Chapter 18

2.3K 78 29
                                    

Lucy

Maaga akong nagising iniwanan ko muna sandali si Marco na natutulog.Dala ang tray na pinagkainan nito kagabi bumalik ako ng cafeteria para makapaligo at makapagbihis.  Bumaba na naman ang lagnat nito. Hindi parin ako makapaniwala sa mga ipinahayag nito sa akin? Sino ba ako para magdemand sa kanya ng mas higit pa sa hinihingi ko? 

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto sa likod na ako dumaan . Kahit na sa harap ako dumaan wala rin namng makakakita sa akin dahil nagjojogging pa ang mga sundalo. 

"Saan ka natulog?" nagulat ako kay Maika ng bigla itong magsalita sa likuran ko. Napangiwe akong napalingon dito at napakamot ng ulo. Hindi ko alam kong ililihim ko ba dito o sasabihin ko ang totoo. Pero mas pinili ko ang huli.

"Sa quarter ni Marco." sagot ko rito. "Aray ko naman" reklamo ko nang bigla ako nitong batukan."Maika naman ang sakit." 

"May balak ka ano?"

Napakunot ang noo ko."Balak na ano?"

"Balak mong pikutin si Marco." 

"Hoy!,Kung may balak akong pikutin siya noon pa sana dahil alam kong ipapakasal siya agad ni Daddy at Kuya Aries sa akin. Tangi!" 

Paikot-ikot itong kinikilatis ako.Nakakunoot naman ang noo kung nakasunod rito.

"Akala ko ba ihahatid mo lang iyong pagkain at papainumin ng gamot! Mukha yatang ibang pagkain ang ipinakain mo at ibang gamot rin ang ipinainom mo!" nakapamiwang na palatak nito pagkatapos akong kilatisin. Luko talaga ang babaeng ito kung ano-ano ang iniisip. 

"Ai grabe siya.! Nag judge agad. Hindi ba pweding nagtabi lang kaming matulog. Saka hindi naman makakascore iyon dahil sa taas ng lagnat." turan ko rito. Pero muntikan na iyon kagabi. palihim akong napakagat labi.

"Totoo?Hindi ka pa warak?" paninigurado nito. Sinisilip pa ang mukha ko.

"Oo sabi. Ang kulit!" umalis na ako sa tabi nito. Tinungo ang kabinet ko at kumuha ng tuwalya.

Mataman lang akong pinapanood nito. Inirapan ko ito at tinaasan ng labi bago lumabas ng kwarto para magtungo sa banyo.

Nang matapos maligo pumunta ako ng kusina para magluto ng pagkain ni Marco. Inihatid ko ito agad sa kanya para makakain na siya dahil iinum pa ito ng gamot.

Pagdating ko sa kwarto niya walang Marco'ng nakahiga sa kama nito. Inilapag ko ang tray ng pagkain sa study table nito. Napalingon ako sa pinto ng banyo ng lumabas si Marco doon. Naligo? Bakit naligo? magaling na ba ito?

Nag-aalinlangan akong lumapit dito dahil topless ito tanging tuwalya lang ang takip sa katawan. I bet wala itong suot na panloob. Tumutulo pa sa maskuladong katawan nito ang iilang butil ng tubig.His so hot and gorgeous. This is my first impression to him when the first time we meet. Napakagat labi akong hindi inihiwalay ang mga titig dito lalo na sa bandang tiyan nito pababa sa umbok na natatakpan ng puting tuwalya. "Damn it Lucy!" saway ko sa malaswang utak ko.

Nahihiya akong napatingin sa mukha nito ng tumikhim ito. Pakiramdam ko pulang kamatis na ang mga pisnge ko. 

"Did you like what you saw?"nakangiti nitong tanong sa akin.

Nahihiyang tumalikod ako rito."Hindi huh, bakit ko Naman magugustuhan?" pagsisinungaling ko. Napapikit pa ako. Halata ba masyado?

Nanigas ako sa kinatatayuan ng bigla niya akong yakapin sa likuran. Damn it! wala kaya itong damit. Isinubsob pa nito ang mukha sa may leegan ko at mahigpit na ipinulupot sa bewang ko ang mga braso nito.

Matagal rin bago ako nakabawi sa pagkabigla. Dahan dahan aKong kumilos niluwangan Naman nito ang pagkakayakap sa akin kaya na kaharap ako rito. Naramdaman ko ang umbok ng matigas na bagay sa iba a pero hindi ako nagpahalata. "Lucy huwag marupok." asik ng utak ko dahil mukhang bibigay na Naman ata.

Soldiers Billionaire Hier (Montireal Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon