Chapter 4- Condo

1.1K 75 2
                                        

Nagdecide kami ni Tanch na kami nalang ang bibili ng iinumin namin at sila naman pinaghanda namen ng pupulutanin.

"Okay na siguro to no? Madami na din naman to diba?" Pag papakita sakin ni Tanch ng basket na may laman na mga alak.

"Oo pwede na yan siguro" bulong ko kay Tanch habang nilalapag ang mga kinuha nya sa counter. Pinatong kopa yung baba ko sa balikat nya.

"Lets go, baka nag iintay na yung iba" Inayos ni Tanch ang nga pinamili namin

"Kaya na nila mag intay take your time, get anything I'll pay" i smile at her. Gusto kopa kasi sya makasama ng kami lang dalawa lang tapos sya naman nag mamadali

"No need, okay na yang nabili natin bayaran na natin yan" She seems so shy to me. Crush ba ko nito? Joke

"Sige na ,take anything my treat" pagpipilit ko sa kanya

"I'm fine, thankyou" binaba lang ni Tanch ang ulo nya at nilaro ang daliri nya.

"Wait lang" pagpapaalam ki sa kanya at naglakad ako sa chocolate aisle at kumuha ng 5 magkakaibang chocolate. Nag bayad na ako sa counter at nag lakad na kami pabalik sa condo. We're walking on a awkward silence and Tanch broke it

"Hey, uhm mga ilang taon na kayo magkakasama nila Roanne and Jema?" Tanch ask, while her eyes still on road.

"Since Highschool pa lang kami " sagot ko and look at her with my lips smiling.

"Oh that's long, haha" Tanch giggles.

"Hmm, oo kaya hindi na din kami hirap kahit malayo kami sa mga pamilya namen" sabi ko at kinuha ang chocolate na nasa bag ng pinamili namin.

"Tanch, kuha ka " i hand her the 5 different chocolate at hinayaan syang pumili kung alin ang gusto nya

"Thanks" then she open the chocolate and ate it.

THIRD PERSON VIEW

Nakarating na sila sa condo na tinitirahan nila Sarah. Pinagpatuloy nila ang kanilang pag iinuman, patuloy rin naman ang kanilang kwentuhan.

"Babe dito na kayo matulog nila Tanch magkakaiba naman kami ng room eh kesa uuwi pa kayo delikado na din" pag aalok ni Jema kila Deanna. Matagal na rin silang nag iinuman kaya mga lasing na talaga ang mga ito.

"Okay lang ba na dito ka matulog" pagtanong naman ni Sarah kay Tanch. Nawala na din ang awkwardness sa kanilang dalawa dulot na din ng pagkakalasing nito.

"Yeah, okay lang naman kung dito rin matutulog yung dalawa" sagot naman ni Tanch sabay shot.

"Sige dito na tayo wala naman pasok bukas eh. Last kona to tapos tutulog nako, kayo ba guys?" Tina asked after she yawn.

"I want to drink more, how about you?" Sarah asked Tanch as she drink her shot.

"I'll stay and drink muna with Sarah. Una na kayo magpahinga guys. We can handle ourselves." Tanch replied to them.

As the couples finished their drinks, magpaalam na sila kina Tanch at Sarah.

"Sar, una na kami ah. Tanch sa kwarto kana lang ni Sarah matulog matatanda na kayo kaya nyo na mga sarili nyo HAHAHAHA" lasing na sabi ni Roanne sa kanilang dalawa.

"Oo na pahinga kana ingay mo naman eh" inis na sagot ni Sarah sa kanya. Pumasok na nga ang mga ito sa kani-kanilang mga kwarto.

TANCH'S POV

Kami nalang ni Sarah ang natira dito. Gusto ko kasi makipag kwentuhan pa sa kanya and I think this is the right time para makapag usap kami ng kami lang dalawa since lasing na talaga sya at halata kona sa mukha nya ito habang ako kaya ko pa makainom ng mga 3 bote pang beer. Hindi pa din ako dinadalaw ng antok eh.

"May boyfriend ka? " prangkang pagtatanong sakin ni Sarah.

"Wala, eh ikaw? " pag babalik ko ng tanong sa kanya.

"Wala din hahahaha, cheers" sagot nito sa akin. Lasing na talaga siya may pa cheers pang nalalaman eh.

"Baka naman girlfriend ang meron ka?" Pagtatanong kopa rin sa kanya malay nyo meron nga diba tapos ako asa ng asa diba.

"Wala pa, pero kung papayag ka edi magkakaroon na " ngumiti pa sya pagkasabi nya.

"Oh wag ka kikiligin ah pero totoo yun since unang labas palang natin gusto na kita makausap" habol nya pa sa sinabi nya. Natahimik naman ako kasi hindi ko alam kung totoo ba yung mga sinasabi nya o binibiro nya lang ako. Napalagok naman ako sa iniinom ko habang iniisip ang sinasabi nya.

SARAH'S POV

Nabigla ata si Tanch sa sinabi ko, pero seryoso naman ako sa kanya kahit ligawan ko pa sya willing naman ako basta mapa sakin sya.

"Seryoso kaba? Di ka nag jojoke?" Pagtatanong ni Tanch sakin. Kinakabahan siguro to ang bilis mag salita eh.

"Yeah, kung papayag kalang naman. Don't worry liligawan naman kita" i winked at her after i said that.

"Ikaw bahala" kibit balikat nitong pagsagot sakin.

"Pahinga na tayo. Bukas ulit tayo mag inom" i told her then she nod and finished her drinks. I also finished my drinks. Naglinis nadin kami ng pinag inuman namin pati mga bote na nainom namin.

------------------------------------------------------------------
Hello guys. Pambawing update since hindi ako nakapag update kahapon hehehe❤ Don't forget to Vote and Comment guys🖤

ALWAYS YOU (TEAM TARAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon