Chapter 12

1K 73 4
                                    

Naglalakad ako palabas ng ospital, para lumabas at mag pahangin habang nakatungo at dahan dahang humahakbang at naka tingin lang sa mga paa kong lumalakad, i still don't know kung ano bang gagawain ko. Gusto kong uminom para makalimot, or matulog basta hindi ko alam sobrang magulo pa din para sakin and i don't know what to react - someone blocked my way so tumigil ako pero hindi rin sya gumalaw, unti unti ko namang iniangat ang ulo ko to see who is this human infront of me.

"Ah love, pwede ba tayo mag usap? " tanong nya sakin na sobrang hina muntik kona ngang hindi marinig  at tumungo rin pagkatanong nya.

"Tara na, inaantay na tayo ng anak natin. Sino ba yang kausap mo?" Tawag sa kanya ng isang lalaki na lumagpas na sa akin.

"Mauna kana don Dan, susunod ako " sagot ni Tanch sa kanya.

" Nandun sila Tina, puntahan mo muna mamaya nalang tayo mag usap. Kumain ka na muna don, saka na tayo mag usap" sabi ko sa kanya at iniwanan na sya sa kinatatayuan nya at nag lakad paalis.

TANCH POV
I am really trying my  best to balance everything, ni hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para maipakilala si Davi kay Sarah tapos ngayong nakita sya ni Sarah at nalaman nya pa about kay Davi eh kung kelan hindi kopa ma explain ng maayos sa kanya. Aaminin ko, may pagkakamali ako na hindi ko agad sinabi sa kanya. Napakaraming pag kakataon para sabihin ko sa kanya ang tungkol sa anak ko pero pinangungunahan ako ng takot palagi.

"Let's go na ang tagal mo jan iniwanan kana nung kinausap mo" sabi ni Dan at naglakad para hilahin ako. I am so tired sa nangyayare. Tinry ko lingunin si Sarah pero nakatungo padin sya at nag lalakad.

"Bitawan mo nga ako" sabi ko at hinila ang kamay ko tapos binilisan ang pag lalakad. I have no idea bakit nandito tong gago na to.

Kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto kung nasaan si Davi, at nakita ko rin ang mga kaibigan namin ni Sarah, tumayo sila para mag beso sakin.

Sorry medyo nalate kami Tanch ah, we prepare food para sa inyo eh" sabi ni Jema and handed me a tub with food, sakto naman na kumakain na din sila mommy.

"Nasa labas padin si -" naputol ang pagsasalita ni Roanne ng bigla nagbukas ang pinto at pumasok ang pinaka kinaiinisan kong tao.

"Hi daddy, how did you know that i am here?" Tanong sa kanya ng anak ko. Alam kong namimiss rin naman ni Davi ang tatay nya pero kung etong gagong to lang din naman, mas okay pa na wala syang tatay.

"Pano nya nalaman na nandito kayo? Akala koba pinutol mona connection mo sa lalaking yan?!" Galit na tanong ni Deanna sakin, she know kung paano ako niloko ng tatay ng anak ko kaya galit yan. She immidiately stand up at pupuntahan nya sana si Dan pero pinigilan ko sya.

"Hayaan mona lang muna Deanns para kay Davi" sabi ko sa kanya buti nalang nakinig sya sakin at umupo ulit. Nag phone nalang sya at makikita mo ang galit sa mukha nya.

" nasa labas ng room si Sarah, nagkita ba kayo? Alam na nya?" Sabi sakin ni Tina. Tumango lang ako at napayuko, matagal na nya akong sinasabihan na sabihin kona kay Sarah noon pa pero palagi akong pinangungunahan ng takot.

"Oo pero ayaw nya pa ako kausapin eh. Paalis nga sya eh palabas ata ng hospital, hinila kasi ako ni Dan mag uusap sana kami" sagot ko sa kanila.

Biglang tumayo si Roanne "Shit, si Sarah Tanch saan ulit sya papunta?" Tanong nya sakin pati si Jema ay biglang napatayo.

"Palabas yata, bakit?" Tanong ko ng medyo naguguluhan kasi mejo nagpapanic yung dalawa.

" baka kasi mapano yun, umiinom pa naman yun mag isa wait hahanapin ko muna " sabi ni Roanne at nag simula ng tawagan si Sarah at lumabas ng room kasama si Deanna, good thing sumama si Deanna baka magkasuntukan dito sa room at makita pa ni Davi.

"Yun nga isa kong pinoproblema,hindi pa kami nag kakausap ni Sarah. Kakausapin kona dapat sya pero umalis na sya saka na daw kami mag usap" sabi ko sa kanila at naupo sa tabi nila. Nagutom ako nung binuksan ko yung food na dala nila, mejo mainit init padin naman and i start eating.

"Mommy, i will sleep na po goodnight"  sabi bigla ni Davi, tumayo ako and i kissed him at hinayaan na muna sya matulog.

"Kamusta pala Tagaytay trip nyo? Masaya ba?" Tanong sakin  ni Tina and Jema. I nod and smile

"Kami na, before mommy called na nandito sila sa Manila because of Davi naging kami ni Sarah. She is the sweetest talaga" sabi ko habang kinikilig.

Nag kukwentuhan kami ng mga nangyare samin sa Tagaytay ni Sarah when Jema excused para sagutin yung tawag sa kanya.

"Alam na ni Tita yung about sa inyo?"  Tanong ni Tina sakin at napatingin ako kay mommy na natutulog sa may tabi ni Davi.

"Yes buti nga naintindihan nya ako eh, pero hindi pa alam ni Sarah na alam na ng family ko, except kay Davi hindi ko muna sinabi baka kasi -" naputol ang sasabihin ko kasi bigla kaming tinawag ni Jema.

"Ah eh Tanch si ano , si Sarah daw nakainom na tapos umiiyak nanaman nasa may parking lot daw sila gusto kana daw makausap eh" sabi sakin ni Jema napatayo ako at hindi alam ang gagawin, walang maiiwan dito kay Davi kung pupuntahan ko si Sarah.

"Walang maiiwan di-"

"Sige na ako bahala dito, mag usap kayo okay? Ayusin nyo yan as much as possible ha. Kami ni Jema bahala dito pati sa lalaking to"

Pagkarinig ko ay nagmamadali akong lumabas at tumakbo para puntahan si Sarah. Naririnig ko pang tinatawag ako ni Dan buti nalang napigilan sya nung dalawa.

------------------------------------------------------------------

Vote❤

ALWAYS YOU (TEAM TARAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon