Chapter 5

148 12 0
                                    


Leus' POV

Nagising ako dahil sa ingay ng putek na alarm na clock nato. I checked my phone and it's already 9:00 in the morning. Aside from checking the time, I also noticed my inbox na punung-puno ng mga messages from girls. I don't even know kung saan nila nakukuha yung number ko. Iba talaga pag babae, parang NBI kung maka stalk, yung tipong alam lahat. Tsk. Tumayo ako at pumunta sa cr upang magshower.

As the water runs from my head down to my feet, bigla kung naalala yung lalaking naka-encounter ko sa isang restaurant. Lalaki ba yun or bakla? Parang bakla yata, kung makapag-lakad eh daig pa ate ko. Tas muntik ko pa yun nasagasaan which I admit that it was my fault. Pasensya, nagmamadali lang po eh kasi tinawagan ako ni dad na magpunta sa hotel dahil may VIP na magche check-in sa hotel namin and dad wanted me to welcome the guest personally because he can't be able to make it that's why he chose me to be his representative in behalf of our company. I don't know why, pero I think para na naman yun sa business namin which wala akong pakialam. Ano ba kinalaman ko sa business ng dad ko at ng guest na yun. But before ko pa nameet yung guest is nakita ko na naman yung bakla na na-encounter ko at muntik kung masagsaan. Ang cool pala tignan nung bakla na yun, parang model yung hitsura at postura pero mas gwapo pa din ako kaya don't me.

I am so lost with my thoughts that I didn't even notice somebody is already calling me.Lumabas ako sa shower at kinuha ko yung phone ko sa may sink at sinagot ito.

"Leus, where are you?" tanong ni mom sakin

"CR, currently taking a shower"

"Proceed here in my office as soon as possible"

"Why? Para san na naman? Another complain?"

"Pag-uusapan natin yung pagpasok mo sa college"

"Mom, I thought we are already done with this matter. I told you already that I will not continue my college in our school. Dad is already fine with it."

"Later Leus." sabay end ni mom sa call.

Sht. How many times do I have to tell them that I want to transfer to another school and continue my studies there. Simula nung nag-aral ako, sa MSB na ako pumapasok, from Pre-school to Elementary to High School. Pati ba naman sa College? Fck. Ate Zin graduated there. Kuya Rhy and Roj are studying there pati ba naman ako dun din ang bagsak ko? No, it won't happen. It will never going to happen.

Bago pa ako sumabog dito, pumasok ulit ako sa shower at itinuloy ang pagligo. Agang-aga, nakakabad-trip.

Pagkatapos kung maligo, lumabas ako sa cr at nagsimulang magbihis. Just a simple plain tee shirt and shorts yung isinuot ko. I put my sneakers on at kinuha ko na din yung phone, sun glass at susi ng sasakyan at bumaba na ako to fill up my tummy.

Pagdating ko sa baba, nakita ko sa lamesa sina Kuya Rhy and Kuya Roj.

"Oh tol, 'lika na. Sabay na tayo" aya sakin ni Kuya Roj

"Agang-aga nakasimangot yang mukha mo?" tanong ni Kuya Rhy sa akin

Hindi ko sila pinansin. Umupo nalang ako ako at nagsimulang kumain.

"Hangin ata yung tinatanong mo Rhy" biro ni Kuya Roj kay Kuya Rhy

"Hangin nga. Lutang na lutang eh" sagot naman ni Kuya Rhy

"Mom doesn't want me to transfer to another school"

"Sabi ko nga ba eh" sabi ni Kuya Roj sabay subo sa hotdog

" Ba't ba kasi gusto mong mag transfer? Meron naman tayong school, libre naman lahat dun ah? Tsaka, parang unfair naman samin, dun kami lahat tapos ikaw gusto mo sa iba" sabi ni Kuya Rhy sabay lapag nung tasa sa mesa.

Some Type Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon