Kiara Valentina Paladin POV
Napakagat ako ng labi habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin. Pero unti-unti ring bumigay ang mga labi ko at tuluyan na nga itong kumurba pataas. Ang ganda ko! Ang ganda-ganda ko!
Hindi lang dahil nakasuot ako ng maganda at mamahaling damit. Maganda ako kasi tama ang damit na suot ko. Maganda ako kasi malaya ang pakiramdam ko. Inabot ko ang pares ng hikaw sa isang tabi at isinuot iyon.
Kinuha ko rin ang susi sa isang tabi at ginamit iyon para buksan ang box na nakapatong sa aking puting dressing table. Bumulaga kaagad sa akin ang mga inipon kong make-up. Palihim ko itong binibili tuwing gumagala ako. Itinatago ko ito sa loob ng isang maliit na box na nilalagay ko palagi sa vault dito sa kwarto.
Kinuha ko iyong lipstick at dahan-dahan iyong binuksan. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Panaka-naka rin akong sumisilip sa aking salamin para i-check ang pintuan ko.
Wala sila mama at papa ngayon dahil may event silang dinaluhan. Events and gatherings that my parents love to attend para magkaroon ng maraming koneksyon. My papa is a mayor kaya he needs to have a lot of connections and fake friends para may susuporta sa kanya kapag tumakbo sa susunod na eleksyon. Si mama ko naman ay anak ng isa sa kasalukuyang senador ng bansa.
Politics runs in their blood. Most of my relatives are into politics and law. May mga doctors at businessmen ring nahalo. And me? None of those runs in my blood. Hindi ako mahilig sa politics. Hindi ako mahilig sa law. Hindi ako mahilig sa medicine.
I want to cook.
Gusto kong maging isang magaling na chef. But my parents would always turn deaf tuwing isinasatinig ko ang kagustuhan kong maging chef. They wanted me to become like my kuya na palaging nangunguna sa law school or di kaya ay kagaya ng ate ko na dean's lister sa med school. And they like to compare me with my half-sister na anak ni daddy sa labas. Magkaedad lang kaming dalawa at pareho kaming kumukuha ng accountancy pero palagi akong nangungulilat. While Patricia on the other hand aces all her subjects.
Kaya ko namang makipagsabayan sa kanila kung nasa tamang kurso lang ako. I refused law and medicine kaya sa accountancy nila ako binagsak.
Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang makulayan ng pula ang aking labi. Bagay na bagay! Hindi nasayang ang isang libo ko.
Hindi na ako naglagay ng iba pang kolorete sa mukha dahil baka bigla silang dumating. I locked the door pero gusto ko lang makasigurado.
Ilang beses pa akong nagpaikot-ikot at nagpacute sa harap ng salamin bago ko tuluyang hinubad ang damit. Maingat ko itong itinupi at niyakap.
"Someday...someday I'm going to wear you confidently." May ngiti sa labi ko itong inilagay sa aking mahiwagang box at saka iyon inilagay sa aking vault.
Naglakad ako sa harap ng aking salamin at sinuklay ang aking buhok na hanggang baba ko lang ang haba. Palagi nila akong pinapagalitan tungkol sa buhok ko pero palagi ko lang palusot ay dahil uso ito. Malamya akong gumalaw pero hindi sila naghinala tungkol sa tunay na ako. Malamya na kasi ako simula pa noong bata ako. Maybe they did have some 'doubts' but they chose to keep it on theirselves nalang siguro.
Kinabukasan ay nagtaka ako kung bakit kumpleto sila sa hapag. Nakaupo sa pinakagitna ang aking lolo na usually ay pwesto ni papa. Nakaupo naman sa kanyang kanan si papa na katabi si mama. Sa kanyang kaliwa naman ay ang lola ko na katabi si kuya Karl, ate at Patricia.
BINABASA MO ANG
I'm A Motherfckng Woman [TRANSWOMAN X MAN]
RomantikWaking up and realizing that you are trapped in a wrong body living in a wrong society is a scary thing. Araw-araw hindi ka lang nakakulong sa maling katawan, nakakulong ka pa sa kloseta. Nakakasakal ang makulong sa buhay na mali sa iyong paningin n...