Dahil walang marunong mag make up sa bahay ay napagpasyahan kong sa kanila Fiona na lang mag ayos at magbihis. Pwede naman na magpatawag ng make up artist kaya lang minsan diko nagugustuhan ang kung panu nila ako ayusan. Madalas, pinapamukha nila akong matured which is salungat sa gusto ko. I want to look young and malafairy ang dating. Sinasabi ko naman sa kanila yun pero laging sinasabi na mas bagay sakin yung ganung ayos.
Sabay kaming pupunta ni Fiona sa venue. Susunduin kami ni Dale di makakasama si Arvin since busy daw umano ito sa pag entertain ng mga maagang dumating na bisita.
" Woahhh you're so pretty Louise!" Di makapaniwalang sabi ni Fiona after nya akong ayusan.
Gaya ng gusto ko. Light lang ang make up. I'm wearing plain white off shoulder long gown pair with Princess style necklace. Ang buhok ko naman ay nakakulot at nakabraid ang magkabilang gilid. Feeling ko tuloy para akong ikakasal kung wala lang maskara na susuotin. While Fiona is now wearing her black mermaid style gown with matching pearl necklace on her neck. Nakataas naman ang buong buhok nya na mas lalong nakapagdepina ng kurba ng kanyang katawan. She looks so pretty and sexy!
" Wag ka na lang kaya magmaskara" Sabi ni Fiona na parang ngayon nya lang napagtanto kung gaano ako kaganda. Well, di ko naman sya masisi. Like I said, lagi kasing natatakpan ng buhok ko ang mukha ko.
" Sayang kasi para makita nila kung gaano ka kaganda! For sure...pipila ang manliligaw mo after this party" dagdag nya sabay kindat.
Nagbblush tuloy ako sa papuri nya. Sanay naman akong pinupuri lagi pero papuri iyun galing sa mga tauhan namin sa farm kaya di ko masyado pinapansin since feeling ko binobola lang nila ako.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin. I admit it. I look pretty and innocently sexy.
Nakaramdam tuloy ako ng panghinayang ng naalala kong di nga pala makakaattend si Zadrick sa party na yun. He's invited ofcourse pero nasa Davao kasi sya ngayon at may inasikasong bagay regarding sa business. Di ko sya crush pero bakit parang gusto ko sya ang unang makakita sa akin ngayon? Gusto ko makita ang expression nyang namamangha sa akin. Damn it!...ano ba tong iniisip mo Louise!
" Ang driver na lang namin ang maghahatid sa atin ngayon" sabi ni Fiona habang nagtitipa ng kung ano sa cellphone.
" Why? Di pwede si Dale?" tanung ko naman.
" No...para surprise...pag sya sumundo dito..makikita ka agad...mawawala agad ang excitement" sabi nya. Andami talagang naiisip ng babaeng to. Pero totoo nga naman, sa loob loob ko.
Medyo nalate kami ng kunti ni Fiona sa party. Panu ba naman sabi nya mas okay daw pag nagpalate ng kunti para medyo special. We are already wearing our sparkling mask. Mine is silver while kay Fiona is tinerno nya sa suot nyang color black na tulad ng akin ay puno din ng glitters.
Maraming nagsilingunang ulo pagpasok namin sa venue. As if we're like a bridesmaid na naglalakad patungo sa altar. Mahiyain ako but I feel confident dahil sa mask namin na suot ngayon. Some of them are amazed and some of them are curious at gustong malaman if sino ang nasa likod ng mask.
" Hi" bati ko dun sa isang nakamask na guy na sumalubong samin ni Fiona. Actually sya ang unang nagkalakas ng loob na batiin kami ni Fiona. After kasi nya ay mas dumami ang nakihalubilo samin. I just smile to them or just said a simple Hi. Nakita ko namang some of them are interested na kausapin pa ako pero maybe kahit nakamask ay I still look intimadating kaya umaalis na din sila agad after akong batiin. Si Fiona naman ay walang humpay ang sulyap sakin kahit may mga kausap sya na iba pang bisita. Talagang pinanindigan ang sinabi nya na hindi nya ako pababayaan sa party. She's quite famous at responsive kaya andami nyang kausap at ang iba dun feeling ko ay kilala na sya even she's wearing her mask.
YOU ARE READING
WHERE THE STARS AND MOON MET
Romance" Don't ever think that you can run away from me Juvy. Remember, I am the star and you as the Moon will never be able to escape from me" - Zadrick Different color of lights....High rise building....iba't ibang busina ng mga sasakyan... Bar....Disco...