" Louiseeee masayang tawag sabay yakap sa akin ng kaibigan kong si Anne.
Kahit na sa iisang school lang kami ni Anne ay sobrang bihira pa din kaming magkita sa kadahilanang sobrang di magkatugma ang schedule namin at parehas din kaming busy sa kanya kanyang org.
Ako sa Journalism samantalang sya ay sa kanyang dance troupe naman.
Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga kubo sa school namin. Wala pang ibang studyante ang nakaupo dun kaya sobrang malaya kami sa kung ano man ang sasabihin namin.
" Ay alam mo ba...." sabi nya. Ayan na naman sya pambibitin nya. Napakahilig nya talagang mambitin.
" Ano?" sa naiinis na tuno pero syemre alam nya naman na di ako totoong naiinis.
" Nakasalubong ko ang mga Zardeja kanina!" kinikilig nyang sabi.
" My God....they are all damn hot and handsome!" dagdag nya pa na di pa din mawala wala ang ngiti.
" Kung kiligin ka para kang walang boyfriend ah tss....sumbong kita dyan eh" sabi ko
" Okay lang....eh kung ang kapalit naman ay ang mga Zardeja eh" kinikilig nya pa ding sabi. Inirapan ko sya
" Balita ko nakakasabay nyo minsan yun maglunch ah. Baka naman pwede moko isabay minsan" sabi nyang nakangiti sabay kindat
" Sinasabayan naman kita maglunch minsan ah" mapanuya kong sabi sa kanya.
Ngumiwi sya.
" Sinasabay mo nga ako kung saan naman di mo kasabay ang mga Zardeja" simangot nyang sabi.
Tumawa na lang ako. Di naman sa pinagdadamot ko ang Zardeja sa kanya, but My God..knowing her? Kung gaano sya kapusok?
At dahil, may event ngayon at parehas kaming may free time ni Anne ay naisipan namin na mamasyal muna sa mall at makapagbonding na din.
Actually, may basketball games ulit ngayon sa school kung saan kasama sa players ang mga Zardeja. That's why Fiona is not here at napilitang manood to support her cousins. Sinulit namin ni Anne ang paggagala sa mall. Triny namin ang iba't ibang games sa Quantum pati videoke ay pinaltos na din namin.
Triny din namin pumasok sa iba't ibang damitan baka sakaling may magustuhan kaming bilhin. Masaya kasama si Anne. So easy going at game sa lahat ng kung ano man ang mga maiisip naming gawin. Nang medyo napagod na kami sa kakalakad ay sa wakas naisipan din namin munang bumili ng pagkain at tumambay muna sa foodcourt. Nang nakaupo na kami. I saw her smiling sa kung sino man sa likudan ko. I knew it. Another prospect guy. Well, prinoprospect nya lang din naman na guy ay yung naramdaman nyang may gusto sa kanya. She's pretty, slim at laging nakasmile kaya naman andami nya talagang makukuha na guy. Actually, main attraction nya talaga ay ang nakakaattract nyang smile.
" Saan yung boyfriend mo? " tanung ko sa kanya. Tinutukoy ko yung malapit lang dito na boyfriend nya. Well, wala naman ako paki dun sa mga boyfriends nyang sa chat nya lang nakakausap. I'm so against the idea of getting to know each other through chat or maybe atleast. Nakilala ko muna sya ng personal siguro before we do chats?
" We broke up" proud nya pang sabi. Well, di ko na kinagulat yun. Sanay na sanay na ako marinig sa kanya yun. Ni di ko sya nakitaan na umiyak o kahit nalungkot man lang tuwing may break ups sya at feeling ko nga, isa sya sa may kasalanan bat nagbabago ang pananaw ko sa relationship. Parang feeling ko parang naging isang laro na lang iyun na kapag sawa ka na ay maghahanap ka na ng ibang lalaruin. Kung dati ay naniniwala pa ako sa one great true love dahil syempre sa parents ko, which is parehas nilang First and great love ang isa't isa. Ngayon? Di na ata nag eexist ang ganyan sa ganitong era.
YOU ARE READING
WHERE THE STARS AND MOON MET
Romance" Don't ever think that you can run away from me Juvy. Remember, I am the star and you as the Moon will never be able to escape from me" - Zadrick Different color of lights....High rise building....iba't ibang busina ng mga sasakyan... Bar....Disco...