Kiara Valentina Paladin
"Ate ganda, pwede po bang dito ako matulog mamayang gabi?" Ang mahina niya tanong habang binubutones ang puting polo niya.
"Kahit dito ka pa tumira, okay lang. I don't want you to stay there knowning how dangerous it could be for you." Tumayo ako mula sa aking inuupuan at sinenyasan ko siyang maupo sa harap ng vanity mirror na nabili ko sa isang department store.
I picked up my hair brush from the wooden table and began combing her light brown, wavy hair. Medyo na-shokot ang ate niyo n'ong first time ko siyang sinuklay, sobrang dami kasing lisa at kuto. Kaya tuwing day-off ko at nandito lang kami sa bahay naka-tambay kinukunan ko siya ng mga lisa at kuto. Binilhan ko na rin siya n'on shampoo na nakakawala ng mga nits and lice.
"Do you want to do pigtails for today ba, mare?"
"Kahit ano po ate, maganda naman po ako sa lahat." Ang nakabungisngis niyang sagot na nagpataas ng kilay ko.
Umakto akong ini-snub-an siya at saka pabirong tinulak ang ulo kanyang ulo. "Mahiya ka naman sa diyosa ng kagandahan. Nasa likuran mo lang oh."
Napuno ng matitinis niyang tawa ang buong kwarto ko. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili na mapangiti. "Libre naman pong mangarap, ate ganda."
"Oh sige, ten pesos na lang ang baon mo ngayong araw."
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. I pursed my lips to stop myself from grinning. She spun her head and looked up to me with her puppy eyes. Her lips were pouting cutely at me.
"Di ka naman mabiro, ate. Sige ka, ikaw din, tatanda ka ng maaga niyan. Pero kahit tumanda ka, ate ganda, maganda ka pa rin."
Unti-unti na namang umukit ang ngite sa mga labi ko. This kid never fails to amuse me. Sometimes I forget na she's only ten years old and not someone with the same age as me. She talks and think like an adult kasi sometimes. And I love her for that. I love how she thinks maturely during those ugly situations, I love how she's brave and witty. But I love her childish side as well. I love pampering her. I love giving her what she deserves: love and care.
"Hmp! Sige na nga. Pasalamat ka at mana ka sa akin." Ang natatawa kong sabi sa kanya at saka mahinang kinurot ang kanyang pisnge.
Isang bungisngis lamang ang isinukli niya sa akin bago siya muling humarap sa salamin. The air between us was filled with peaceful silence. Mas naging magaan ang pakiramdam sa pagitan naming dalawa kumpara kanina na medyo malungkot at tensyonado. I combed her hair and smoothly parted it in the middle.
"Ate ganda, love niyo din po ba ang mama ninyo?" Ang bigla niyang tanong sa akin matapos kong matali ang unang side ng kanyang buhok.
I paused from what I'm doing and looked at her reflection. Her big brown eyes was shining with curiousity. I gave her a small smile and resume from where I left off.
"Of course, mahal na mahal ko ang mama ko. Noong bata pa ako palagi niya akong nilulutuan ng masasarap na food. Kaya nga gustong-gusto kong maging chef because I wanted to be like my mom. Kaya rin siguro gusto kong maging isang babae."
Ngayon ko lang muling naalala ang mommy. No, I actually remember her frequently but I stopped myself from thinking too much of her. I did not allow myself to entertain thoughts and memories of people from my past. People I once call family.
"Maganda siguro 'yong mama mo, ate ganda. Ang ganda mo rin kasi kahit lalaki ka."
"Maganda nga siya, mare, pero mas maganda ako. Agree ka ba?"
BINABASA MO ANG
I'm A Motherfckng Woman [TRANSWOMAN X MAN]
RomanceWaking up and realizing that you are trapped in a wrong body living in a wrong society is a scary thing. Araw-araw hindi ka lang nakakulong sa maling katawan, nakakulong ka pa sa kloseta. Nakakasakal ang makulong sa buhay na mali sa iyong paningin n...