Kiara Valentina Paladin
Napakurapkurap ako nang winagayway ni Alejandro ang kanyang kamay sa aking harapan. I did notice I was already staring at him for a very long time. Nahihiya akong napayuko at tumikhim. Feel na feel ko na ang pag-iinit ng cheeks ko.
"U-Uhm..What can I get you, sir?" Ang tanong ko na lamang para mapawi ang pagkapahiya ko.
"Are you okay? Your face is red. May sakit ka ba? Where's your manager?" Ang sunod-sunod niyang tanong sa akin na mas lalo lang nagpalakas ng tibok ng puso ko.
Umiling ako at pilit ngumite sa kanya. I tried very hard to avoid his eyes dahil baka tuluyan na akong mapaupo dito sa sahig. I never knew that a guy could make me become like this in a short amount of time. I have crushes and secret flings before but I have never felt this way. To think na isang beses pa lang kami nagkita at napaka-saglit pa n'on.
"W-Wala ano...wala po akong sakit. Hindi po kayo mahahawa—"
"Oi, de Asis! You're back! How's Canada?" Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko because I was shoved to the side by my boss, Venisse.
Sinamaan ko siya ng tingin bago muling tumingin kay Alejandro nasa babaeng kaharap ko na ang atensyon. Choserang frog! Moment ko 'yon eh. Pabida talaga 'tong si Venisse kahit kailan. Nang mag-angat siya ng tingin sa direksyon ko agad akong ngumite at tumungo. It seems like Venisse will be down to take his order na naman. I wanted to take his order sana pero baka hindi ko lang magawa ng maayos ang work ko sa harap niya.
Mamaya ko nalang sisingilin ng chika si Venisse. Mukhang magkakilala kasi silang dalawa. I have a lot of questions I wanted to ask about him but I don't think asking him would be a wise choice. Venisse, isa kang hulog ng langit, girl.
I walked away from them at saka nagtungo sa sanitation area para magsimulang maglinis ng mga tables. Kumuha ako doon ng rag at spray saka dumiretso sa unang table na lilinisan ko.
Habang busy ako sa paglilinis, panaka-naka akong nagnanakaw ng tingin sa lalaking nakatayo sa harap ng counter. He's wearing a black shirt and maong pants na kahit simple lamang ay bagay na bagay pa rin sa kanya. Pansin ko rin ang pagnanakaw ng tingin ng mga babae at mga binabae sa kanya. He's such a head turner.
Ngunit ang atensyon naming lahat ay nabaling sa bagong dating na customer. Umayos ako ng tayo nang dumaan siya sa harapan ko. Nakasunod kaming lahat sa kanya habang taas noo siyang naglalakad papunta sa counter. I even saw some people taking pictures of her as she gracefully approach the man I have been thinking a lot awhile ago.
Napahigit ako ng hininga ng hapitin siya ng lalaki sa bewang at saka hinalikan sa labi. I heard the girls squeal after they exchange such public display of affection.
"Excuse me, sis. Gagamit kami ng table, pwedeng paraan?"
Napatingin ako sa dalawang estudyanteng nakatayo sa aking harapan at tumungo. "S-Sorry.."
Tahimik akong bumalik ng counter at saka nagpatuloy sa trabaho na may mabigat na puso. I don't undestand why I'm so upset. Sa gwapo at tindig niya hindi naman surprising na may girlfriend na siya. Not just any girl, this one is our Miss Universe candidate.
"Hoy, Kiara. Ba't antahimik mo ngayon? Do you have a fever? Maybe you should go home. Ang tamlay mo." Ang komento ni Venisse ng makalapit siya sa akin.
Kanina pa siya tapos mag-serve ng order ni Alejandro kaya ito ako naman ang kinakausap niya. "I'm fine. May iniisip lang ako."
"Like what? Or.." tumahimik siya saglit. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid bago lumapit sa akin na halos idikit na ang mukha niya sa mukha ko at ngumise. "Who?"
BINABASA MO ANG
I'm A Motherfckng Woman [TRANSWOMAN X MAN]
RomanceWaking up and realizing that you are trapped in a wrong body living in a wrong society is a scary thing. Araw-araw hindi ka lang nakakulong sa maling katawan, nakakulong ka pa sa kloseta. Nakakasakal ang makulong sa buhay na mali sa iyong paningin n...