Kaka iyak.
"Tutut" nag text si Ally sakin.
Ally:"My Friend! Huwag muna tayo mag club ha! Mag rest ka muna. Kasi diba si tito death anniversary niya ngayon. Text mo nalang ako if need mo ko. Babush."
Nandito lang ako sa bahay magdamag nag titingin ng mga luma naming pictures ni tatay. Ang saya saya namin dito. Na miss ko tuloy bigla si tatay. Kahit kakadalaw ko lang sa kanya kanina sa kulungan.
"Kringkringkring"Nagising ako sa alarm. Hala late na ko!kanina pa pala nag aalarm.
Nagmadali na akong kumilos. Para pumunta ng school.
Nandito na ako sa school. Late na ko ng 5mins. Buti nalang wala pa kaming teacher.
"Uy. Late yung anak ng kriminal." sabi ni nina.
"Hayaan mo na. Nina. Nalista ko na naman siya sa attendance na late siya." natatawang sabi ni rossette.
Di ko nalang sila pinakinggan. At nag tungo nalang ako sa akin upuan.
"Lyra. Bakit ka ba na late? Inantay kita kanina dun sa may gate." pabulong na sabi sakin ni Ally.
"Mamaya ko kwento sayo." sabi ko dahil nakita kong papasok na ang aming Statistics teacher.
Nag lesson lang naman ang aming Statistics teacher about sa Probability Distribution. So as usual. Hirap pa din ako. Wala talaga akong alam dyan basta about math. Ewan ko ba. Buti pa si Ally may alam kaya sa kanya ako nag papaturo.
"Lyra. So. Bakit ka nga na late?" Tanong sakin ni Ally.
"Di ka maniniwala kung anong reason ko kung bat ako na late. Ally" sabi ko sa kanya.
"Bakit ano ba yun?" Tanong niya.
"Na panaginipan ko kasi ulit yung nasa future ako. Tapos ang panaginip ko ay patay dun si tatay limang taon na nakakalipas. Death anniversary niya dun. Di ko alam pero naguguluhan na ko. Tas napatawad na dun ni mama si tatay.kaya yun di ko na malayan na ang tagal ko na palang tulog."sabi ko kay Ally.
"Grabe. Katakot naman yung panaginip mo. Parang di ko kaya yun."sabi ni Ally.
"Sinabi mo pa.Ayoko kayang managinip na patay na si Tatay. Ang hirap isipin,basta ayoko." sabi ko sa kanya.Pero di na siya sumagot siguro naguguluhan na din siya.
Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso ko dito sa kulungan. Siguro dahil na miss ko lang si tatay.
"Oh.nak.Ano't nandito ka?" gulat na sabi sakin ni tatay.
"Ahm. Wala lang po tatay. Namiss ko lang po kayo."sabi ko at niyakap ko siya.Di ko alam pero di parin mawala sa utak ko yung na panaginipan ko.
"Ikaw naman anak.Namiss din kita."sabi ni tatay at nginitian ako. Di nagtagal umuwi nadin ako. Dahil tapos na ang oras ng dalaw nila. Pero ang sarap sa pakiramdam dahil kahit nasa kulangan si Tatay. Nandito padin siya. Di tulad nung na panaganipan ko sa future wala na siya physically.
Nakauwi na ako sa bahay. Pero bago ko umuwi kanina may na bangga akong lalaki na halatang nag mamadali. Inunahan niya pa nga ako sa taxi. Pero ok lang ba may emergency siya.
___________
God Bless...
YOU ARE READING
In Your Dreams (Completed)
FantasyOne day, a seemingly extraordinary set of dreams have been haunting Lyra, a bashfull girl who has yet to have a run in the life. But the people she meets in those dreams seem nostalgically familiar. This is a story that follows a young girl and hee...