Lucy
Maagang umalis kanina sina Marco at Melik papuntang Campo sa Taytay. Seyempre naging masaya ang araw ko. Dahil pinapansin na ako ni Marco. Napahinto ako sa ginagawa. At napaisip ng malalim.
One thing I discovered about him all the soldiers here called him Monster? Why? Is he that cold and dangerous?
Kaya Pala noong una Kong tung tung sa Lugar na ito at hinahabol pa si Marco. Nakatingin sila lahat sa amin. Bakit ngayon hindi na ba? Diba hinahabol ko pa rin ito.
Mayroon pa na iniincourage akong. Make him fall in love with you Lucy pa ang mga ito. Parang lagi talagang inaabangan ng mga ito ang mangyayari sa amin ni Marco. Huh! Mga baliw na sundalo.
Well kung pagbabasihan sa awra ni Marco. Gwapo ito. So gorgeously handsome. Iyon nga lang luck of smile sa mukha nito. Ni minsan hindi ko pa ito nakitang nakangiti. At iyon ang magiging first move ko make Marco smile.
Naiiling ko ibinaling ang attention sa pagtatrabaho. Pero napahinto rin nang marinig Kong nag-uusap ang ilang mga sundalong kumakain ng tanghalian."Napansin mo ba si Lt. Marco kanina? Biglang bumait." turan ng isang sundalo.
"Oo nga eh, nagtataka nga ako. Hindi na masyadong bugnotin. Pero hindi parin ngumingiti." sagot pa ng isa.
"Hindi na baling hindi ngumiti ang importante hindi na tayo sinisigawan, hindi ka tulad noong mga nakaraang araw. Parang gusto na tayong pagbabarilin eh." kumento pa ng isa.
Hindi ko nilingon ang mga ito. Tinapos ko na ang ginagawa at umalis na. Pero rinig ko parin ang ibang usapan ng mga ito.
Ganoon ba talaga ka ilag ang mga sundalong narito sa Campo kay Marco. At gnoon na lang ang gulat ng mga ito pagngumiti ito.?
Tsk. Maslalo tuloy akong naging interisado sa Marco ko ah.
Kinahaponan ng matapos ko ng maluto ang hapunan ni Marco. Lumabas ako ng kusina. Nasa may counter si Maika. Napalingon lang ito sa may pinto nang bumukas.
"Hi,Gurl. May nagpapabigay oh." bungad nito sa akin hindi umalis sa counter machine. May Inabot itong isang bugkos ng mga magkahalong pink, red at white roses. Malaki iyon at halatang mamahalin. Nababalutan ito ng red abaka silk na nabuburdahan ng mga malilit na flower designs na kulay gold. At may ribbon na kulay pink.
"Ano yan?" tanong ko kunoot ang noo.
"Ay, hindi lang tanga bulag pa.!" palatak nito sa akin. "Natural bulaklak.!"
Oo nga Naman, nag tanong pa ako. "I mean, Para kanino?"
"Malamang para sayo, alangan Naman sa akin eh sa iyo ko binibigay eh noh." umirap pa ito. Nang abutin ko ang mga bulaklak humarap uli ito sa counter dahil may nag Bayad.
Napatingin ako sa sundalong nagbabayad. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Nagkibit balikat na lang ako at binalingan uli si Maika.
"Maika kanino galing to?" tanong ko sa kaibigan.
"Kanino galing? E di kay Marco mo. Ang sweet diba.! Ah yeeh.!" kinikilig na Saad nito.
Napatingin ako sa bulaklak na hawak ko at dilana sa ilong ko at inamoy. Kagat labi akong napangiti at Kinikilig ng sobra. Ang bango kaya. Maraming nagbibigay ng flowers sa akin noon. Pero hindi ganito katinding kilig ang nararamdaman ko.
"Bakit hindi siya ang nag bigay nito?" tanong ko uli. Pinipigilan ang mangiti, wala na man talaga akong pakialam kung siya o hindi ang nag-abot ang importante galing sa kanya.
"Iwan, pinadala lang iyan kanina, actually kanina pa yan binigay mga around 2 pm hindi ko lang ibinigay sayo busy kasi ako at nasa kusina ka Naman. Pinasasabi rin na medyo malalate siya ng kaunti sa hapunan pero hintayin mo raw siya sabay kayong maghaponan." sabi pa nito.
" Ah okay, sige. Thank you. Ilalagay ko na ito sa vase." tinalikuran ko na ito para pumasok uli sa kusina.
" Hoy! dahan dahan sa pag amoy baka peti petals at tinik pumasok sa ilong mo." habol na sigaw nito.
Nilingon ko ito at inirapan bago tuluyang pumasok sa loob ng kusina. Naghanap ng pweding paglagyan dahil wala akong nakitang malaking vase. Hindi kasi kasya sa Maliit lang.
" Manang Josie may vase po ba tayo na malaki? Lalagyan ko lang po ng mga roses." tanong ko sa matandang babae ng mapagawi ito sa harapan ko.
"Wala tayong vase na malaki, hija. Pero may naitabi akong glass na petsel pero hindi na ginagmit dahil walang hawakan. Tiyak Kong kasya yan doon." sagot nito.
"Talaga po? Saan?" sbi ko rito. Pwede na iyon kay sa walang paglagyan.
"Nandoon sa pinaka dulo ng drawer sa ilalalim ng lababo." anito sabay turo sa kinaruruonan ng drawer. Sinundan ko ng tingin ang tinuro nito at nilapitan.
Nang buksan ko ang drawer nakita ko nga ang tinutukoy nitong petsel. Malaki iyon at putol ang handle. Parang vase na kung titingnan mo. Kinuha ko iyon at dinala sa likuran. Ipinatong sa lavatory at nilagyan ng tubig.
Tinanggal ko ang pagkabuhol ng ribbon at ang wrap ng bulaklak at tinabi ko iyon sa gilid. Inamoy ko muna bago Isa-isang hinimay ang mga roses at inisa-isa ko rin ang paglalagay nito sa petsel. Habang Inaayos Kong mabuti napapangiti ako sa sarili. Kung may makakakita lang sa akin iisiping lumuwag ang turnelyo sa utak ko. Nakailang palit pa ako ng pagkakaayos bago nakontento.
Nang matapos dinala ko na iyon sa kwarto namin ni Maika at Ipinatong sa isang maliit na table sa gitna ng kama. Sinipat-sipat ko pa. Nang makontento napangiti ako habang nakatingin sa mga bulaklak.
Umupo ako sa kama kinuha ang unan at niyakap ito ng mahigpit nang hindi inihiwalay ang ang tingin sa magandang bulaklak.
"I love you Marco." tanging naiusal ko. Kinikilig na naibagsak ko ang katawan sa kama yakap parin ang unan.
Seven-thirty na ng magpasya akong lumabas ng kwarto. Pumasok ako ng kusina. Naglilinis na sina Manang Josie, Alis at Mang Kanor.
Bumukas ang pinto at iniluwa doon si Maika.
"Nandiyan na si Marco mo. Mukhang mainit ang ulo. Hinahanap ka." anito.
Napangiti ako. Nandiyan na siya. "Manang pakiinit po ang pagkain ni Marco, salamat po." naglakad na ako patungong dinning area. Sinilip ko muna ito sa salamin ng pinto. Nakaupo ito sa mesang lagi nitong inuukopa. Nakasimangot at lukot ang noo.
Napalingon ito ng makitang Bumukas ang pinto. Ang kaninang nakasimangot at lukot na mukha ay biglang nawala ng makita ako. Tumayo pa ito nang makalapit na ako rito.
Hinapit nito ang bewang ko at hinalikan ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ng napatulala ako sa ginawa nito. His my first kiss.
Gusto ko na talagang himatayin sa subrang kilig.
"Kumain ka na?" tanong nito sa akin. Akala mong walang ginawang ikinagulat ko. Na para bang ang paghalik nito sa akin ay natural lang na ginagawa nito araw-araw.
"Huh, ah. Hindi pa. Hinintay kita. Gutom kana? Sandali kukunin ko lang ang pagkain." sabi ko rito. Tatalikod na sana ako para kunin ang pagkain siya namang paglabas ni Manang Josie dala ang pagkain.
Kinuha ko ang pagkain sa matanda. Ngumiti ito at bumalik uli sa kusina.
Inayos ko iyon sa harap ni Marco. Nang matapos umupo na ako sa katapat na silya. Nakatitig lang ito sa akin ng hindi umiimik.
Nilagyan ko ng kanin at ulam ang pinggan nito.
"Thank you nga pala sa flowers." basag ko sa katahimikan.
"You like it?" tanong nito at nag-umpisa ng kumain.
"O..oo,thank you." nakayuko kung sagot. Titig na titig ito kasi sa akin. Kung kandila lang ako kanina pa ako na lusaw sa titig niya.
"Kumain kana" utos nito sa akin at nagpatuloy lang ito sa pagkain.
Kumain na rin ako. Hindi na ako nag tanong pa halata kasi sa itsura nito ang pagod.
![](https://img.wattpad.com/cover/230505370-288-k955728.jpg)
BINABASA MO ANG
Soldiers Billionaire Hier (Montireal Series #3)
Lãng mạnLucy Montireal a beautiful spoiled brat meet a committed handsome soldier 2nd Lt. Marco Christoval