Chapter 4

242 12 6
                                    


Lorde's POV

So nandito na ako sa airport, waiting for kuya to come out. The airplane has just landed few minutes ago and I'm pretty sure lalabas na din yun in no time.

I checked my phone, yeah it's already 8:30 saktong-sakto to have dinner. Gutom na din ako, pagkagising ko kanina, I took a shower and sakto din na dumating sina mom and dad at ang daming pinamili. Para daw sa mga kaanak namin dahil nga pupunta kami sa probinsya maybe the day after tomorrow or maybe next week or kung kailan kami ready. I asked them if sasama ba sila sakin to get kuya but then they refused kasi pagod na daw sila. Tingnan mo nga naman. Tapos sabi pa nila, tapos na rin daw silang magdinner, hindi man lang ako binilhan. Kasi baka daw di ko gusto yung pagkain. Tsktsk

A group of people started to come out then I eventually saw a familiar face. Yeah, kuya is here and he looks awesome. So cool. San paba nagmana? Edi sakin, of course.

"Bunso" tawag niya sa akin sabay hug

"Alam mo kuya, para kang temang. Eh kung sumabay ka nalang kaya samin kanina."

"Grabeh naman to, kararating ko lang, yan agad tumambad sakin. Eh malay ko ba, kanina lang nag sink-in sa utak ng pinalit ko na manager ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya. Ang slow, ang tagal matuto."

"Slow pala eh bakit yun pinili mo?"

"Eh, sino ba yung atat na atat na pauuwiin na ako dito sa Pilipinas?

"Sino ba yung gustong mag move-on? Sige nga?"

At biglang nanahimik si kuya. HAHAHAHAHAHAHA he hugged me back then suddenly he burst out of tears.

"Bunsoooo huhuhuhuhu"

"Iww kuya. Alam mo gutom lang yan. Tara na nga". Sabi ko sa kanya sabay dampot nung luggage niya.

Pumara na ako ng taxi papunta sa restaurant. Pag dating namin dun, ako na ang nag-order habang si kuya nasa table lang, nakatulala. Kawawa naman tong si Braden.

"So ano na?" tanong ko sa kanya?

"Anong ano?" sagot niya

"Bakit kayo naghiwalay ng Ashleigh na yun? Ilang months na nga kayo?

"3"

"3 months?" ulit ko

"3 weeks" sagot niya

"WHAT?!" talagang napasigaw ako sa narinig ko. HOOY JUSKO NAMAN BRADEN CALUM GALLEGO AMBROSIO. ILANG BARETA NG SABON ANG NILUNOK MO AT NAISIPAN MONG JUWAIN YUNG HIPON NA YUN?!

"Oa naman nito. Eh kasi nga, nakita kung may kasamang ibang lalaki"

"Oh tingnan mo, 3 weeks pa nga lang kayo, may ibang lalaki na eh pano nalang kung naging months na, baka paggising mo ikinasal na yung girlfriend mong hipon ng di mo alam"

"Kasalanan ko bang ma inlove sa isang hilaw?"

"Hindi"

"Oh hindi naman pala eh"

"Hindi nga. Pero mali ang ma-inlove ka kaagad sa taong hindi mo alam na mahal ka din ba. Right?"

Bigla nalang sumulpot yung waiter dala-dala yung orders namin. Umalis ka ngayon din kuya upang di kita saksakin ng tinidor kang pashnea ka. Panira ka ng moment!

"Oo, ako na yung mali" sabi niya sabay kuha nung tinidor

"Don't worry, pagbalik natin sa Australia, gigisahin ko yung hipon na yun" sabi ko sa kanya habang kumakain

"Wag na bunso. Hayaan mo na yun. May mga bagay talaga na kailangang hindi natin minamadali. Kagaya ko, nagmamadali akong makahanap ng jowa, in the end ako lang din yung nasaktan."

"Buti alam mo"

"Kaya ikaw, sabihin mo sakin pag may nangligaw sayo. Kailangan niya muna akong talunin sa arm wrestling bago mo sya sasagutin"

"Walang makikipag arm-wrestling sayo"

"Bakit naman?"

"Takot sila sa mukha mo"

"Kaya naman wala kapang boyfriend eh. Takot din sila sa mukha mo. Wag ka ngang ano jan, magkapatid tayo. Ubusin na natin to, ang sarap ng matulog."

Pagkatapos naming kumain, nag-cr muna si kuya habang naghihintay ako sa kanya dito sa labas. Ang lamig beh, nakalimutan kung magdala ng jacket. 9:30 na din pala. Nagtext na din sakin si mom na umuwi na daw kami kasi excited na daw siyang makita si kuya. Like duuh, para namang hindi nagkita kanina before pumunta dito sa Pilipinas.

Suddenly someone just went outside the door and he caught my attention. A tall, dark and handsome guy just passed in front of me. Bigla siyang napahinto after he noticed his shoelace loosened up. Yumuko ito to tie it up then afterwards tumayo na sya then he continue walking. Then I noticed that something was left behind. I saw his wallet na naiwan sa ground that's why dali-dali kung kinuha yung wallet at tinawag ko agad siya.

"Uhm excuse me Mr.!" tawag ko sa kanya. He stopped then he turned around catching my full attention.

"I think this is yours." sabi ko sa kanya sabay bigay sa kanya nung wallet. "It went out of your back pocket while you were lacing" dagdag ko

"Oh God! Thank you so much!" sabi niya sakin. Binuksan niya ang kaniyang wallet ang binunlot ang 1,000 peso bill. "Take this please as my thanksgiving"

"It's not necessary anymore. Your acknowledgement is already enough for me." sabi ko sa kanya with all smiles. Dapat lang, ang gwapo kasi ni kuya eh. Mwihi

"Thank you once again Mr.?" sabi niya sakin na halatang tinatanong pangalan ko

"Lorde Ambrosio" sabi ko sabay shakehands "And you are?" tanong ko naman sa kanya

" Kaileb Roa." sabi niya sakin tapos nag smile lang ako sa kanya.

"Bunso!" tawag ni kuya sakin habang naglalakad siya papalapit sa amin

"I have to go Lorde, it was a pleasure meeting you. See you somewhere" paalam ni Kaileb sakin. Nakaalis na si Kaileb before pa dumating si kuya.

"Sino yun? Boyfriend mo?"

"Ulol. Pareho talaga kayo ni mama" sabi ko sa kanya sabay walkout. Nakakainis talaga tong pamilya namin. 'Pag may nakameet lang ako na lalaki, tatanungin ako kaagad kong boyfriend ko ba. Lol. Magsama kayo.

So kumuha na ako ng taxi habang si kuya naiwan dun naka nganga. Sumunod naman siya kaagad sa akin before ko pa siya iwanan. Kakabadtrip. Grabe tong araw na to. Ilang oras ko palang sa Pilipinas, intense na kaagad yung mga moments. Paano na kaya if magtatagal pa ako dito, sasabog na siguro ako nun. Lol

Some Type Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon