This is a work of fiction . The character involve has nothing to do with the story. This story is just for fun made by my imaginations. Credits to the rightful owner of the pictures.
Again this story is a fiction / AU. Hope you like this.
I also thi...
Nagising ako ng maaga sanay na kasi ako. Naalala ko nag inom nga pala kami kagabi. Buti nalang hindi sumakit ulo ko kahit madami akong nainom kagabi. Katabi ko din nga pala ang babaeng pinaka maganda sa buong mundo. I can't imagine na makakatabi ko sya dito sa kama ko. Akala ko dati hindi ko sya kayang lapitan pero eto nako ngayon katabi sya at wala nakong balak pang bitawan sya at palayuin sa tabi ko.
"Ang ganda mo talaga" ani ko habang tinatanggal ang mga maliliit na buhok na tumatakip sa mukha nya.
"Pag naging akin ka di na kita papakawalan pa" then I kiss her in her forehead. I stand up and prepare some food . Alam ko na masakit ulo ni Tanch ngayon kasi mas madami syang nainom kesa sa akin.
I prepare egg, spam and fried rice. Nagtimpla din ako ng black coffee then kumuha ako ng water sa ref at gamot sa drawer kasi for sure masakit ulo nun.
"Uy good morning. Ang aga mo naman nagising Sarah" nagulat naman ako bigla dito kay Tina buti di ko bitbit pa yung pagkain.
"Ah oo sanay nako na maaga gumising eh. Ikaw ang aga mo din ata? May naluto nakong pang breakfast don gisingin mona lang din sila Jema" sagot ko dito at binuksan ang pinto ng aking kwarto and there I see Tanch still sleeping. Kinuha kona ang Tray na may pagkain at nilapag sa may gilid pagkatapos ay unti-unti syang ginising.
"Tanch, Tanch gising ka na muna at kumain ka" pagtapik ko sa kanyang braso
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
a/n:credits Team Tarah for the Picture❤
Unti unti na syang nagmulat. Kinuha kona ang food na nilapag ko muna sa may upuan sa gilid at iniabot sa kanya.
"Good morning" sabi ko at nginitian sya.
"Morning, thank you dito" bati nya pabalik sakin at ngumiti rin.
"Kain kana jan ah" tumayo ako pero pinigilan nya ko
"Kumain kana ba?" Pagtatanong nya sakin. Halata sa mata nito na antok na antok pa.
Eh hehehe dipa. Mamaya nako pagkatapos mo" sagot ko sa kanya at napakamot sa may batok ko.
" sabay kana sakin kuha kana lang ng extra spoon and fork mo" pag aaya nya sakin. Tumango ako sa kanya at kumuha ng kutsara at tinidor ko. Kumuha na din ako ng coffee ko at tubig pagkatapos ay bumalik na sa kwarto then i found out na inaantay nya pa ata ako.
"Bat di kapa nakain?tara na kain na tayo" pag aaya kona sa kanya dahil alam kong gusto pa nito matulog. Nag simula na kami kumain. Share lang naman kami sa plato nya dahil madami daw yun sa kanya masyado.
"Tanch, uwi na tayo after nyo kumain ah. Mag ayos kana. I need to fix something sa office eh Sorry. " pag singit naman ni Deanna sa pagkain namin at tumango naman si Tanch. May kamahalan din kasi ang pamasahe kung mag cocommute si Deanna mag isa kaya inaya nya na ang mga kasama nya sa bahay. Sayang akala kopa naman makakapag cuddle kami ni Tanch charot.
"Ang aga mo magising, hindi kaba nalasing kagabi?" Pagtatanong nya sakin. Grabe baka akalain nya na lasingera ako. Nginuya ko muna yung sinubo ko.
"Nalasing din di naman ako sobrang sanay uminom eh. Sanay lang ako gumising ng maaga" sagot ko sa kanya. Naubos na din namen yung food na hinanda ko at umiinom na kami ng kape.
TANCH'S POV
Naubos na namin ni Sarah yung niluto nya na pagkain namin. Simple lang ng niluto nya pero i feel so special. Sayang lang at uuwi din daw pala kami agad kala ko magtatagal pa kami dito eh sayang naman.
"Antok pa ko" sabi ko tpaos naghikab pa. Bakit kasi uuwi kami kaagad wala din namang gagawain sa apartment kundi matutulog.
"Gusto mo magpa iwan ka muna dito? Sabihin kona lang sa kanila na ihahatid kita." Sarah suggested. Gusto ko naman sana kaso alam kong aasarin nanaman kami ni Deanna kaya hayaan kona lang next time pag kami na charot.
"Hindi okay lang. Ang mahal din kaya ng pamasahe kapag nag solo lang sa byahe mas okay na yun hati-hati kami sa bayad sa cab" sabi ko naman sa kanya.
"Oh sige na nga next time nalang mag prepare kana nag aayos na rin naman sila eh ako na bahala sa pinagkainan natin. May extra toothbrush naman don sa CR nalagay kona" sabi sakin ni Sarah pagkatapos ay nag simula ng ayusin ang pinagkainan namin. Tumayo na rin ako at nagpunta na sa CR para mag ayos ng aking sarili. Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas nako at ako nalang pala ang hinihintay nila.
"Ano madam tapos kana ba ha? " Sarkastikong tanong sakin ni Deanna tapos umirap pa. Siniko naman sya ni Jema.
"Una na kami. May emergency si Deanna sa office eh babye" Tina said then nag beso na kami sa kanilang tatlo.
"Ingat mo sarili mo magiging girlfriend pa kita" bulong sakin ni Sarah nung nag beso na ko sa kanya. Feeling ko ay nag blush ako pero kunyare ay wala syang sinabi sakin. We bid our goodbyes then lumabas na kami sa condo nila para mag antay ng cab. Hindi na din kami nagpahatid dahil alam naming pagod din naman sila.
Third Person View
Nasa cab na sila ng may nag text kay Tanch. Palaisipan sa kanya kung sino ito dahil wala syang maalala na pinagbigyan nya ng number nya at kakaunti lang din naman ang nakakaalam sa number nya.
A/n: please don't mind the timeee. Thankyouu
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Kilala nyo ba kung kaninong number to?" Tanong ko kay Tina at Deanna. Baka kasi kilala nila.
"Ah alam kona Hahahaha nag text na pala sya sayo kala ko hindi kapa itetext eh." Sabi ni Deanna sakin. Epal talaga to kung kani-kanino binibigay number ko.
"Sino nga kasi?" Pamimilit ko sa kanya.
Wag kikiligin si Sarah yan. Hiningi nya kasi number mo sakin kanina nung nasa CR ka" sagot nya sakin may pag taas pa ng kilay nya. Hindi ko naman pinahalata na kinikilig ako. Nireplyan ko na din sya diko napansin kasi na nagtext pala sya ulit. Magkatext kami hanggang sa makauwi kami. Pagkadating sa bahay ay dumeretso muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Hindi na din ako nakareply kay Sarah dahil namatay na ang cellphone ko. Antok na antok padin ako kaya natulog nalang ako. ------------------------------------------------------------------ Hi guys❤ kamusta kayo? Don't forget to vote mga ka Team Tarah and tell me your thoughts about this chapter❤