Melik
To pissed Marco my Friend is my best specialty. Super pretentious man.hindi ko alam kung bakit naisipan nitong gawing girlfriend si Jessa na anak ni General Luric Fuentes. Ang ninong niya. Although mabait naman si Jessa but Marco said hindi niya mahal ang babae g iyon pero bakit nagbago yata ang ihip ng hangin.
Hinila ko si Lucy paupo sa mesa na laging kinakainan namin ni Marco.
"What do you want to eat, babe?" tanong ko kay Lucy.
Kinuwelyuhan ako nito at hinila para magpantay ang mga mukha namin.
"Anong babe pinagsasabi mo diyan.?"bulong na tanong nito.
"Come on, Casiopia make it real." ganting bulong ko. Kininditan ko pa ito.
"Gustong gusto mo rin eh noh?" Tuya nito sa akin.
Natawa lang ako ng mahina. Binitawan nito ang kwuwelyo ko at inayos pa nito ang pagkakagusot umayos na rin ako ng tayo pumihit papuntang serving area. Nang makalapit nilingon ko pa si Lucy. The plan works anyway.
Pabagsak na umupo si Marco sa harap nito. Nailing Kong tingnan ito. Damn that man. Parang wala sa sarili. I smirked. Parang hindi ito ang Marcong kilala ko sa loob ng maraming taon.
Padabog na binigay sa akin ni Alis ang tray ng pagkain. Nagulat ako sa pagbagsak nito sa harapan ko. Ano bang problema ng babaeng ito. Kahapon lang ang sweet nito ngayon parang dragon na bubuga ng apoy. But she's cute.
Kinuha ko ang tray at lumapit na ng table. Nagtitigan lang ang dalawa. Si Lucy nahihiya at hindi mapakali sa presensya ni Marco. Habang itong Marco na man na ito hindi mo malaman Kong ano. Bangko ang mukha pero kung maka titig kay Lucy parang nahihipnotimo.
"Ahummm.." basag ko sa dalawa.
Napalingon si Lucy pero hindi ang Marco. Hanip ang angas. Gusto na yatang kainin si Lucy ng buo.
Umupo ako sa katabing upuan ni Lucy.
"Babe, meryenda ka na." aya ko rito. Nilapatan ko pa ng hustong lambing.
"Thank you, babe." sagot na man ni Lucy.
Napalingon ako kay Marco ng ibinagsak nito ang kamay sa mesa. Nagulat Naman si Lucy. Nagtalunan pa ang plato at baso sa mesa sa tindi ng impact.
Madilim ang mukha nito. Biglang tumayo si Marco. Natumba ang upuan nito. Hindi man lang nag abalang pulutin ang upuan.
Magsasalita pa sana ako ng biglang hawakan ni Marco si Lucy sa braso at kinaladkad palabas ng Cafeteria. Nailing na lang akong sinundan ito ng tingin. Kawawang bata. Bumalik ako sa pag upo at kinain ang meryenda.
Lucy
"Marco Sandali nasasaktan ako." reklamo ko rito.
"Ano na Naman ang ginagaw a mo rito? Hindi ka ba talaga titigil sa kahahabol sa akin?" naiinis na tanong nito.
"Ouch..!" sakit Naman. I pouted my lips.
Pabalya Kong binawi ang mga kamay ko. Hindi ako nagpahalata sa nararamdaman."Excuse me. Hindi ako nagpunta rito para sayo." pagsisinungaling ko.
Natigilan ito. Nagtaas ng kilay.
Sinamantala ko iyon. "I'm here for Melik, okay. His my boyfriend. Kaya huwag mo akong pagdudahan na ikaw ang ipinunta ko rito." mariin Kong Saad. Pero kahit na ako nasasaktan sa pinagsasabi ko. Paninindigan ko nalang ang pagpapanggap namin ni Melik para Naman hindi Naman masyadong bumaba ang pride ko sa harap nito.
" Boyfriend? Kailan pa? "malamig na tanong nito.
"Nung huling pag kikita natin." pagsisinungaling ko na Naman. Naku sana magkatugma kami ni Melik para hindi mabuko.
SABAY kaming napalingon kay Melik.
"Oo, four years na kami." sang ayon ni Melik sa sinabi ko.
Kinuwelyuhan nito si Melik. Hinawakan ko na man ang braso nito.
" Marco, no!" awat ko rito.
Ang hinayupak na Melik ngising ngisi. Habang ako kinakabahan.
Binitawan ni Marco si Melik at umalis na walang paalam.
Sinundan ko na lang ito ng tingin. Lumapit si Melik sa akin at inakbayan ako pero kay Marco din nakatingin.
" Satingin mo naniwala?" sabi ko rito.
"Satingin ko Oo. Bakas ang galit sa mukha eh."
"Kawawa na man. Sana hindi ko siya na saktan." sabi ko uli dito.
Napalingon ito sa akin.
Tsk, tsk, tsk. At napa iling.
"Iyon pa talaga ang na isip mo.?" tanong nito sa akin. Pabalik na kami ng cafeteria.Napakagat labi ako at hindi na sumagot. Hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok nga cafeteria. Papadilim na. Hindi na nagawi si Marco sa Cafeteria. Hindi siya kumain.
Kinabukasan Maaga uli akong nagising para ipagluto si Marco. Si alis ang inutusan Kong mag bigay ng pagkain kay Marco. Habang ako dinalhan ko ng tubig sa pitsel ang mesa sa tabi ni Marco. Kahit hindi ako nakatingin rito alam kong tinitingnan niya ako.
Nang matapos sa ginagawa pumihit na ako pa balik sa serving area ng mabangga ako sa isang sundalo. Nabitawan ko ang pitsel at nabasag ito sa sahig.
Agad akong umupo at pinulot isa isa ang bubog. Hindi sinasadyang nahiwa nang talim nito ang daliri ko.
"Aray!" napangiwi pa ako sa hapdi.
Nagulat akong may humawak sa kamay ko.
"Damn it! Clumsy!" igting ang panga nitong Saad sa akin.
Napatitig lang ako sa mukha nito. Parang nawala ang hapdi ng hiwa. Hindi ko alintanang dumudugo ang kamay ko.
" Alis pahinging benda." tawag nito kay Alis. Natigilan ito ng may isa pang humawak ng kamay ko. Si Melik. Bwesit sama nang timing.
Inagaw nito ang kamay ko mula kay Marco.
"Ako na Marco, She's my girlfriend." sabi nitong idiniin pa ang salitang girlfriend. Ayaw sanang magpatinag ng isa pero sa bandang huli sumuko rin. Binitawan nito ang kamay ko at bumalik na ng upo sa mesa para kumain.
Giniya ako ni Melik sa isang bakanting mesa sa may dulo ng cafeteria. Inabot na man ni Alis ang first aid kit. Ginamot ni Melik ang sugat ko. Ang mga mata ko ay nakasunod ang tingin sa likod ni Marco.
Tumayo na ito sa mesa. Tapos na sigurong kumain. Lumapit ito kay Maika at nagbayad. Hindi ito sumulyap sa gawi namin ni Melik. Lumabas na ito ng Cafeteria.
Natawa na man ng pagak si Melik. Hinampas ko ito ng kaliwang kamay ko.
"Anong nakakatawa?" takang tanong ko.
"Si Marco!"
Napakunot ang noo ko.
"Bakit?"
"Hindi mo ba nakita kanina. He keeps on ignoring you but his damn concern!.".
Napaisip tuloy ako. Tama nga ito. Totoo ba itong nalaman ko? Si Marco concer sa akin? Pero parang hindi Naman.
BINABASA MO ANG
Soldiers Billionaire Hier (Montireal Series #3)
Roman d'amourLucy Montireal a beautiful spoiled brat meet a committed handsome soldier 2nd Lt. Marco Christoval