Dahil sa haba ng byahe ay nagstop over muna kami ni Zadrick sa isang fastfood na nadaanan namin to have our breakfast. Pagkapasok namin ay humanap muna sya ng bakanteng upuan at dun ako pinaupo. Tinanung nya lang kung ano ang gusto kong kainin at agad syang pumunta sa counter para mag order.
" Nasaan na daw sila?" I asked ng parehas na kaming magsimula kumain.It's akward but somehow I feel safe when I'm with him.
" They're already in the resort" Tipid nyang sagot.
"Take your time, no need to rush" dagdag nya ng napansin nya sigurong medyo binilisan ko ang pagkain.
"Uhh okay" tipid ko ding sagot pero pilit ko pa din binilisan ang pagkain mas lalo na ng nakita kong tapos na syang kumain.
" Transfer ko na lang sayo yung bayad ko, di pala ko nakapagwithdraw...wala kong cash" nahihiya kong sabi.
" Don't bother with it, if you really want to pay, why don't you pay it with a meal too next time? "He answered.
Meal? What did he mean by that?
"Sige" I said. Sa isip ko is magtatake out na lang ako ng foods then bigay ko sa kanya next time right? Di naman siguro need na lumabas kami ulit at tsaka nakakahiya!
Bumalik na kami agad sa sasakyan after namin kumain at dumeretso na sa resort. Medyo tanghali na ng nakarating kami ng Batangas. At syempre, dahil first time naming gumala ni Fiona ng magkasama ay excited naming inikot ang lugar. It's pretty, hindi man ganun kaperfect ang buhangin at di mo rin matatawag na crystal clear ang dagat tulad ng sa isla namin....masasabi kong the resort is still so pretty dahil sa ganda ng disenyo ng mga structures. They have the infinity pool na syang highlight ng resort.
" 1 2 3..." sabi ko habang kinukunan ng picture si Fiona. Salitan kami lagi sa pagkuha ng picture kaya after ko sya picturan ay automatic na kinuha nya yung camera para ako naman ang picturan.Excited akong pumunta dun sa pwesto ni Fiona kanina to have my picture too but I saw Zadrick from afar na nakatingin samin. I suddenly feel conscious mas lalo na nung lumapit sya.
" Magpose ka na" Sabi ni Fiona. Nagpose naman ako kahit na feeling ko sobrang akward ng smile ko sa picture.
" Let's eat first" Zadrick said ng nakalapit na sya samin.
" Kuya, kunan mo kami ng picture ni Louise!" excited na sabi ni Fiona na binalewala ang sinabi ni Zadrick na kumain na muna.
I looked at Zadrick to see his reaction if he's annoyed but to my surprise....he's not but ofcourse the seriousness on his face is still there.
"Wag na Fiona" mahinhin kong sabi. Nakakahiya magpose mas lalo na sya ang magpipicture! But Fiona seems so desperate and pumuwesto na sya tabi ko at nagreready for picture. I saw Zadrick na nireready nya na din ang camera para kunan kami ng litrato.
" 1 2 3..." sabi nya pa. I pose a peace sign and next is a heart sign na sya ring pose ni Fiona. Ano pa nga ba ang magiging pose ng mg KDrama addict?
YOU ARE READING
WHERE THE STARS AND MOON MET
Romance" Don't ever think that you can run away from me Juvy. Remember, I am the star and you as the Moon will never be able to escape from me" - Zadrick Different color of lights....High rise building....iba't ibang busina ng mga sasakyan... Bar....Disco...