Chapter 9

87 12 4
                                    

Leus' POV

Ang tanga. Sobrang tanga ko! What the Fuck! Yeah, I admit I was shocked sa ginawa ni Lorde na hindi ko akalain na gagawin niya pala yun and saved me from the devils. I mean, yeah nagmakaawa ako sa kanya but not like other people na kahit anong pagmamakaawa ang gagawin mo, hindi talaga tatalab and to think na bago ko lang nakilala si Lorde.

I super hate those girls kasi they're like the gossiping machines sa school namin. Taga-gawa ng maling balita at ipinagkakalat pa sa school. Like recently na hinalikan ko daw si Leighluh. Take note ako pa mismo yung humalik like forcedly. First week ng unang pumutok nung balita na yun I felt ashamed kasi wala akong nagawa to defend myself because yung dalawa niyang kasama are the one who also took pictures when I allegedly kissed Leighluh. Buti nalang may cctv sa sulok ng building nayun at nakita na si Leighluh talaga unang humalik sakin. Then surprise surprise! They got suspended for like I don't know basta medyo matagal-tagal na din yun and then pagbalik nila, I told mom to expel them directly nalang kesa naman sa magcause na naman ng trouble kaya ayun hanggang ngayon aligid pa rin ng aligid sakin and I smell revenge from them after nung pag expel ko sa kanila from the school.

Ang yeah I forgot to remind you na si Leighluh pala yung kinaladkad ni Lorde palabas kanina and yung kasama niya mga babae were the same girls na kumuha rin ng pictures before. I never thought na ganun ang mangyayari kaya hanggang ngayon, shocked pa rin ako sa nangyari.

And now that Lorde left. What shall I do? I did not even got the chance to give thanks and apologize him on the other hand. Kaya tumayo ako at iniwanan ko ang 1thousand peso bill sa mesa at dali-daling hinabol si Lorde. Paglabas ko, wala na sya kaya naglakad nalang ako patungo sa kung saan pwede maka-hanap ng taxi. While walking, I immediately noticed the jacket na suot-suot ng isang lalaki. Yeah it's Lorde and parang may kasama siya. Bakit nakaakbay?

Pinuntahan ko agad si Lorde but instead I heared him sobbing.

"Hey Lorde , wh-whats wrong?" tanong ko sa kanya ng biglang inilabas nung mama ang baril na dala-dala niya at itinutok ito sa akin.

"Woah wait. Slowly. Pag-usapan natin to" sabi ko sa hold-upper.

"Akin na pera mo! kundi..." sabay pwesto nung baril sa ulo ni Lorde which made him cry even more. Shit. He's in deep trouble right now at hindi ko kayang nakikita na nasasaktan siya.

"Magkano ba kailangan mo?" tanong ko sa mama.

"Lahat!" pasigaw niyang sabi sa akin.

Dinampot ko yung wallet mula sa back pocket ko at unti-unting ibinigay sa hold-upper. Nang mahawakan na nung hold-upper, I suddenly twist his hand, then immediately punch him in the stomach and in the face hanggang sa nabitawan niya yung baril.

"Lorde, run!" tumakbo si Lorde papalayo at sinundan ko ng tingin nang biglang may sumuntok sa mukha ko. Then suddenly my nose starts to bleed. I threw some punches over him but he's able to manage at hindi gaano ito tumama sa kanya, nanglaban siya at nasuntok ako sa gilid at sa may tiyan ko. After those punches, bigla akong nahilo at napa-upo sa ground.

Kinuha niya yung baril sa may di-kalayuan at nang nakuha niya, agad niya itong itinutok sa akin.

"Alam mo bata, wag ka kasing sumasawsaw sa mga bagay na hindi ka naman kasali. Ayan tuloy, kailangan mo ng magpaalam sa mundong ito" nang sinabi niya yung mga salitang yon, I can really feel my heart pumping out of my chest. Kung ito na talaga ang oras ko, oh sige ready na ako. Take my life.

"Magpaalam kana" sabi niya sakin. Magsasalita na sana ako kaso may biglang sumingit. Bwesit, panira ng moment.

"Goodbye!" sabay labas ng isang malakas na suntok na mistulang parang isang spike ni Alyssa Valdez.

Hanggang sa nakita ko nalang na nakabulagta na yung hold-upper. Ibinalik ko yung tingin ko sa sumuntok and I saw Lorde shaking his left hand off. Tangina bro.

" Sorry medyo na-late ako. Tumawag pa kasi ako ng resbak." sabi niya sakin then he stretches his right hand obviously offering a help.

I pick up my wallet then I reached his hand para makatayo na ako. Ramdam yung sakit na galing sa suntok nung lalaki sa mukha ko kanina, bigla akong nahilo kaya medyo na outbalance ako. Shit. Tanggal pogi points na to.

Bigla uling bumuhos ang malakas na ulan na sakto namang pagdating ng mga pulis. Hinuli yung hold-upper at isinakay sa kotse. The police offered us a ride but Lorde refused. Instead, he grabbed my right arm at inilagay ito sa batok niya for assistance.

"Thank you" sabi niya sa akin

"No, thank you" sabi ko naman sa kanya. "Actually I'm scared right now."

"Loko to. Bakit naman?" tanong niya sakin habang naglalakad kami papunta sa may babaan ng taxi na malapit sa isang mall.

"Eh sinong hindi matatakot, isang suntok mo lang knockout na yung hold-upper" bigla siyang napatawa.

"Sinong di magagalit, hindi na nga ako nakakain, hoholdapin pa ako. Tsaka muntik kanang patayin nung mokong na yun. Beastmode si ako eh kaya ayun, lahat ng galit at gutom ko inilabas ko nalang sa isang suntok" sabi niya habang naghahanap ng taxi.

I just stared at his eyes. Damn those are so beautiful na para bang kumikinang na parang bituin. I immediately feel my heart racing back and forth. Everytime na tinitigan ko siya or if may mga sitwasyon kagaya nito, I can't really deny the fact na bumibilis ang tibok ng puso. And it is really strange kasi ngayon ko lang naramdaman ulit after nung naging baliw ako sa isang babae dati. She was really my crush, my world actually and magco-confess na sana ako. And it took me like weeks to compose myself to have this confession but then nung araw na sasabihin ko sana yung naramdaman ko sa kanya, bigla nalang siyang naglaho sa school at hindi na bumalik. Then lately I found out na nag migrate na pala sila sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya. Even though medyo siga ako sa school namin, when it comes to such things kagaya nito, nagiging torpe talaga ako. Kaya ayun, I was so broken. It took me a lot of time to heal. Lahat kasi ng minamahal ko, iniiwan ako. My parents, even my siblings, though hindi nila ako iniwan, wala naman silang time sakin kaya parang wala na rin sila sa tabi ko everytime may problema ako.

And itong nararamdaman ko kay Lorde, I don't know. Takot ako. Takot na akong magmahal ulit. Baka kasi mawala siya at iiwan ako kagaya nung dati. Kaya for now, I will just keep it for myself.

Some Type Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon